64th: Key Bombs

591 19 12
                                    

Ariia's POV

"We have no one, Angel" pag ngisi ni Xeya kay Angel habang pinapanuod nito itong itali ng mga utusan niya.

Hanggang ngayon ay gulat parin ako sa nangyari. Criexxen knows everything, all of them are here, and now, Xeya is betraying Angel, or should I call her Shell? Damn it! I don't know!

Nakatali kaming lahat habang nakaharap kay Xeya na kasama ang mga bantay niya.

Ilang minuto na rin kaming nandito. Wala kaming magawa dahil parehas na nakatali ang mga paa at kamay namin

"Xeya, ano bang trip mo?! Plano ko ang lahat ng to! Sabit ka lang! " sigaw ni Angel... Ni Shell kay Xeya na pinapanuod lang kami habang umiinom ito ng wine.

"Shut up! Hindi mo maisasagawa ang planong ito kung hindi dahil sakin! Tauhan ko, pera ko, at pag hihirap ko kung bakit naisagawa ang planong ito! Kung tutuusin, ikaw ang may kailangan sakin, kaya ikaw ang sabit!" Nag lakad ito palapit kay Shell at sinampal niya ito

"Don't f***ing touch her!" Sigaw ni Criexxen kay Xeya dahil sa ginawa nito

He's damn concerned about Shell. There might be something really special between the two of them. Well, he didn’t bother telling anyone about this. Now, we’re all here. Great.

"Ooh! So you love her? Eh bakit pinili mo itong babaeng to?" Turo niya sakin. "See how slut you are, mang-aagaw ka rin eh" sa pagkakataong ito ay ako naman ang nasampal.

"F*** you Xeya. " bulong ko rito.

Ngumisi lang ito sakin.

Damn it! Pag ako nakaalis sa mga taling ito, pag sisisihan mong nilapitan mo ko nang araw na nagkakilala tayo!

"Hindi mo ko matatakot sa tingin mong iyan Ariia." Pag irap nito "dalhin niyo nga ito dito, simulan na natin to. Dumidilim na" tinuro nito si Shell at mabilis naman siyang kinaladkad ng mga tauhan ni Xeya papunta sa gitna

"Don't you ever dare!" Nakakatakot ang boses ni Criexxen sa pag pigil niya sa binabalak ni Xeya.

Pero hindi nito napigilan si Xeya sa pag tutok nito kay Angel ng baril mula sa likod.

"Why not? Eh, dugo ng taong dahilan kung bakit ako mag isa ngayon ang nananalaytay sa katawan ng taong ‘to?" Puno ng hinagpis ang boses ni Xeya

"What the f*** are you talking about?!" litong sigaw ni Shell

"Shut up!" Sigaw naman ni Xeya pabalik at hinampas ito sa ulo gamit ang baril. "Let me tell you a story. Once upon a time, there's this family." Panimula nito.

Tahimik kaming nag hihintay sa kasunod ng sinabi niya.

"A happy family that is living a normal life until one day, this guy named Jun Almonte came to our home giving my cousins a great news. Natanggap ang dalawa kong pinsan sa SKY Academy. Natanggap si ate Bianca sa inapplyan niyang pwesto at nakatanggap si Laureen ng scholarSH*T! " tumigil ito sa pag sasalita at pumunta sa harap ni Shell.

She's connected to Bianca and Laureen?

How didn’t I saw that coming?! Xeya Shellie LEI Gomez!

"Ilang linggo matapos makapasok sa academy ang dalawang pinsan ko, wala kaming natanggap na balita galing sa kanila. My mom and dad tried to connect with Jun Almonte, but they failed. But Mom and Dad didn't stop there. My parents became my cousins parents too, hindi nila kayang pabayaan lang ang mga pinsan ko sa kamay ng demonyo mong tatay" duro nito kay Shell

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon