Chapter 11

637 35 17
                                    


Bigla akong nagising dahil sa rindi ng ingay sa paligid

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.




Bigla akong nagising dahil sa rindi ng ingay sa paligid. Unti-unti ay binuksan ko ang aking mga mata at ang unang bagay na sumilay sa mga matang ito ay ang puting kisame. I blinked my eyes several times just to clear my vision. Susubukan ko na sanang umupo sa kinahihigaan ko nang biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako rito at napasandal sa head rest ng kama.

Ang sakit. Ano bang nangyari?

Nakarinig ako ng yapak na mabilis. Papunta iyon sa akin at iaangat ko pa lang sana ang aking ulo nang may kamay na humawak sa aking braso na nakahawak sa aking ulo. Magaan ito at sobrang may pag-iingat sa paraan ng paghawak niya sa akin. Iniangat ko ang aking ulo at nagtama ang mga mata namin ng isang lalaki.

Walang iba kundi si Oh Sehun.

Doon ko napagtanto ang nagyari kanina. Kanina? Hindi na rin ata masasabing kanina. Baka isang araw akong natulog ano. Ewan ko. Pero nang may isang bagay ang naisip ko ay bigla akong nag-ayos ng pag-upo. Unti-unti ay may naramdaman ako sa aking pisngi na pag-iinit.

Sabihin niyo sa akin na nanaginip lang ako. Sabihin niyo na hindi totoong muntik na akong malunod at naging isang superhero si Sehun na iniligtas ako roon sa isang pool. At isigaw niyo sa akin na hindi niya ako hinalikan at hindi ko rin siya hinalikan! Ah, ano bang pumasok sa isipan ko at nagawa ko ang mga iyon? Nakakainis. Napayuko ako sa sobrang hiya sa nangyari.

Naramdaman ko ang isang mahinang haplos sa aking kanang pisngi gamit ang isang mainit na bagay. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Sehun. I gulped and touch his arm that is holding me. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil napagtanto ko na hindi ko kayang makipagtagisan ng titig sa kanya. Naalala ko kase yung pagdampi ng mga labi namin sa isa't isa. At yung salitang isinambit ko sa aking isip na maaaring magbago kung mangyari man na mabuhay muli ako.

... I will be loving Oh Sehun again.

Argh! Bakit kase nasambit ko iyon? Saan ba galing iyon? Now, hindi ko alam kung magiging totoo ba ako sa huling hiling ko o ano. Nakakainis!

"Are you okay now, Luhan?" mahinang tanong ni Sehun at kinalas niya ang kamay na marahang humahaplos sa aking pisngi kanina. Bigla akong nanghinayang.

Ano? Umiling ako sa naiisip ko.

"Still not okay?" I glance at him when he asked me that. Oh, did he took my shaking of head as an answer? Napakagat na lang ako ng labi.

"I'm fine, Sehun," nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Medyo masakit lang ang ulo ko," binulong ko na ata sa hangin ang huling pangungusap.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama na binabalaan akong umupo siya sa malapit sa akin. Medyo lumayo ako sa kanya ng konti. Ramdam kong nangunot ang kanyang noo dahil sa ginawa ko pero hindi ko na lang binigyang-diin iyon.

"Do you need anything then?" he asked.

Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Nakuha agad ng isang prutas sa aking gilid ang atensyon ko at kumuha ako rito. Lumingon agad ako sa banda ni Sehun nang tumayo siya. Lumipat siya sa aking harapan at kinuha ang apple na hawak ko.

HUNHAN: That New Guy!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ