7th: Dreamland

701 25 0
                                    

Nauna akong umalis ng dorm kesa sa apat. Idinahilan ko ulit na may kailangan kaming gawin ni Xeya, hindi naman siguro sila maghihinala na gusto ko lang talagang mapag-isa dahil sa dahilan ko.

Kanina pa ako paikot ikot. Hindi naman ako dumiretso kanina sa classroom dahil paniguradong wala pang tao roon. Hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta.

Nang matapos ang ilang minutong pag iikot ay napagpasyahan ko nang puntahan ang una kong klase. Maraming estudyane na rin ang naglalakad papunta sa kani-kanilang klase dahil sa oras.

Dalawang classroom nalang ang layo ko mula sa classroom ko pero...

Pero kailangan ko pa atang umikot ng daan.

I can see from where I'm standing two love birds flirting on their way somewhere.

At tulad ng dati, mahigpit na naman ang pagkakahawak ng babaeng ito kay Nathan.

Tuko ba siya? Bakit lagi siyang kapit na kapit kay Nathan?

Agad akong umikot para umiwas sa kanila. Alam kong mahuhuli na ako sa klase ko, pero anong magagawa ko? Ayoko nang mkakita pa ng mas matinding landian mula sa kanilang dalawa. Baka hindi ko kayanin.

Nakatungo akong mabilis na nag lakad papunta sa kabilang gawi ng hall para makaiwas sa dalawa, pero wala pang limang hakbang ang nagagawa ko ay naramdaman ko na agad ang isang brasong pumigil sa akin at mabilis akong inikot paharap sa daang tinalikuran ko.

Agad na napaangat ang ulo ko ng makita kong si Angel ito.

"You shouldn't be the one avoiding them, wala kang ginagawang masama, sila dapat ang mahiya sayo" pagkasabi niya non ay hinawakan niya ako sa pulsuhan ko at agad na nag lakad ng diretso.

"A-angel, -.." I whispered with my head facing the floor hoping that they won't see me even if I know how impossible that is.

Hindi ko magawang i-angat ang tingin ko. Sa ideya pa lamang na makakasalubong ko ang dalawa habang nag lalandian ay hindi ko talaga kaya.

"Chin up Ariia. You should be the girl that shouldn't be messed with" bulong nito na agad kong ikinalingon sa kaniya.

I'm not weak, and I will never be.

Huminga ako ng malalim at dahan dahang iniangat ang tingin ko sa daan.

Facing every students, giving them a fierce face as if I'm a VIP or as if I should be the most respected person inside the Academy.

Pilit kong pinanatili ang pagkakaroon ng matigas na ekspresyon kahit na paunti unti kong naririnig ang tawa ng bruha, at kahit na papalapit ng papalapit ang espasyo sa pagitan namin ni Nathan ay pilit kong pinanghahawakan ang mga salitang 'hindi ako mahina'.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Pakiramdam ko ay huminto ang lakad namin nang saglit na magkaharap kaming apat.

Tanging irap lang mula kay Melissa ang natanggap ko, na syempre ay ibinalik ko lang rin ang ibinigay niya sa akin. Tinarayan ko rin siya kahit na alam kong nakatingin sa akin si Nathan. At nang tignan ko ito ay bigla naman itong nag iwas ng tingin na siyang nagbigay sa akin ng dahilan para ngumisi.

Nang malagpasan namin sila ay hindi ko inabala ang sarili kong lumingon sa dalawa.

I don't need to exert extra effort for people that isn't worthy of my precious time. Tss.

"Y-you did it! " masaya akong hinarap ni Angel sabay pa ng pag silip silip niya sa bandang likuran namin.

"Kyaaaaaaaaaaaaah!" Sabay naming sigaw.

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now