25th: Not Yet

523 26 0
                                    

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko.

Damn! Parang pinipiga sa sakit!

Mabilis akong bumangon para kumuha ng tubig sa kusina kahit na ayoko pang tumayo mula sa pagkakahiga ko.

"G-gising ka na pala. Sit" pinaupo ako ni Criexxen habang siya naman ay nag luluto.

Agad naman akong nag salin ng tubig mula sa pitsel na nasa harap ko at mabilis itong ininom.

"Ano? Iinom ka pa ng ganon karami?" He chuckled to tease me as he continued to cook.

"Shut up!" Irap ko sa kaniya kahit pa man hindi niya ito kita.

"may gamot ka ba para sa sakit ng ulo? Hindi ko na kaya" hapit ko sa ulo kong patuloy lang sa pag kirot.

"I don't have, but here. Drink that" ngumiti ito sakin at inabot ang isang baso ng mainit init pang chocolate drink.

Wow, he's really ready huh.

"T-thanks" tanging sambit ko sa hindi makatigil sa pag ngiting so Criexxen habang nag luluto.

Mabuti nalang at dito ako dinala ni Criexxen. Ayoko namang umuwi sa bahay ng lasing na lasing ako diba? Baka kung anong isipin ni Mama, at si Criexxen lang ang kasama ko.

Nang maalala ko ay mabilis akong nag tungo muli sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Binalewala ko lahat ng text messages at agad na tumawag kay Mama para mag paalam na andito ako ngayon kina Criexxen.

Matapos kong tawagan si Mama ay tsaka ko lang napansin kung gano karami ang text messages na binalewala ko.

It's from Brynn, Angel, Hailey, Kendric, and mostly from Kierra.

But still, I didn't bother to reply, makikita rin naman nila ako bukas.

Bumalik ako sa kusina nang tawagin na ako ni Criexxen para kumain.

"May pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong ni Criexxen sa gitna ng pag kain namin.

"I-i... Ehem. I don't have, w-why?" Hindi ako makatingin ng diretso dito dahil sa napakalaking ngiti niya sakin.

Why the hell is he smiling like this? Sobrang saya niya.

"Nothing. I just asked" he shrugged.

Ugh! Asar!

Bakit naman ako naaasar? Am I expecting? Tsk. Of course not! Hell!

"I-ikaw ba?" Tanong ko rito.

Kita naman ang gulat sa mukha niya nang tumingin siya sakin ngunit sa gitna ng gulat ay bakas na bakas parin ang masayang ngiti nito.

Pati rin naman ako ay gulat sa tanong ko.

Why am I even asking him? Am I gonna ask him to go out with me? Ugh.

"Wala, are you going to ask me out?" Natatawang tanong nito sakin.

"Gusto mo-.. I mean, of course... Not! What makes you think that I wanted to date you?" Iling iling ko rito. Huli na nang mapansin ko kung anong sabi ko na ikinatawa niya naman.

"Tsk. Hindi sa lahat ng oras date ang tawag sa pag aaya o pag labas kasama ang iba. Wag mo namang ipahalata na gusto mo ng date, baby" tumatawa nitong sambit.

Argh! Sabi na nga ba't ganon ang pagkakaintindi niya.

Well, lahat naman siguro. Tsk.

"Heh! Ewan ko sayo. Baby your face!" Irap ko rito pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napapangiti ako.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now