Chapter 10

720 35 11
                                    


 created by Ichi-14

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

created by Ichi-14


Sehun has been waiting for me outside my room kaya mas minadali ko ang pagda-dry ko sa buhok ko. Itinali ko ito ng pony tail para naman maramdaman nito ang lamig ng hangin dito sa lugar na ito. Bago ako tumayo ay tiningnan ko ulit ang mukha ko sa salamin bago tumayo at kinuha ang cellphone ko. Agad akong nagtungon sa pintuan at bago ko pa iyon buksan ay huminga muna ako ng malalim at tiningnan ang orasan sa cellphone ko. 7:40 AM.

"Maaga pa naman," bulong ko at tumingala para tingnan sa butas kung nasa labas si Sehun. At tama nga ang hinala ko dahil kanina pa siya nakatingin sa butas.

I blinked my eyes. Kanina pa ba siya naghihintay?

Binuksan ko na ang pintuan at nagulat ako nang matumba si Sehun at niyakap ako. Muntik na kaming matumba kung hindi lang siya agad nakatayo ng maayos at mahawakan ang likod ko. Nagtama ang mga mata namin at my lips turned into line when I felt his breath coming from his mouth on my lips.

Sehun blinked several times before realizing our position. Tumayo siya ng maayos at ganun din ang ginawa ko.

"Sorry," hingi ng tawad kaya tumango na lang ako bilang sagot. Plinantsa ko gamit ang kamay ko ang nakusot sa suot kong puting plain na polo. Natigilan lang ako nang makita ko yung pantalon at sapatos ni Sehun sa harapan ko at mukhang wala pang balak gumalaw. Tiningala ko siya.

"Seh--" I was frozen on my spot when I nearly kiss him!

I almost kiss him!

Lumayo agad ako ng konti sa kanya. Pansin ko sa mapulang labi niya ang unti-unti pagkurba nito. Bigla na lang ako nakaramdam ng pag-iinit sa tenga at mukha kaya dali-dali na lang akong lumabas.

"Uh, gutom na ako. Tayo na," sabi ko. At naglakad papuntang kanan.

Narinig ko na lamang ang pagtawa ni Sehun at narinig ko ang yapak niyang patakbong papunta sa akin. Tatakbo na sana ako kaso nahawakan niya agad ako at pinaharap sa kanya. Nagpumiglas ako.

"Ano ba?!" sasampalin ko na sana siya kaso nahawakan niya agad ang mga kamay ko.

"Wait," natatawang pagpipigil niya.

"Ano ba kase?! Bitaw," I hissed.

"Hindi kase diyang ang daan. Sa kabila. Dulo na 'yan, Luhan," sabi niya kaya natigilan ako. Kinagat ko ang labi ko at pasimpleng tumingin sa likuran ko. Napapikit ako nang tama nga ang sinabi niya. Dulo na nga 'to.

Pero may stairs naman dun, ah! Di ba pwedeng trip kong maghagdan?

"A-alam ko," pasimpleng sabi ko at sinubukan kumalas sa hawak niya. "Di ba pwedeng maghagdan ako? Exercise!"

"Okay," tumatangong sabi niya at nilahad na ang daanan papunta sa kabilang hallway. "Exercise," asar niya pa kaya pinandilatan ko siya ng mata.

HUNHAN: That New Guy!Where stories live. Discover now