"Really? Edi mag be-beach rin tayo ngayon?" Tanong naman nito kasunod ay pag banggit nito ng kaniyang order.

"I guess" I shrugged.

At tulad nga ng inaasahan ay makikita ko ang malaking ngiti ni Nadal dahil sa balitang iyon.

He's so chill. I wish I could relax in this situation like how he does.

Ilang saglit lang ay dumating na ang aming mga pagkain.

"Oh wow, you didn't order for full breakfast meal huh. Anong meron?" Tanong ko rito ng makitang walang rice sa order niya.

"Syempre no. Sa beach kaya tayo pupunta, kailangan nakakundisyon ako. Mukha pa namang maraming girls" pag taas taas nito ng kilay habang nakangisi ng malaki.

Tsk. Boys will be boys.

Kumain na nga kami at nag handa sa pag papunta sa beach.

At least I could still feel the vacation vibe even if we're in this kind of situation.

What will I wear? Halo halong damit ang nakapatong ngayon sa aking higaan. Nanatili akong nakatingin sa mga ito dahil hindi ako makapili ng gagamitin ko.

Ugh. Pwede na siguro ito.

Pinulot ko ang isang one piece na puti. May see through parts ito tulad ng sa baywang at sa cleavage. This is not too revealing compared to what other girls are usually wearing.

Gumamit rin ako ng obre purple to white shoal na ginawa kong long dress bilang cover up.

*knock knock*

"Ariia, let's go?" Rinig ko na ang pag tawag ni Nadal sakin mula sa labas.

Agad namang bumungad sa akin si Nadal na naka plain blue shorts at floral blue polo na naka unbutton ang ilang butones kung saan nakasabit ang shades niya at naka cap ng pabaliktad.

Wow. Hindi lang katawan ang nakakundisyon, pati ang outfit naka kundisyon rin. Handang handa talaga siya.

"Wag mo naman ipahalatang mas maganda pa ako sa tanawin sa labas" Hambog nitong sambit na ikinairap ko naman.

Ayon lang. Ang kakapalan ng mukha hindi naka kundisyon. Ang yabang. Asar.

Tinulak ko ang balikat nito at nilampasan siya na rinig ko namang ikinatawa niya.

Pagkalabas namin ng hotel ay automatikong naramdaman ko sa loob ng shoal ko ang hangin.

Tulad ng inaasahan ay liliparin ng hanging ang suot kong mahabang dress na siya sigurong dahilan ng pagkakuha namin ni Nadal ng atensyon.

Dumiretso na kami sa hindi kalayuan sa pwesto nina Kierra, kitang kita namin sila mula dito.

"Ano Ariia? Hindi ka pa ba lulusong? " tanong ni Nadal habang tumatakbo papunta sa dagat at iwan ang polo at shades niya da tabi ko

"Mamaya na ako. Giniginaw pa ako eh" pag dadahilan ko rito na tumango lang at dumiretso na sa dagat.

Minabuti ko nalang munang panuorin ang mga kaibigan ko na nag sasayang nag hahabulan.

If I'm with them right now, would I be happy? Would they be happy if I'm with them?

Where's Nada-... Argh! Ilang segundo lang akong nalingat sa kasama ko, nakahanap na agad siya ng mga babae niya?

Nakaramdam naman ako ng pagkairita nang makita ko ang tatlong mahaharot na babaeng pumapalibot sa kaniya at masayang nakikipagkilala sakaniya.

Etong lalaking to naman, sayang saya. Jusko! Nadidiri ako sa mga nakikita ko!

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon