15th: Slap

566 27 0
                                    

"He what?!" Sabay sabay na pagtatanong ng apat dahil sa gulat nang tuluyan kong sabihin ang kanina ko pa binibiting balita sa kanila.

Damn! Nakakahiya sila! Ang iingay! Buti naman sana kung nasa dorm lang kami diba?

Napapatingin na ang ilang tao na malapit sa table namin dahil sa lakas ng pagtatanong nila pero mukhang walang epekto ang tinginan ng iba dahil sa tuloy tuloy parin nilang pag tatanong sa mas mahina nilang boses

"Shhh!" Pag papaalala ko sa kanila na nasa labas kami.

Halo halong tingin ng pagtataka, kilig, at saya ang nasa mukha nila at hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nararamdaman nila sa sinabi ko.

Kagagaling lang namin sa misa at dito kami dumiretso sa Japanese resto na gustong kainan ni Hailey. Dito ko lang rin nakwento sa kanila ang nangyari kagabi.

"Anong sinabi niya? Oh. My. G!" Excited na excited na sambit ni Hailey habang hindi mawari kung tatawa ba o kikiligin.

"He confessed? So he said 'I love you'?" Kunot noong pagtatanong naman ni Brynn kasabay ng ng pag quote-unquote niya sa tatlong salitang 'yon.

Mabilis akong umiling iling rito na lalong nagpakunot ng noo niya.

"No! Hindi niya sinabing I live you, b-but... That's what he meant" yumuko ako.

I sounded assuming... But it's true! I wish it's not, but it clearly is.

Hindi ko alam kung anong dapat nilang makitang reaksyon sa mukha ko kaya minabuti ko nalang na itago ito. Hanggang ngayon nga ay hindi parin malinaw sakin kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa sinabi niya eh.

Nag patuloy ang paguusap namin tungkol sa bagay na 'yon hanggang dumating ang pagkain namin. Akala ko hindi na sila matatapos sa pag didiscusion tungkol sa bagay na 'yon, pero mabuti at humupa rin kahit papaano.

I know I sounded assuming earlier, but hell?! Is it my fault?! That was just what I exactly felt, I know he confessed about his feelings... Pero ano naman ngayon kung hindi niya nga ako gusto diba? Mas okay pa nga atang hindi niya ako gusto. Less stress-..

"Hey! Ariia! Okay ka lang ba?" Pagtapik ni Kierra sa balikat ko.

Agad akong napalingon sakaniya at agad kong nakita ang nag aalala nitong mukha kaya naman aga akong ngumiti ng pilit rito

"H-hah? O-oo naman. Bakit naman hin-.." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang mapansing hindi na sa akin nakatingin si Kierra at sa bandang likuran ko na siya nakatingin dahilan para agad kong sundan ang tingin niya.

Nanlamig ako sa nakita ko. Muli kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

A-Anong ginagawa nila dito?

"You know what? May alam akong resto na mas maganda kesa dito, doon nalang siguro tayo" agad kong hinawakan ang pulsuhan ni Hailey nang tumayo siya.

"W-we... Ehem... " I fixed my posture as I flashed a big fake smile.

"We don't need to look for another place. Wala namang problema sa lugar na to" patuloy kong pilit na pag ngiti sa kanila at pag akto ng normal.

Pero mukhang susubikin talaga ako ngayong araw.

Tuluyan kaming natahimik nang lumapit ang dalawa sa table namin at wala kaming nagawa kundi ang masaya silang ngitian.

It's Nathan and this itchy worm. Tss

"Oh my gosh! What a coincidence! Hi guys!" Pekeng ngiti nito sa pag bati niya sa mga kasama ko nang makalapit niya kasabay pa ng pag irap niya sa akin.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now