Chapter 20

484 24 20
                                    




Huminga ako ng malalim. Yinakap ko ang itim na suit na isinuot sa akin ni Sehun kanina. Gusto ko sanang magjacket na lang dahil malakas na ang hampas ng hangin na nanunuot ang lamig nito sa balat ninuman. Pero ayaw iyon ni Sehun at magrereklamo pa sana ako kundi lang niya sinabing makikipag-meet kami sa isang importanteng tao. Nakasunod lang ako kay Sehun na papunta sa pintuan. Pinagtitinginan siya ng mga tao rito sa lobby at hindi ko maiwasan na hindi umismid sa mga mukha nila na parang nakakita ng anghel. Pero alam niyo iyong masakit? Yung tipong di man lang naghintay yung taong minamahal mo. Iniwan ka niya. Parang walang kwenta yung presensiya mo kahit na magkalapit na kayo.

At heto na naman iyon, malayo na naman siya kahit abot ko na.

Luminga ako sa paligid pagkalabas ko ng pintuan ng hotel na iyon. Malamig ang simoy ng hangin subalit ramdam ang pagiging mainit nito. Kitang-kita ang dami ng tao na naglalakad ngayon na tila ba parang umaga lang ang gabing ito. Maraming tao na namamasyal. Mayroon namang napapadaan at napapatingin sa hotel na pinaggalingan namin at yung iba may sariling mundo. Maaliwalas ang kalangitan at kitang-kita sa dilim ang ningning ng mga bituin sa langit. Naging mas maganda pa ang view nito dahil mabilog ngayon ang buwan at parang malapit ito sa mundo. Magandang gabi ito. Para sa iba. Sa akin, ewan ko. Parang wala akong maramdaman na mainit sa aking puso. Wala lang. Isa lang ordinaryong gabing ito.

Napatingin ako kay Sehun at may kausap siya sa kanyang cellphone. Kitang-kita ang pagkunot ng kanyang noo at pagbabagong ekspresyon ng kanyang mukha. Kitang-kita ang marahas na paggalaw ng kanyang mapulang labi na tila ba naririndi sa kausap. Malapit na ako sa kanya at maririnig ko na sana ang kanilang pinag-uusapan nang mapatingin siya sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang aking itsura, magmula sa ulo pababa sa aking suot na sneakers. Kinagat ko ang aking labi at ngingiti sana sa kanya nang bigla siyang tumalikod sa akin at naging mahina ang pag-uusap nila ng kung sinumang nasa kabilang panig. Napapikit ako.

How dare he turn away from me?

Naging marahas ang aking paghinga. Ultimo isang hinga ay mabilis na pagsinghap ang maririnig sa akin. Sino ba yung kausap niya at kinailangan niyang tumalikod sa akin nang ganun? I know how it means private matters but not to the point na hindi man lang siya nagbigay ng gestures na hintayin ko siya o kaya'y sabihin man lang na tapusin lang niya ang tawag. I am so pissed. I just want to grab that thing and tell that someone on the line to just go and fuck himself... or herself.

Napasinghap ako ng mas malakas. Don't tell me may tinatawagan siyang babae? Baka iyon na yung nagtext sa kanya dati. Alam kong sinabi niya sa akin na hindi niya kilala yung nagsend ng message na iyon pero di ko maiwasang magduda. Ilang araw pa lang kaming nagkaayos tapos heto, pakiramdam ko parang may masama ng mangyayari sa pagitan naming dalawa. Shit, baka siya na 'yon. Baka itong araw na ito ay iiwan na lang ako ni Sehun at pupuntahan niya ang babae niya. Umiling ako. Hindi ako papayag na maiiwan ulit ako rito at tangang maghihintay sa kanya. No. Dapat makiramdam siya.

Mabilis kong kinalma ang sarili ko. Nagsimula ulit maglakad si Sehun habang patuloy pa rin ang mahinang usapan nila ng nasa cellphone. Sumunod ako sa kanya, nasa likod ako pero may distansiya. Mariin kong sinara ang kamao ko. Wala talaga siyang balak humingi ng sorry sa ginawa niya? I groaned in frustration. Now, I am acting like a brat. Binilisan ko na lang ang paglalakad nang matanaw ko na ang kanyang sasakyan na SUV. Nakaparada sa isang space sa parking lot ng hotel na pinagi-stay'an namin.

Nang malapit ako sa gilid at kaharap ng pintuan ay saktong natapos ang pag-uusap nila Sehun at kung sino mang hayop na yon. Nasa likod ko siya at ramdam ko ang paghinga niya na tila parang naubos ang kanyang laway at enerhiya sa pakikipag-usap. I flinched and I breath heavily. Need to calm down. Need to calm down, Luhan.

Narinig ko ang mabilis na pagkayapak ng mga paa ni Sehun papalapit sa kanyang sasakyan. Nakalapit na kaming dalawa sa pintuan ng passenger's seat. Siya sana ang magbubukas nang inunahan ko siya. Marahas kong binuksan ang pintuan nito at pumasok ng padarag. Isang malakas ng pagkalampag ang narinig sa loob ng kotse at maging sa labas. Pumikit ako ng mariin. Calm down, Luhan.

HUNHAN: That New Guy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon