Chapter 6

690 36 23
                                    







"Hey," tawag ni Sehun sa akin pero di ako lumingon. Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse niya at pinagmamasdan ang mga puno na nadadaraanan namin. Inis na inis ako sa kanya. Paano ba kase, di man lang nahiya! Dinala niya ako sa office ni Ama habang buhat-buhat ako kaya pinagtitinginan kami ng mga manggagawa. Gusto ko sana siyang sapakin kaso nakapasok na kami sa kwarto ni Ama at iyon, binigyan niya ako ng isang kunot-noong ekspresyon pero kalaunan naman ay bigla na lang itong nakangiti. Ako tuloy yung kumunot-noo.

"Oh, nandyan na pala kayong dalawa," panimula niya habang humarap sa amin dahil nakatingin kase siya sa glass wall kanina at umikot paharap sa amin. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay bago inilapag ito sa table.

"Take you seat, please," at alam mo bang bigla na lang ako ibinaba ni Sehun? Oo, as in yung bigla-bigla kaya napakapit pa ako sa batok niya. Ayun tuloy, ang lapit ng mukha namin sa isa't isa at ang malala nagkatitigan pa kaming dalawa! Oo, titig as as in sobrang titig na titig. Pinigilan ko ang hininga ko at napansin kong napatingin ang tingin niya sa labi ko tapos tumingin ulit sa mga mata ko.

Di ko alam kung ako lang ba o sadyang napansin ko na hahalikan na niya ako eh. Pero tumikhim si Ama kaya tumigil si Sehun at dahan-dahan akong ibinaba.

"S-sorry, Mr. Xi," paumanhin ni Sehun kay Ama pero napatingin sa akin. I met his eyes but I awkwardly looked away. Yung puso ko kase, ang bilis ng tibok. Argh!

"Ah, naalala ko tuloy sa inyo ang alaala noong kabataan ako. Ganyan na ganyan din kami ng asawa ko," biglang sabi ni Ama kaya natingin ako sa kanya. Ano raw?

"Po? Ama?" taka kong tanong pero napabalik na siya realidad. Tumikhim at ngumiti na lang sa aming dalawa.

"Ah, wala. Okay, we'll start talking about the project in the north..." Blah, blah, blah! Argh, nakakairita pa rin yung panakaw na tingin ni Sehun. Sarap bangasan. Argh!

"Luhan?" tawag niya ulit sa akin at hinawakan ang kamay ko sa aking hita. Napatingin ako rito at sakanya at balik ulit sa pagkakahawak ng mga kamay namin. Tinanggal ko iyon at lumayo ng konti sa kanya at siniksik ko ang katawan ko sa pintuan ng sasakyan niyang SUV na puti. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga niya kaya sumilip ako sa kanya ng konti pero nagtama ang mga mata namin kaya agad akong nag-iwas ng tingin at tumingin sa labas ulit.

Napabuntong-hininga na naman ulit siya. Naging tahimik na ang byahe namin papunta sa grocery store pero in-on naman niya ang radyo.

Ikaw ang syang ligaya ko
Nagbibigay sigla sa puso ko
O giliw ko, pakinggan mo
Ang nais sabihin ng aking puso~

Napatingin ako sa kanya nang nakakunot-noo. Ano ba 'yan?! Ba't ang lungkot?! Tapos bakit ganun ang lyrics? Nakakainis naman, oh! Argh!

"Patayin mo nga 'yan! Nakakairita sa pandinig!" inis kong utos ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Lumingon lang siya sa bintana para yata tumingin kung may dadaan na sasakyan bago niya iniikot.

  Na mahal, mahal na mahal kia
Hindi ako magbabago
Asahan mo ito
Mahal, mahal na mahal kita
Ang puso ko'y iyong iyo
Asahan mong maghihintay sa'yo~

Napakagat labi ko nang marinig ko ang lyrics nung kanta. Parang may kung anong humaplos sa puso ko na hindi ko maintindihan . May alaala rin pala na biglang lumitaw sa aking isip. Alaala namin ni Sehun.

Alaala namin ni Sehun... Ang.. pangit pakinggan.

  Ang puso ko'y malulumbay
Kung di ikaw ang kapiling
Sa habang buhay
Pag ibig ko'y walang hanggang
Maghihintay sa iyo
Magpakailan man dahil....

HUNHAN: That New Guy!Where stories live. Discover now