52nd: She's Alive

Start from the beginning
                                    

"Ano pa hinihintay natin? Tara na!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang nag hila sakin palabas ng coffee shop at mabilis na pinaandar ang sasakyan nito.

Wala naman sigurong tao sa dorm nila ngayong araw. It's the first day of semestral break any way.

Sana naman sa pagkakataong ito ay may mapala na kami ni Nadal. Kailangang sa pagkakataong ito ay may magawa na kaming makakatulong sa amin.

Papalapit palang ang sasakyan sa malaking gate ay nanlulumo na ako. Ang malaking gate ay sarado pa at may iilang estudyante ang naghihintay sa labas.

The Academy was closed. And will open at 8:00 so basically, 30 minutes pa.

"What?! Argh! Kung bakit ba naman kasi ang tagal tapusin iyang maliit na gate sa malaking gate na iyan eh!" Rinig ko nanamang nag rereklamo si Nadal. "Ayokong mag hintay no!" Dagdag pa nito

At tulad nga ng sabi nito. Hindi pa tapos ang one person gate na ginagawa sa mismong malaking gate na kailangang buksan ng mahigit limang tao. Ayoko rin namang mag hintay no. Sayang ang 30 minutes. Baka makahanap pa kami ng mas makukuhanan ng impormasyon tungkol kay Xeya. Tsk.

Walang kapaga-pag-asang inikot ni Nadal ang sasakyan para makaalis na kami dito sa gitna ng gubat kung saan may mga nakakasalubong kaming mga pupunta rin sa Academy na panigurado ay mag hihintay sa labas ng tatlumpong minuto.

"Wait! Stop! Stop this car!" Pag pigil ko sa kaniya ng makaisip muli ako ng ideya.

Sa gulat ay agad niyang nahinto ang sasakyan at bagot akong tinignan.

"What again? Makakapasok pa ba tayo? Wag mong sabihing aakyatin nating ang gate ha. Iiwan talaga kita" Medyo iritang sambit nito

Tsk. Sira ulo talaga ang taong to. Sa tingin niya talaga papaakyatin ko siya sa gate? Seryoso pa siya sa lagay na iyan ah!

"Sira! Just park this car" irap ko rito.

"Eto na po!" Sarkastiko nitong ngiti. "Ano ba kasing balak mo? Hindi tayo makakapasok o. Kita mo? Ayokong mag hintay Ariia. Masasayang lang ang oras natin" iling nito pagkababa namin ng sasakyan niya.

Itinabi lang namin ang sasakyan nito upang hindi maka-abala sa mga dadaan pa papuntang Academy.

"Hindi naman kasi tayo mag hihintay eh! Follow me." I smiled evilly

"San mo naman ako dadalhin? Hindi mo naman siguro ako papatayin diba? Ariia naman, we're friends. Tsaka tinutulungan naman kita ah. Tsaka isa pa, sayang naman lahi ko kung hindi ko maiikalat no. Sa gandang lalaki ko ba namang-.."

"Hay nako Nadal! Kung hindi ka talaga titigil baka mapatay kita. Wag ka ngang feeling sundan mo nalang ako" pag tataray ko rito habang inaalala ang daan sa gitna ng masukal na kagubatan.

"Nag jojoke lang! Masyado ka kasing seryoso jan eh! Asan na ba tayo?" Tanong nito sa gitna ng pag lalakad namin.

Tanging mga puno at ang malaking pader lang ang nakikita ko mula sa kinatatayuan namin. Mabuti nalang at madali lang naming nahanap ang parteng ito ng Academy.

"We're here!" Masayang sambit ko at masayang ipinapakita sa kaniya ang bitak na pader.

I still remembered everything that had happened that night. It's been a big part of my life.

"Woah... Bakit may sira to?" Tanong nito habang pumapasok na kami sa Academy

"It was wrecked by some students. Ito ang naging daan namin palabas ng Academy. It's a big part of the Academy's history, kaya napagdesisyonan na panatilihing ganyan na iyan. " I smiled as I remembered what freedom feels when I finally got out this Academy

Ravage | SKYA book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now