17th: Flyer

506 23 0
                                    

"I won't let that bitch win" ngising sambit ko kay Kendric.

Nag lalakad kami ngayon papuntang cafeteria para sa first break naming ngayong araw. Kahit na ayaw ko ay kailangan kong tanggapin na kasama na si Melissa sa grupo namin. I don't even know why. Natatahimik kami kung meron siya, pero hindi niya manlang maramdaman na may mali kung nakapaligid siya samin.

Well, what will I expect? Sa kapal ba naman ng mukha non.

"So, hindi matutuloy na madetain kayo?" Tanong nito na ikinatawa ko ng bahagya

"Of course! Ako pa ba?" I again smirked as I remembered how pissed she is earlier when Miss Fae dismissed us.

"Hey, buti naman at dumating ka na. Ano 'tong nababalitaan kong pinatawag kayo ni Angel sa office?" Bungad ni Hailey nang makalapit kami sa table

"That's nothing. I mean, it's done, so... let's not talk about it" masayang ngiti ko rito.

Tanging pag kibit balikat lang ang isinagot nito sakin. Sakto naman ang pag dating ni Angel na siyang tinanong nila ng tinanong. Wala naman itong nagawa kundi mag kwento.

"That's mean" komento ni Zayd na ikinakunot agad ng noo ko.

"It was an accident Z" irap ko rito.

Bakas naman na nahiya si Angel dahil sa tuluyan nitong pag yuko.

"Sigurado ka Ariia? I know you" pag tataas ng kilay ni Aeco.

Alam ko namang nagbibiro lang siya, pero hindi ko alam kung anong dating nito kay Angel

"Oh shut up. Kung malakas at mabilis ang pag lipad ng bolang iyon, 'yon ang matatawag na sadya, pero hindi naman balak ni Angel na tamaan ang babaeng iyon, she doesn't know how to control it, duh" may halong pag mamayabang ko sa kanila sa pagdepensa ko kay Angel.

"Okay, sabi mo eh" kibit balikat ni Quen na ikinailing lang ng iba.

They really know how mean I can get, but it's not me who served the ball straight to Melissa's face. It's Angel and I know she didn't mean to do it.

"Who wants cookies?!" Masayang pag aalok ni Saji sa amin.

"Ilang linggo ka ng aliw na aliw sa cookies na yan Saj. Hindi ka ba napupurga dyan? " may halong pandidiri na sambit ni Travis habang pinapanuod si Saji sa pag alok ng cookies niya.

"You can just tell if you don't want bruh. Ang dami mo pang sinabi eh. " irap nito kay Travis

"Angel, you want?" Alok nito sa katabi ko na kumuha naman ng isa na ikinatuwa ni Saji.

What's really with these cookies?

Nagpatuloy ang paglutas sa misteryo ng cookies ni Saji pero ilang saglit lang ay binalot na muli kami ng masamang hangin.

Tss. As usual, dumating na si Nathan at ang makating uod na laging nakakapit na parang tuko sa kaniya.

"Nathan, Melissa, gusto niyo?" Bungad ni Saji rito.

"Hindi mo naman siguro ako balak patayin diba?" Sarkastikong sambit ni Nathan habang nakatingin sa container na naglalaman ng cookies.

He's allergic to nuts, at grabe ang atake ng allergies niya. Urgh! I miss eating nuts! Simula kasi nang malaman ko na allergic siya sa nuts ay sinimulan ko na ring ilayo ang sarili ko sa bagay na iyon.

"I don't eat nuts" maarteng sambit naman ng kasama nito.

Tss. Gaya gaya? Argh!

"Why? Masarap kaya. " sabay subo ni Saji sa cookies niya.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now