30th: Leaf

493 23 0
                                    

Kaninang umaga pa ako nakalabas sa ospital at ngayong hapon rin ako pumasok.

Mabuti nalang at napaki-usapan ko si Mama na pumasok na ako ngayong hapon para ipakita sa lahat na hindi malubha ang kung anong nangyari sa akin. Balita ko mula sa mga kaibigan ko ay sobrang dami nang nagtataka at nagtatanong na hindi lang estudyante kundi pati na rin mga magulang sa kung anong nagaganap.

Maayos na rin naman ang pakiramdam ko. Hindi na ako kasing hina tulad kagabi matapos ko mag suka ng dugo. Maayos na ako, maliban nalang sa sugat na hindi pa gumagaling dahil sa Melissa na 'yon.

"Ouch!" Daing ko sabay sapo sa braso ko nang nabangga ng kung sino.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na makakasalubong ko pala ang babaeng 'to. Tss.

"Oh... Sorry, hindi kita napansin" It's me who didn't notice her. Duh.

Automatikong napairap ako sa sinabi nito habang siya naman ay nakangiti ng pagkaplastik plastik sakin.

"Ano bang problema mo hah?" Tanong ko rito habang nakahawak parin ng mahigpit sa braso ko.

"Nothing. Hmmm... " lumapit ito sa akin at inikutan ako

Acting as if we're in a movie again. Tss. She's so cliche.

"don't threaten me biatch, I can do anything you can do. " she whispered flashing those evil smiles at me.

Now she's acting as if she's as good as me? She's not even on 50 percent.

"so how's your arm?" Tukoy nito sa braso kong hiniwa niya.

Hindi ko magawang ibalik ang mapanlokong ngiti nito dahil sa galit ko.

Siya nga. Siya nga ang may gawa ng lahat ng ito. Damn this b*tch! She can kill with that reason?! Just because of that man? Pathetic!

"Siguraduhin mo lang na kaya mong gawin lahat ng kaya kong gawin sayo. Try me b*tch" I smirked and raise my middle finger right on her face then left her speechless.

Wag na wag niya akong matakot-takot. Hindi niya alam kung anong tinutukoy ko sa kaya kong gawin sa kaniya.

Isa pang saktan mo ko, ibabalik ko lahat ng ginawa mo sakin! Damn that b*tch!

I really have to do something about her already. She's ready and brave enough to kill me! Paano nalang kung natuloy ay pekeng nurse na 'yon kagabi sa pagbibigay sakin ng lason galing kay Melissa? Edi hinahanda na dapat ang burol ko ngayon?

Nakaramdam ako ng kung anong malamig na bumalot sa akin dahil sa ideyang muntik na akong mamatay kagabi. Bigla akong natakot para sa buhay ko.

"O Ariia, what's with that face?" Nagising ako sa realidad nang bumungad si Criexxen nang makasalubong ko siya sa hallway.

"Nothing... Anong ginagawa mo dito? Wala kang pasok?" Tanong ko rito dahil tinatahak niya ang daan palabas ng Carmine building.

"Gym. PE namin ngayon" he shrugged.

Ugh. P.E socials. Tsk. Siya pa nga pala ang partner ko doon. Bakit pa kasi nataong parehas ng schedule sa isang P.E subject eh.

PE? ...

"Ka-klase mo si Melissa?" Out of nowhere, I asked.

"I guess. Why?" Sa kabila ng pagtataka nito ay bakas ang pagaalala sa mukha niya.

What a great timing!

Napangiti naman ako unti unti ng nakakaloko dahil sa naisip ko habang ang kaharap kong si Criexxen ay napapailing nalang sa ginagawa kong pag ngiti.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now