12th: Carnival

611 27 0
                                    


Argh! Ang hapdi ng mata ko!

Kinusot ko ang mga mata ko para mabawasan ang pagkahapdi nito nang magising ako mula sa malalim kong pagkakatulog. Dahil sa sobrang pag iyak ay inantok nalang ako bigla kanina at hindi ko na inabala pa ang sarili kong maglakad pabalik ng Inamorata building at natulog nalang dito.

Muli kong naalala ang mga nangyari kanina.

He left. It's over. Even if nothing started yet, it's over.

Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak ulit. Gusto kong sumigaw, gusto kong manakit, gustong ilabas lahat ng bigat na nararamdaman ko. Pero hindi ko na kaya. Hindi na kaya pa ng mata ko. Hindi na kaya ng katawang lupa ko. Pagod na pagod na ako.

Napagpasyahan ko na tumayo na at umalis na sa lugar na ito dahil mas nalulungkot lang ako sa sobrang tahimik ng paligid. Lalo ko lang nararamdaman kung gaano ako ka-nag-iisa.

Ang lugar na masaya noon pero nababalot na ng malungkot na alaala ngayon. Lugar na nagpapasaya sakin noon, sasaktan nalang ako ngayon.

Pinihit ko ang door knob ngunit hindi ito nag bubukas. I again tried to open it but it didn't open. Napipihit ko ang door knob pero hindi ko ito kayang itulak. Tila may kung anong mabigat na bagay ang nakaharang sa labas.

Damn you door! Open up!

Sinipa sipa ko ito pero kahit na ano pang gawin kong pagbubukas rito ay hindi ko ito mabuksan. Kahit itulak o hilain ko ito ay walang nangyayari.

Now I'm locked, tsk.

Sinubukan kong sumilip sa bintanang lampas sa akin. Tumalon ako ng ilang ulit para makita kung ano ang meron sa labas.

Bakit ba kasi ang taas ng bintana rito? Hindi ko tuloy makita ng maayos kung anong nasa labas.

Hindi ako tumigil sa pag talon hanggang unti unti kong napagtanto na ang nakikita ko ay mga estudyanteng nag kalat na sa field.

Inilabas ko ang cell phone ko para tignan ang oras dito at muntikan ko pang mabitawan ito dahil sa gulat ko sa oras na bumungad sa akin.

It's already 4:28?! Ang tagal ko naman atang nanatili rito? Halos buong araw pala ay nakatulog ako.

Muli akong umupo at itinuon lang ang atensyon ko sa cell phone ko. Mag titipa na sana ako ng mensahe kay Kierra na tulungan akong makalabas rito pero sakto naman ang pagkarecieve ko ng message na wala na akong load.

Okay. That's the worst timing! Argh! Isang message lang ang kailangan kong isend! Damn it! Pano ako makakalabas rito?!

Tumayo ako at muling sumubok buksan ang pinto, pero parang pinagod ko lang ang sarili ko. Para akong tumutulak ng pader.

Sa huli ay naupo lang ako at tinitigan ang pintong iyon. Ilang minuto na rin akong nakaupo lang rito. Pakiramdam ko ay lumalamig na, medyo dumidilim na rin.

Damn! Ayokong hindi makalabas dito ngayon! I'm f*ck*ng hungry and tired. I wanted to lay on my bed!

Dahil ayaw kong matulog dito ay muli akong lumapit sa pinto at pinagsisipa ito.

Damn! Why not open now door?!

"Heeellllp! May tao ba dyan?! Tulooong! " I shouted as if it was the last.

Pero kahit na gaanong kalakas na sigaw pa ang gawin ko ay walang sumasagot o tumutulong sa akin.

Wala na sigurong tao ngayon sa gym, it's nearly 5 at nilalamon na rin ng dilim ang hall dahil wala na ang sinag ng araw na nag sisilibing ilaw rito.

Damn it! Ano bang kamalasan ang meron ako?!

"Palabasin niyo 'ko ritoooooo!" I shouted in anger.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now