48th: White Lady

469 22 0
                                    


"Remember the letter? At that resto? I told you to trust no one-..."

"Bakit mo naman nasabing si Brynn ang may kasalanan? " diretsong tanong ko rito dahil sigurado akong dito patungo ang unang babala niya sakin.

That's a heavy accusation. Why would Brynn do something bad to me? We grew up together and if she's planning on doing bad to me, it would've been done years ago. When it was legal for her to hurt me in every way she wanted.

"Because I saw what really happened before someone found the death threat inside that CR" nag tutunog seryoso na ito habang ako naman ay kinakabahan sa mga sinasabi niya.

Bakit ba kailangan niya pang putol putulin ang pag kekwento?! Damn it!

Mas lalo akong natakot sa sinabi nito dahil sa kaniyang tono. Tono na animo'y siguradong sigurado siya. At ang malala dito ay sangkot si Brynn dito.

"Who did it?" Iritang tanong ko rito dahil sa hindi nito pagbibigay ng buong impormasyon kasabay ng kaba sa dibdib ko.

Tumahimik ito kasabay ng kaniyang pag tungo at napailing.

Nang muli itong humarap sa akin ay unti unting kumurba ang ngiti sa kaniyang labi. Agad ko naman itong kinunutan ng noo na lalo niyang ikinangiti.

"A ghost!" Bigla nitong sabi kasunod ng malakas niyang pagtawa.

What the f*ck?!

Sa inis ay automatikong dumapo sa batok nito ang kamay ko. Pero tumawa naman ito imbes na mag reklamo dahil sa ginawa ko.

Gusto ko siyang murahin dahil sa pag sasayang niya sa oras ko. Kung legal na ang pumatay, ililibing ko siya ng buhay eh! Damn!

Ano pa nga bang aasahan ko sa gantong klase ng tao? Tsk. What a brat.

"Ano ba?! Wag mo ngang sinasayang ang oras ko!" Muli ay hinampas ko ito.

"Oo na! Masyado ka kasing seryoso eh. Chill ka lang. " umayos ito ng upo at muling nanahimik.

I'm desperate to know the truth. Kahit na hindi ako masyadong nag titiwala sa taong to, kailangan kong subukan. I don't have anything and I must try everything to have something.

"I saw a girl went to that cr, before your ex boyfriend came, " again he stopped and look at my expression.

"He's not my ex boyfriend" pag tatama ko sa kaniya na ikinangisi niya naman. Tila nakuha ang reaksyon na inaabangan niya.

"Really? Eh bakit non lagi kayong magkasama, and suddenly hindi na-.."

"Just f*ck off! Ganyan ka ba kadaldal talaga? " irita kong sambit pero wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman ng taong kaharap niya, tanging pagiging chill at cool headed niya lang ang iniisip niya.

He's not going to take me seriously, I know. But a second ago, he said something useful. I just can't concentrate on my purpose, the reason why I am seated here with him!

"Whatever! I want to label him as your ex boyfriend, so... I will. " he smirked. Ang daldal talaga! " back to the story. As I said, I saw a girl, that's why I warned you about that girl you're talking to. Sa mga panahong katulad non, wala kang dapat pinagkakatiwalaan. " tama siya. Wala dapat akong pag katiwalaan. Pero tama bang pati ang mga kaibigan ko ay pag hinalaan ko rin?

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon