Chapter 25

317 15 8
                                    







Nagising ako dahil sa pakiramdam na basa ang daliri ko sa paa. Sumasakit ang ulo ko na tila ba naipokpok sa isang matigas na bagay. Iminulat ko ang aking mga mata at agad suminag sa akin ay ang kisame ng isang nipa hut. Napapikit ako dahil sa blurry ang pagtingin ko rito. Ilang beses akong napakurap at maya-maya pa'y naging malinaw ang paligid. Hinang-hina ang katawan ko na tila ba napagod ng husto sa isang gawain na nakakadrain ng energy. Sapo ang ulo ay umupo ako at rinig na rinig sa paligid ang pagngitngit ng kamang hinihigaan ko. Isinandal ko ang aking isang kamay sa kama at napapakit ulit ng mariin. Ang sakit ng ulo ko! Kumikirot ng todo na parang mabibitak na ito. Huminga ako ng malalim at sinabunutan ang ulo ko. Pagmulat ng mga mata ko ay mga bamboong gamit ang bumungad sa aking paningin.

Napaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang paligid. Lahat ay brown dahil sa mga tuyong mga dahon at iba pang sangay ng puno. May lampara sa aking tabi, yung lumang lampara. Nakaupo ito sa isang kahoy na mesa at mayroon ding mga gamit na tila inihanda at isang baso ng tubig, yung dilaw na plastik na maliit. Pagkakita ko sa inumin ay tila naging tuyo ang aking lalamunan kaya kinuha ko ito at uminom na parang mauubusan.

Natigilan ako nang makarinig ng kalampag, yung tipong parang nahulog na kaldero. Napalunok ako at napabaling sa labasan ng kwartong ito. Nalaman ko na nasa itaas pala ako dahil kitang-kita ko yung ref na tila parang abot ng aking mga mata. Inilapag ko ng dahan-dahan ang tubig sa kahoy na mesa at luminga sa paligid. Parang nasa bahay-kubo ako sa theme ng loob. Lahat ng gamit, mukhang galing sa kakahuyan. Kumunot ang noo ko dahil di ko maalala kung paano ako napunta rito. Hanggang sa tumayo ako at nagtungo sa bintanang bukas kung saan kitang-kita ko ang pagsayaw ng mga halaman.

Ingat na ingat ako habang nasa tabi na ng nakaawang na bintana. Pasilip-silip ako sa gilid nito para di makita nang kung sinumang nasa loob. Napakapit pa ako sa dingding dahil parang umiikot ang paligid. Kinalma ko muna ang sarili ko bago makitang parang nasa gitna kami ng gubat. Linanghap ko ang hangin at napapikit. Nasaan ba ako? Paano ako napunta rito? Wala naman akong maalalang-- Napamulagat ako at napatingin sa labas nang may mapagtanto. May putukan tapos nasa SUV sa gitna ng kadiliman. Biglang nanginig ang daliri ko.

Mabilis akong napabaling sa labasan ng kwarto nang marinig kong may umaakyat. Tumingin ako sa paligid at tarantang naghanap ng mga pwedeng pagtaguan pero wala. Biglang kumabog ang dibdib ko nang malakas kaya napahawak ako rito. Shit, anong gagawin ko?

Nanlalaking mga mata ay napaatras ako nang makita ko ang anino ng isang tao. Napalunok ako at inihanda ang sarili ko bilang pangdepensa. Nang marinig kong malapit na ang tao ay aatake na sana ako pero isang boses ang umalingawngaw.

"Kuya, heto na po yung mga prutas. Bigay ni Aleng Martha..."

Nanindig ang balahibo ko nang dahil sa boses. Galing sa labas. Napatingin ako sa bintana upang sumilip sana pero di ko magawang humakbang dahil baka may makakita sa akin. This is so fucking insane! Paano ako makakatakas sa mga taong ito? Worst, paano kung papatayin na nila ako? Baka sila yung gustong pumatay sa akin!

Pero no, Luhan! Parang hindi naman. Narinig mo naman ata yung boses kanina. Bata. Boses ng isang bata. Baka tinulungan ka lang. Umiling ako. Hindi, ano ba?! Iniisip mo pa kung bata yun o ano ang maaaring kabaitan ang gawin nila? Paano kung pinepeke? Paano kung nanloloko pala? God, this is maybe the end of my life!

Bumaba ang yabag ng paa kaya dali-dali akong lumapit sa kamay at kinuha ang mga damit. Ingat na ingat akong naglakad tungo sa labasan at napatingin sa baba para tingnan kung clear nga ba ang paligid. Napasinghap ako sa itsura. Parang ordinaryong bahay lang naman ito at walang kakaiba maliban sa mga nakasampay na briefs mula sa doorframe nang labasan kung saan ako pababa malapit sa isang kahoy na bumabalanse sa bahay sa kusina.

Nang makitang clear ang lahat ay bumaba ako. Dahan-dahan, may pag-iingat upang di makagawa ng ingay. Nang sa huling baitang na ay saka naman parang may nahulog kaya bigla akong naestatwa. Ano yun?! Saang galing yun?

"Kuya, mukhang may nahulog sa kwarto. Baka pusa na naman yon. Ikaw kase, sabing huwag nang itago sa itaas eh..."

"Tsk. Sorry na po. Wait lang at kukunin ko."

Parang nawalan ako ng hininga nang makitang lumabas doon ang isang lalaki. Naka-pawad at naka-jersey short. Yakap-yakap ko ang damit na kinuha ko sa aking dibdib at kitang-kita ko ang goosebumps sa buong katawan ko dahil sa mangyayari. Nabuhusan ako ng malamig na tubig. Naging malamig ang pakiramdam ko at ramdam na ramdam ko ang pagiging maputla ng balat ko. Shit, I'm dead. Biglang sumakit ang ulo ko kaya napasapo ako rito.

Pero nang magtama ang mga mata namin nung lalaki ay natigilan ako. Biglang lumukso ang dugo ko at unti-unti ay biglang bumigat ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko, naubusan ako ng dugo. Kitang-kita ko kung paano siya lumunok at sa mga mata niya ay mga emosyong masasalamin din sa aking mga mata. Nanginginig kong nabitawan ang mga damit sa aking kamay.

"Kuya, ano? Bakit ka pa nakatayo diya----"

Lumandas sa mga mata ko ang mga luha patungo sa sahig na kinatatayuan ko.

HUNHAN: That New Guy!Where stories live. Discover now