9th: Orange Hair

623 26 0
                                    

That b*tch! Kung nakatayo lang talaga ako agad! Makakalbo ko 'yon ng wala sa oras! Sinasagad niya talaga ako!

"Gosh!" Pagsigaw ni Xeya ng padabog kong isinara ang pinto ng hall.

Inis kong ipinagpatuloy ang pag lakad palapit sa kaniya at nang makita niya ang itsura ko ay lalo niya itong ikinagulat. Kasabay ng gulat ay napuno ng pag tataka ang mukha nitong nakatingin sa akin.

"A-anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Napatayo ito sa pag tatanong at lumapit sa akin sabay ng pag abot niya ng kaniyang panyo.

"That Melissa! She's... She's.. She's so evil! " I shouted in frustration.

I just want to rip her head off! Hindi ko inaakala na may isang taong makakagawa sakin nito! Pasalamat siya hindi na kami sa dating SKY Academy nakatira at hindi na ako nag-aastang Prima Donna, or else, hindi lang make over ang gagawin ko sa kaniya!

"Anong ginawa niya sayo? Bakit hindi ka tinulungan ng ibang estudyante?" Sambit nito sabay ng pag abot niya sa akin ng panyo.

"Ugh! Don't mind me Xeya. I'm okay. Darating rin ang araw ng babaeng iyon. Maybe let's just start this tomorrow, I think I can't work now" I can't even fake a grin because of how awful I look.

"O-okay... I understand. Tara na sa Inamorata, baka magkasakit ka pa," Xeya insisted to carry my bag, dahilan nito ay baka raw mabasa pa ang mga gamit ko, kaya pinabayaan ko nalang siya.

You wait Melissa, kahit sabihin mo pang mabait ako, hindi ako pumapayag na gantuhin lang ng iba. You don't know me well b*tch.

**

"Good... Wha-.. What happened to your hair?" Kita ko ang gulat na mukha ni Kierra sa hawak kong salamin.

Kakalabas palang nito sa kwarto at mukhang bagong gising lang dahil sa hindi pa gaanong bukas ang mga mata niya, pero agad na nabago ang ekspresyon nang makita ako.

"That's not r-really your color.." tila may halo pang pandidiri sa mukha ni Hailey nang sabihin niya iyan habang nakatingin sa buhok ko.

"I... I can go with you to the salon." Commento naman ni Angel na hindi sigurado sa kung ano ang dapat sabihin

"Ariia? Are you okay?" Tanong naman ni Brynn na hindi ko rin matignan.

Hindi ko magawang sumagot sa mga sinasabi nila. Hindi ko kayang tanggalin ang tingin ko sa aking buhok mula sa salamin na hawak ko.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!" Malakas na sigaw ko dahilan ng mabilis nilang pag lapit sa akin.

Muli akong natahimik at mangiyakngiyak na pinagmamasdan ang buhok ko. Makalipas ang saglit na katahimikan ay nagawa ko ring mag salita.

"Who changed my shampoo there?" Halos maiyak ako sa pag tatanong habang nakatingin parin sa reflection ng buhok ko sa salamin.

"I didn't!" they said in chorus

"Why my hair?!" Padabog kong inilapag ang salamin sa mesa at tumingin sa apat na nasalikuran ko.

My hair turned orange because of that dyed shampoo. Mabuti naman sana kung magandang shade ng orange diba? Bakit ganto? Hindi naman ako dadalo ng cosplay convention o ng costume party para kulayan ang buhok ko ng matingkad na matingkad na orange. At anong klaseng pangkulay ba 'to? May halo bang semento ang shampoo na 'yon? Pakiramdam ko ay nanigas ang buhok ko.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now