Prologue

2.3K 53 0
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. All characters appearing in this work are invented by the author. Any resemblance to actual events, locales, persons living or dead are purely coincidental.

*******************************************

Months after they left SKY Academy

**

"Kierra, andito na si Ariia! Bilisan mo na dyan. " pag tawag ni tita Lucy kay Kierra na nasa kanyang kwarto pa lamang.

Malaki ang ngiti nito nang muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin kasabay ng pag buhat niya ng isang kahon at ipinatong sa mesa kung saan nakalagay ang ibang kagamitan nila ni Kierra.

Ilang linggo na rin ang nakalipas nang maibalik sa pangalan ni tita Lucy ang mga naiwan nilang ariarian ni Kierra mula nang kunin siya ni Jun Almonte. Hindi rin naman naging ganon kahirap ang naging proseso dahil na rin sa tulong ni Tita Tin na hindi pinabayan ang lahat ng iyon.

"Aakyat nalang po ako tita," pag papaalam ko na agad rin namang tumango sa akin bago siya nag lakad papunta sa kusina nila.

Gusto sana ni Mama na sa bahay nalang sila manirahan para magkakasama kami pero naiintindihan naman namin na hindi pwedeng lagi kaming nasa iisang bahay dahil may sari-sarili rin naman kaming pamilya. At isa pa, ngayon lang makakabawi ang bawat isa sa isa't isa lalo na si Kierra at ng mama niya.

"Hey there miss Kierra Kay Estein. Morning" masayang bati ko rito nang malakas kong buksan ang pinto ng kwarto niya.

I wanna be with Kierra pero kailangan niyang sumama sa pag lipat ng Mama niya dito sa dati nilang bahay-- kung saan may mga hindi nangyaring maganda sa pamilya nila. Pero nag bago na ang lahat ngayon kaya alam kong babaguhin rin nila ang mapapait nilang ala ala dito.

At isa pa, nagkasama na rin naman kami ni Kierra ng matagal sa bahay ni Tita Tin nung nakaraang buwan bago sila lumipat at bago rin kami umalis ni Mama nang maayos ang lahat sa tunay niyang tirahan.

"Hey, good morning. Sorry, hindi ako nagising ng alarm ko eh" pilit na ngiti nito sa akin habang nagmamadaling isuot ang kaniyang sapatos.

Tumutulo pa ang kaunting tubig mula sa buhok nito habang lumulundag gamit ang isang paa mula sa higaan niya papunta sa harap ng salamin dahilan ng pagsisintas niya.

Hay nako. Still the Kierra that I met inside the Academy." I sighed after laughing at her.

Napakibit balikat naman siya kasabay ng pilit niyang ngiti sa akin. Napailing nalang akong muli kasabay ng pag abot ko sa bag niyang bukas pa at hindi pa nalalagay ang ilang mga gamit sa loob kaya't inayos ko nalang.

"Of course, " She smiled through the mirror as she let a sigh.

"Let's go! You don't wanna be late and I'm sure andon na sila" mabilis nito akong hinila palabas ng kaniyang kwarto at patakbo kaming bumaba ng hagdanan.

"Ma, we'll go ahead, sunod nalang po kayo" pag papaalam ni Kierra sa kaniyang inang abala sa pag aayos ng kanilang kusina

Hindi na nag abala pa si Kierra na puntahan ang nanay niya sa kusina at hinintay nalang namin ang sagot nito sa pinto na siyang di rin naman nag tagal.

"Oo, sige, ingat kayo ha." Rinig naman naming sagot nito dahilan ng pagtakbo na namin palabas.

Nang makalabas ay hindi na rin nagtagal pa ang paghihintay namin ng masasakyan nang may taxi ring agad na dumaan sa harap ng bahay nina Kierra.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now