37th: Guest's Room

471 21 0
                                    

Sumama na ako kay Brynn palabas at nang masabi namin kay Travis na puntahan ang kapatid niya sa itaas ay agad niya rin naman itong pinuntahan.

Kita ang labis na pag aalaga ni Travis sa kapatid nito kahit na madalas ang bangayan ng dalawa.

They're too opposite. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit hindi sila magkasundo.

Matapos ang ilang minuto, muling bumalik ang atensyon ng lahat sa MC ng program ng party dahil sa pagtawag nito sa atenyson ng lahat.

"And now, for the next part of our princess' party, let us first rise for our princes, Gianielle-.."

Bago pa man nito matapos ang dapat niyang sabihin ay isang malakas na tunog ang gumambala sa lahat.

Marami ang napahiyaw ang iba naman ay napayuko at napakapit sa kanilang mga upuan nang makarinig ng malakas na pag sabog mula sa loob ng bahay.

Lahat ay nataranta kaya naman lumayo ang mga tao sa pinto ng bahay ng mga Diaz. Hindi nagtagal ay nagsimulang lumiwanag sa loob at makapal na usok ang lumabas mula sa pinto at ng bintana ng malaking bahay.

Marami ang nagtatakbuhan palabas at hindi makatigil ang mga pag-ubo ng mga tao mula sa loob dahil sa makapal na usok.

"Anong nangyayari?! " tarantang sambit ni Travis nang makalapit ito sa amin habang buhat buhat ang kapatid niya na naguguluhan na sa nangyayari.

"Ilayo niyo ang mga bisita sa bahay. Tumawag kayo ng bumbero at pulis" rinig kong sambit ni Asche at kita ko ang alertong pag galaw nina Zayd at ng iba pa.

Anong nangyayari?

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, ginugulo ng gulo ng ingay sa paligid ang utak ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

"What did you do?!" Isang malakas na boses ang nang gising sakin sa realidad.

It's Quen scolding at me while Nathan and Melissa is keeping him away from me.

"Quen ano ba?! Hindi ngayon ang tamang oras para manisi ka!" Sigaw ni Criexxen rito at hinila rin ako palayo.

"Kuya! What's happening?! " *sobs* Sa gitna ng kaguluhan ay mas nakuha ng pag hikbi ng batang babae ang atensyon ko kesa sa pag aaway ng mga kaibigan ko.

"Everything will be fine princess, kuya promise. " pag papatahan nito at inihatid muna sa mga magulang niya na gulat rin sa nangyayari sa kanilang bahay ang kaniyang kapatid

"Ariia!"

"Ariia san ka pupunta?!"

"Ariia stop!"

Ilan lang sa mga sigaw na narinig ko bago pa ako tuluyang makapasok sa bahay ng mga Diaz.

There are still people upstairs that are running their way down.Halos kalahati na ng sala nila ang natutupok ng apoy, madilim na rin dito sa loob gawa ng makapal na usok galing sa mga telang nasusunog.

Agad akong tumulong sa mga taong hirap nang maglakad sa gitna ng usok palabas ng bahay. Sa hagdan ay umalalay ako sa mga taong hirap sa pagbaba dahil sa hirap makita ang daan.

Pero sa gitna ng pagtulong ay malinaw na nahahagip ng mata ko ang pinakamaliwanag na parte ng bahay gawa ng apoy kung saan nagsimula ang sunog.

Sabi na nga ba't may iba sa kwartong 'yon.

Damn it!

Nang maakay ang huling tao na pababa ng hagdan ay maglalakad na rin dapat ako palabas ngunit hindi ako natuloy dahil sa isang boses.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon