28th: Poisoned

518 24 0
                                    

Nang matapos ang klase namin sa araw na ito ay agad kaming dumiretso sa ospital kung saan dinala si Ariia. Mag aalas singko na rin ng hapon pero nananatili parin kami sa pag titig sa mahimbing na pag tulog niya.

Hindi naman maalis sa mukha namin ang pag aalala rito at ang awa sa kapatid nitong nakakandong kay Kierra habang umiiyak dahil sa kaniyang ate na kanina pa pinapatahan ng katabi nilang si Hailey.

"Argh!!!" Lahat kami ay nagulat sa pag sigaw ni Ariia kasabay ng pag hapit nito sa kaniyang tiyan.

"Ariia, anong nangyayari?!" Alalang tanong Kendric na siyang unang nakalapit rito

"Call the nurse!" sigaw naman ni Hailey

"Give her space." Kalmadong sambit ni Asche sa mga ilang lumapit agad kay Ariia nang namilipit ito sa sakit.

"Ariia... Ariia, calm down" Saji

"Ateeeee! " *sobs* Casteen.

Nag kagulo ang lahat nang umupo si Ariia habang iniinda ang pag sakit ng kaniyang tiyan. Tumayo ito kaya naman mabilis ko siyang inalalayan at samahan papasok ng banyo.

She's throwing up.

"A-are you okay?" Tanong ko rito nang saglit itong tumigil ngunit hindi ito nakasagot nang muli siyang sumuka.

Rinig ko ang pag aalala ng lahat sa labas ngunit hindi nila makita ang kalagayan ni Ariia dahil hindi na kami kasya dito sa banyo.

"I-I'm... Not." Gulat ako sa sinabi nito kaya naman napatingin ako sa mukha nito.

Namumutla siya at namumuti muli ang labi nito habang nakatingin sa lababo.

She vomited... blood?

"F*ck" tanging sambit ko at mabilis na binuksan ang gripo para linisin ito bago kami lumabas.

Sakto naman ang pag dating ng doctor at mga nurse kaya pinalabas muna kaming lahat upang masuri ito ng maigi.

What the f*ck was that?! Why is she vomiting blood?!

"Anong nangyari kay Ariia sa loob?" Tanong ni Quen sakin na sumunod pala sa pag distansya ko mula sa iba.

"She vomited" simpleng sagot ko rito ngunit bakas sa mukha nito ang hindi pagiging kuntento sa sinabi ko.

Gayun pa man ay tumango na lamang ito at lumapit na sa iba.

"She vomited what?" Rinig kong sulpot ni Asche mula sa likuran ko.

Sa mga tingin nito sa akin ay kita ko ng may alam siya at hindi na dapat ako mag sinungaling rito dahil alam niya na ang totoong nangyayari.

"Blood" mahinang sabi ko rito pero sapat lang para marinig naming dalawa.

"I knew it. She's drugged, she's poisoned." Alalang sambit nito

"I know. At hindi na dapat ito malaman ng iba pa dahil paniguradong gagawa lang ito ng bagong issue sa academy at siguradong lalong mag aalala ang lahat. " pangungumbinsi ko ritong wag ng ipaalam pa sa iba naming kasama.

"Who knows this thing aside from us?" Seryosong tanong nito.

Pakiramdam ko ay sa bawat tanong niya, may ibang impormasyon akong masabi na hindi dapat.

"Principal Meryll and Nurse Lany, ... and Ariia for sure" dugtong ko sa huling linya ng makita kong pinapasok na sa kwarto si Principal Meryll.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now