chapter 6

8K 205 1
                                    

6

Lianne pov

Simple lang sinuot ko. Tsaka color white shoes lang suot ko. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ako sa kwarto ko, nakita ko siya nakaupo sa sofa. Nakadikwatro siya naka upo wearing a maong pants and polo shirt color grey. Lumutang yung pagkaputi niya,. Hindi niya namalayan nasa harapan niya ako.

Inangat niya ang ulo niya saka ngumiti. "Let's go" tumayo siya at kinuha ang bag ko. Huminto siya sa may pinto at humarap sa akin.

"Magbus lang tayo kung okay lang sayo"? Tumango ako saka lumabas at sumunod sa kanya. "Mag ingat kayo doon" sabi ni yaya.

"Bye yaya mag ingat din kayo dito" pinara niya ang taxi at huminto ito nilagay niya sa compartment ang mga gamit namin.  Saka pumasok na ako sa taxi at sumunod siya.

Tumunog yung phone ko kinuha ko ito agad at tiningnan sino nagtext. Si Mommy pala. "Hija mag ingat kayo ng asawa mo have fun" si mommy talaga anung nagustuhan kaya nila kay Vincent.  Madali lang kami nakarating sa bus terminal.

Agad kami sumakay sa isang bus. Pinauna niya akong pinaupo then sumunod siya. "Ah Vincent anung sabihin mo sa mga pamilya mo pagdating natin"? Kung anu mang sabihin niya tanggap ko yun. Nagvibrate yung phone ko kinuha ko. Si Lester tumawag.

Tiningnan ko si Vincent. "Sagutin mo" sabi niya. Sinagut ko nalang  ang tawag ni Lester. 

"Hi babe saan ka"? Tanung niya sa kabilang linya.

"Anu kasi Lester may puntahan ako, bakit"? Tanung ko sa kanya.

"Ba't hindi mo sinabi sa akin para masamahan kita?" Napatingin ako kay Vincent. Busy sa phone niya. "Ah wag na okay lang ako kaya ko naman"  sagut ko kay Lester. Umalis na rin ang bus sinakyan namin.

"Sure ka"? Ulit ni Lester.

"Yes, text nalang kita pagmakabalik ako" sabi ko.

"Sige ingat babe love you" saka binaba na niya ang phone.

"Ako na bahala kung anung sabihin ko sa pamilya ko pagdating natin" bigla niyang sabi. Napaisip ako simula ng kinasal kami hindi niya ako kinausap. Hindi na ba magbabago ang pakikitungo niya sa akin? Kung maging mabait ako sa kanya magiging okay na ba ang lahat. Tiningnan ko siya nakatulog, siguro kinausap niya lang ako kung kausapin ko siya. Gusto ko makita yung girlfriend niya at anung meron doon sa girlfriend niya. Gumalaw siya, nag stop ang bus sa isang terminal.  "Andito na tayo" kinuha niya ang mga gamit namin at bumaba kami sa bus.

Pumara siya ng tricycle. Tiningnan ko ang paligid hindi ko alam kung saan kami hindi naman kasi niya sinabi sakin kung saan kami pupunta basta sinabi niya family lang niya. 

Huminto ang tricycle sa isang bahay na medyo may kalakihan din. "Nay" may lumabas papunta sa dito sa gate. "Oh Vincent Nak" sabay bukas niya sa gate. Niyakap niya si Vincent. Pumasok kami sa loob ng bahay nila medyo may kalakihan din naman.

"Shaira andito si Kuya Vincent mo umuwi"  tumingin siya sa akin at ngumiti. "Nak sino siya"? Tiningnan ko si Vincent. "Ah Nay si Lianne po kaibigan ko" napangiti ako. "Hello po sa inyo" bati ko sa kanya.

"Kuya" napalingun kami sa babae galing sa isang kwarto mga nasa 15 or 16 age siya. "Shaira baby girl"  niyakap niya si Vincent.

"Oh siya baka gutom kayo sa byahe halika kain muna kayo. Ikaw hija Lianne mukhang pagud ka sa byahe kain ka muna" binigyan niya ako ng mga pagkain at pinggan. Napatingin sa akin ang kapatid ni Vincent kaya ningitian ko siya. "Kuya sino siya"?  Tanung ng kapatid niya kaya tiningnan niya muna ako.

"Hi i'm Lianne friend ako ng kuya mo" pakilala ko sarili ko sa kanya.

"Wow, ang ganda naman sa friend mo kuya. Mabuti ate nakasama ka ni Kuya" napangiti ako sa kapatid niya.

"Oh hija wag kang mahiya dito ha"  saka umalis siya bumalik sa kusina.

"Ah kuya si Ate Natalie alam ba niya na uuwi ka ngayun"? Tiningnan ko si Vincent mukhang malapit sa kanila ang girlfriend niya.

"Nope, wag kang maingay ha na dumating ako gusto ko siya isurprise" sagut ni Vincent sa kanya, napatigil ako sa pagkain. "Shaira bigyan mo ng tubig si Ate Lianne mo or Juice" agad naman kumuha ng baso si Shaira. Tumayo ako. "Wag na Shai ako na kukuha" saka kinuha ko ang baso.

"Sure ka Ate"? Tumango ako.

"Wow Nay namimiss ko ang luto mo" sabay yakap niya sa Nanay niya.

"Alam mo kasi Lianne, si Nanay ang pinakamasarap magluto kaya namimiss ko ang luto niya"  malapit pala siya sa family niya.

"Nay Si Brex at Harold saan"? May kapatid pla siya.

"Tao po"  tiningnan ko ang labas sa may gate sino ang nasa gate isang babae. May kaputian din. "Kuya si Ate Natalie andito" si Vincent ang nagbukas sa gate. Nakita ko siya niyakap ni Vincent at hinalikan sa noo.  Nilapitan ko si Shaira. "Saan ang kwarto mo pwede makabihis"?  Sinamahan ako ni Shaira sa kwarto para magbihis. "Ah Shai pwede magtanung ilang taon na si Kuya at Ate Natalie mo?" Bakit kinabahan ako sa sagut niya.

"Hmmn sabi nila Kuya high school pa daw sila hanggang kolehiyo" tumango lang ako sa sagut ni Shaira sa akin. Tama lang siguro ang desisyong ginawa ko. Dumating ang gabi "Ate Lianne sama tayo may laro kasi ngayun sa unahan basketball sama ka" aya ng magkapatid sa akin.

"Sige" pagkatapos sa hapunan umalis na kami para manunuod ng basketball actually nilakad lang namin. Paglabas namin kanina hindi ko nakita si Vincent. Siguro magkasama sila ngayun ni paalam hindi niya nagawa. Haist bakit ba ako naghihintay sa kanya di ba Lianne simula umpisa hindi ka naman talaga niya kinakausap. Ginagawa lang niya ang trabaho niya. Ng may nahagip ang mata ko sa unahan klarong klaro eh. Si Vincent at Natalie magkasama parang kambal na hindi mapaghiwalay., bakit iba ang nararamdaman ko ngayun.? Ganun ba kabilis o nasanay lang ako sa kanya. Pero si Lester mahal ko bakit iba nasa isip ko.. pagkauwi namin dumiretso na kaming natulog pero ako ito dilat parin ang mata. Lumabas ako para uminom ng tubig pagkarating ko sa kusina may nararamdaman akong nakasunod sa akin hindi ko lang pinansin.

"Hindi ka ba makatulog o namamahay ka lang"? Hindi ko siya nilingun. Hinugasan ko ang baso ko at binalik ko sa nilalagyan bumalik ako sa kwarto. Kausapin niya man ako hindi wala paring pagbabago. Mas maganda nalang siguro hindi ko siya papansinin pero paano? Andito ako sa bahay nila. Dapat mas maaga pigilan ko ang sarili ko.


I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now