8th: Baby!

650 23 0
                                    

Mabilis na dumating ang tanghali at wala na akong sinayang na oras at agad na nag tungo sa backstage hall sa gym. Napagdesisyonan ko lang rin na hindi nalang ako kakain ng lunch, hindi naman siguro masama dahil minsan lang naman. At isa pa, baka kung ano lang na naman ang masaksihan kong hindi ko ikakatuwa sa cafeteria

Limang minuto na akong naghihintay kay Xeya pero hindi parin ito dumarating, nakalimutan niya kaya?

Habang wala pa ito ay naisipan kong buksan ang libro ko sa sabject na iyon, pero kahit anong pagbabasa pa ang gawin ko ay wala parin akong maintindihan.

Mag sasampung minuto na at halos humiga na ako sa pag kakaupo ko sa sahig sa kahihintay sa kaniya.

Asan ka na ba Xeya?

At sa pagtatanong ko sa isip ko ay nasagot rin ito ng marinig ko ang pag bukas ng pinto.

Mabilis kong binalingan ng tingin si Xeya na nakangiti sa akin habang naglalakad ito papasok.

"Akala ko na-.. kalimutan mo" saglit akong napatigil sa pag sasalita nang pumasok kasunod nito si Criexxen.

"Hah? Hindi no. Nakasalubong ko kasi siya kanina, so I offered him help too" ngiti nito kasabay ng pag lapit niya sa pwesto ko at umupo na rin nito sa harap ko.

Napatango nalang ako sa sinabi nito. Inirapan ko naman si Criexxen bago muling ibalik ang tingin ko sa mga gamit kong nakakalat sa sahig.

Hindi ba talaga ako makakalayo sa taong 'to? Tsk.

"Let's start?" Magkasunod kaming tinignan ni Xeya at tulad ni Criexxen ay tumango lang ako rito bilang pagsagot.

"Wait..., kumain na ba kayo?" Tanong muli nito habang nasa kalagitnaan ako ng pag buklat ng libro ko.

"Not yet, but I'm okay" kibit balikat na sagot ko rito nang hindi sila tinitignan at nag patuloy lang sa ginagawa.

"Hindi mo naman kailangang gutumin ang sarili mo para lang sa reflection papers na to" sambit ng isa kasabay ng pag lapag niya ng isang styrofoam sa tabi ng libro ko.

Mabilis akong nag angat ng tingin rito at nagpabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at sa pagkaing inilalapag niya sa tabi ng libro ko.

"I'm okay. H-hindi naman ako nagugutom" itinulak ko kaunti pabalik ang styrofoam sa kaniya na agad niya namang pinigilan.

"No. Eat. Pano ka makakapag-aral ng maayos kung gutom ka?" Ngisi nito sabay tulak muli ng styrofoam papunta sa akin.

"Oo nga naman. " pag sang-ayon naman ni Xeya na ngayon ay ngiting ngiti sa akin at kay Criexxen.

Napatitig ako sa styrofoam na nakalagay sa tabi ng libro ko, malapit sa gawi kung saan nakalapag ang kamay ko.

"Paano nga uli ito?" Tila nabalik ako sa realidad nang marinig ang pag tatanong ni Criexxen kay Xeya habang may itinuturo pa ito sa libro.

Why does he need to show that he's concern? Tss.

**

Nauna akong umalis ng music room kesa sa dalawa, naging mas mabilis kasi ang pag gawa ko ng reflection paper kesa kay Criexxen kaya naman nakaalis rin ako agad roon.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa gymnasium ng school ay nakita ko agad ang maraming estudyanteng nag kakasiyahan lang sa kung ano-anong bagay..., pero hindi iyan ang nakakuha ng buong atensyon ko.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now