42nd: Airport

476 22 0
                                    


"Let's go?" Matamlay na tanong sakin ni Mama pagkahintong pagkahinto ng sasakyan namin.

Saglit kong binalingan ng tingin ang labas ng sasakyan at nakita ang isang lugar na hindi ko inaakalang pupuntahan ko ilang buwan lang makalipas nang makalaya kami sa SKY Academy.

"Mama... Is it right that I'm here?" I'm not really sure if I should be here.

Baka makagawa nanaman ako ng gulo dahil sa pag punta ko.

"Yes, Ariia. It's not your fault. And you're a friend" pangungumbinsi sakin ni Mama.

Sa huli ay bumaba rin ako sa sasakyan at sumabay sa pag lalakad ni Mama papasok.

I can see people with black and white shirts. Some are wearing shades, some are holding their hankies busy wiping their tears.

Andito ang mga taong nasa party ng mga Ramos noong isang gabi. Ang kaibahan lang ay kalungkutan ang bumabalot sa paligid.

"Condolences to your family" rinig kong sambit ni Mama sa dalawang taong sumalubong samin nang palapit na kami sa isang marble jar.

"Thank you for coming Principal Meryll, and Ariia. " pilit na ngumingiti sa amin ang isang babaeng nakasuot ng shades na tumatakip sa paniguradong namumugto nitong mata.

Ramdam ko na ang pamumuo ng mga luha sa ilalim na bahagi ng mata ko nang makita ko ang mga magulang ni Kyo.

Isang hakbang papalapit.

Ramdam ko ang sakit ng mawalan. Mawalan ulit ng kaibigan.

I think my heart skipped a beat when I finally saw his name clearly imprinted to that marble jar and his picture beside it.

Kyo Tranz Ramos...

I want to shout in pain. I want to just wake myself up and believe that these are all lies. That I'm just in a nightmare. But I ended up looking at you, letting my tears roll down my cheeks.

You're fully smiling at this picture. Very genuine.

You're finally at Peace. You may rest in peace Kyo.

The other night, everyone thought you're okay. Because your uncle finally saw you inside that van. I even saw you at the van's window.

Nakahinga ako ng maayos nang makita kita. Pero biglang nag bago ang expresyon ng mukha mo nang mapadaan ang tingin mo sa harap.

I knew from that moment something was off. But I didn't know that it would bu something that will kill you.

You started shouting. You said 'move away. Get down. Don't go near me' and then full brightness came. None of us knowing that, that brightness will darken our lives. That, that brightness will steal you away from us forever.

Walang nakapaglabas kay Kyo sa loob ng sasakyan, even his uncle died, and other 3 died for being too near the van, for trying to get Kyo out.

Patuloy ako sa pag iyak, nakatakip ang dalawang kamay sa mukha ko. Hindi ko mapigilan ang pag hikbi. Naramdaman ko nalang na inalalayan ako ni Mama sa pag upo dito sa harap.

Is this for real? I can't imagine someone died again. To think na nakatakas na kami sa isang impyerno.

Sana ako nalang. Walang kasalanan si Kyo sa mga nangyayari, bakit kailangang madamay siya at ang pamilya niya?! Bakit si Kyo pa?! Bakit hindi nalang ako?!

Matapos ang ilang minuto ay tsaka ko lang napansin na ang mga taong kasunod pala namin ay sina Kierra at ang iba pa.

Muli ay kumpleto sila. Maliban kay Kyo, na siyang dahilan ng pagiging kumpleto ng lahat.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now