Pumasok ako saka ini-lock ang pinto. Gahasain ko na ba si Kensh? Omg solo ko siya dito!

"Bakit ka narito, Frey." Seryosong tanong niya. Napakalalim ng boses niya.

Naagaw ang atensyon ko ng alak sa ibabaw ng mesa. Hindi iyon basta alak lang. Mamahalin iyon at alam ko, matapang iyon. Bihira kong makita si Kenshin na hindi beer ang iniinom.

Umupo ako sa couch. "May itatanong ako. Galing ka ba sa unit ni biatch kanina? Why? Anong ginawa mo doon?"

Tumingin siya sa mga mata ko pero para akong natameme dahil napaka-intimidating. Iba ang awra niya. Hindi siya ang usual na sakto lang. As in, iba. May iba sa kaniya.

"Sinaktan ng kaibigan mo ang kaibigan ko. Tingin mo ba mapapalampas ko iyon?"

Napalunok ako. Bakit ang seryoso masyado? Wait, hindi ako sanay! Parang nakakatakot naman si Kenshin.

"Wait, what do you mean?"

"Mabait ako sa mabait, Frey. Gago ang mga kaibigan ko pero kapag sinaktan sila at ginago, putangina hindi ako basta uupo lang sa isang sulok. Mas demonyo pa ako sa demonyo."

Hindi ko alam kung bakit biglang nanindig ang mga balahibo ko. This is not the usual him. Napakalalim ng tono ng pananalita niya at kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-seryoso sa sinasabi niya.

"Ah... ano, meron lang siguro silang hindi pagkakaintindihan ni Duke." Sabi ko.

"She used him. Hindi pagkakaintindihan? Ginamit ng kaibigan mo ang kaibigan ko. And those kind of people? I hate them to death."

Napalunok na naman ako. Jusko, bakit ba talaga ganito si Kenshin? Pwede bang bumalik na siya sa pagiging inosente niya? Mas gugustuhin ko pa iyin kahit mabobo ako e kesa ganito. Hindi ako komportable.

"Kensh, siguro problema na nila 'yon? Kailangan lang siguro nilang mag-usap ng maayos."

Nabigla ako nang bigla niyang ibato ang bote ng alak sa pader. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko kumawala ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa gulat.

Sobrang kapal ng mukha ko pero aaminin ko, sa mga oras na ito, natatakot ako kay Kenshin.

"Problema ng kaibigan ko, problema ko din. Hindi ako papayag na ginaganun lang ang kaibigan ko. Putangina pala! Seryoso si Duke sa kaniya tapos lolokohin niya? I should have choke her to death."

Oh my gosh. This is not really him. He's too cruel. Ang dilim dilim ng awra niya.

"Kenshin..."

"Get out."

Awtomatiko akong napatayo. Nakakasindak siya. Na parang konting mali ko, masasaktan ako.

"Kenshin, let's stop talking about her. Hmm, ano, ah..." feeling ko nanggigilid na ang luha ko sa takot pero nilalakasan ko ang loob ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Napansin kong unti unting lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin.

He took a deep breath and looked at me again.

"I'm sorry. I ddin't mean to scare you."

"Kenshin..."

Uminom siya ng alak saka tumingin ulit sa akin. "Birthday ni Drake. Celebration mamaya sa unit niya. Pumunta kayo ni Cherrypink. Utos ni Duke." Sabi niya na parang walang nangyari, na normal lang ang lahat.

Muli akong umupo at ngayon, unti unting nawawala ang kaba sa dibdib ko. This is the real him. He's gentle. Hindi katulad kanina.

"Ah, ah, sige. Just tell me the address then I'll ask biatch to come."

TWO FACEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant