ISMTMB - BK - 2 - 20

5.3K 142 13
                                    

Lianne 

Sumugud kaagad kami sa hospital sumama narin ako. Ayaw sana pumayag ni Vincent kaso nagpumilit ako.

Pagkarating namin sa hospital nauna na silang pumasok sa loob at ako naiwan dito sa labas naglalakad na mag isa. Nakita ko ang isang lalaki at babae nasa emergency room sa labas. Nasa mid forties at fifty ito sa tantiya ko at siguro ito rin ang magulang ni Linta. 

Napaupo yung kaibigan ni Vincent sa nakahelirang upuan at nakahilamos sa mukha niya ang dalawang kamay niya. Mukhang delikado ang kalagayan ni Linta.

Kasalanan ko ba kung bakit nasugud siya dito sa hospital? Wala naman akong ginawa ah. Sa nakikita ko sa kanila ngayun na hindi mapakali ang dalawang matanda mukhang delikado na.

Napabuntung hininga nalang ako nakatingin sa kanila. Napatingin ako ni Vincent na tahimik lang nakatayo sa gilid ng pader at nakapamulsa. Nakayuko sa ang ulo niya at nakatingin sa sahig.

Huminto ako sa paglalakad. Lumingun si Vincent sa pwesto ko. "Kamusta siya?"  At ngumiti ako ng pilit sa kanya. Nilapitan niya ako at hinawakan ang pulso ko.

"Hon halika, hmmn hindi pa raw lumabas ang doctor sa e.r"   tumango lang ako sa kanya.

"Sino siya hijo?" 

Napalingun ako sa nagtanung kay Vincent. Yung babae. Palipat yung tingin ko kay Vincent.

"Ah Tita si Lianne my wife. Hon mama ni Sabrina" 

Napangiti ako ng lihim sa sinabi ni Vincent sa kanila. Now you know who i am..

Tumaas yung isang kilay niya nakatingin sakin. Bumawi din naman kaagad. "Pwede ba tayo mag usap hija?"   Tiningnan ko si Vincent na agad naman tumango.

I feel something. Kinabahan ako kung anung sasabihin niya. May pagkaplastic pala ito. May pinagmanahan.

"Mahal wag nalang" 

Napatingin ako sa lalaki na kinausap ang babae so asawa niya nga ito. Parang kinabahan ang lalaki sa posibleng gawin ng asawa niya.

Sumunod ako sa babae at tinungo namin ang mga puno ng mga malalaking kahoy sa di kalayuan sa canteen may mga bench din dito nakahelira.

Umupo kami sa isang bench.

"Ikaw pala ang usap usapan nila na asawa ni Vincent"  

Biglaan niyang sabi. Parang umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko kaya uminit ang ulo ko. Pinikit ko muna ang sarili ko at bumuntung hininga muna at minulat ko ang mata ko.

"Opo"  magalang kung sagut sa kanya. Sa malayo parin siya nakatingin.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa"  sabi niya.

"Ng hindi ka pa dumating sa buhay ni Vincent. Alam mo ba ang subra nilang saya? Akala nga namin mahuuhulog na sila sa simbahan"   panimula niya. Tahimik lang ako nakikinig sa kanya.

E, anu naman kung masaya sila dati. Beside's isa lang ang alam kung ex ni Vincent. O baka naman nilandi ang asawa ko sa anak mong  linta. 

"Pwede diretsahin mo na ako Misis?" 

Daming paliguy liguy.

Narinig ko bumuga muna siya ng mabigat na hangin.

"Balang araw maiintindihan mo rin ako kung bakit ko ito ginawa kung magiging ina ka ng mga anak mo."  Putol niyang sabi.

"Kung ang gusto niyo mangyayari ay ang hiramin ang asawa ko katulad ng sinabi ng anak niyo. Nagkakamali kayo dahil hinding hindi mangyayari ang gusto niyo Misis. Isa pa ina narin ako. At anung gusto mo tanggalan ng ama ang anak ko para sa ikaligaya ng anak niyo? Hindi yan isang pag iintindi ng isang ina kung totoo kang ina sa mga anak mo. Hindi mo kinukunsinti ang kagustuhan nila. Kung sa loho siguro pwede. Pero hindi isang laruan para hiramin niyo lang at pagkatapos isauli kung ayaw niyo. Paano ang anak ko? Mawawalan din siya ng ama... at isa pa kung pahiram ko ang asawa ko sa inyo? Madadagan pa ba ang buhay ng anak niyo? Mabubuhay ba siya ulit? Mawawala ba ang sakit niya? Ang taning ng buhay? Hindi Misis..." 

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now