chapter 18

7.3K 159 3
                                    

18

Lianne pov

Pumara ako ng taxi para makauwi na ako.

"Manong sa GreenView po tayo" sabi ko sa driver.

"Okay ma'am " pinaandar na ng driver ang makina sa taxi. Umuwi ako dahil hindi ko alam kung bakit kinabahan ako. Kanina pa ito sa party at mas lalong lumakas ngayun sumakay ako ng taxi ng napansin ko hindi sa condo ang papunta sa taxi.

"Manong hindi ito ang daan papunta sa GreenView"  sabi ko sa driver na mas lalo lumakas ang kaba ko.

Tumingin siya sa reermirror at tumingin sakin nakangisi. Bigla huminto ang taxi. Sa madilim na lugar at hindi ko alam kung saan ito.

"A-anung gagawin mo sakin"? Pinatay niya ang makina sa taxi.

"Maghintay ka lang miss" sagut niya ng may bumukas sa pinto ng taxi gilid sakin. May limang lalaki nasa labas ng taxi naghihintay nakatingin sakin.

Lumabas na din ang taxi driver. Hinawakan nila ang kamay ko. "A-anung gagawin niyo sakin? Wag maawa kayo sakin" pakikiusap ko sa kanila. Natatakot na ako.

"Wag po please kunin niyo ang p-pera ko diyan pati cellphone ko please wag niyo lang akong galawin"  nanginginig na ako sa takot at pinikit ko mata ko.

Hinila na nila ako palapit sa kasamahan nila. "Wag po nagmamakaawa po ako"  imbis magsalita sila tumawa sila ng malakas.

Maya maya may bigla sumipa sa kasamahan nila dahilan para mapatumba ito. Naaninag ko siya dahil sa ilaw ng isang sasakyan nakapark sa unahan. Pinagsusuntok niya ang mga lalaki humawak sakin. Isa isa. Napatingin ako sa paligid ko ngayun nakabulagta na ang mga lalaki at nakahiga sa lupa. Hinawakan niya diretso ang kamay ko sabay hila kaya nagpatianud nalang ako hanggang sa huminto kami sa harap ng kotse. 

Binuksan niya ang pinto walang sabi sabi kaya pumasok narin ako sa loob pagkatapos pumasok narin siya. Pinaandar na niya ang makina sa kotse saka pinatakbo. Habang nasa daan kami nagbyabyahe. Wala kaming imikan sa loob ng kotse.

Palihim ko siya tiningnan. Seryoso masyado siya sa pagdidrive.. "salamat" pasalamat ko sa kanya.

Wala parin siyang salita ni tingnan ako wala. Hanggang sa pumasok kami sa isang subdivision maliit lang mga bahay dito. Huminto kami sa isang bahay na color green ang gate. Lumabas siya para buksan ang gate. Hindi parin siya nagbabago. Siya parin yung nakilala ko dati. Napaisip ako sa 3 years bakit hindi ako nakatanggap ng sulat galing sa korte? Ibig sabihin hindi pinirmahan? Pero bakit?

Bumalik siya dito sa kotse at pinasok ito sa garahe pagkatapos niya pinark lumabas na siya at ako? Iniwan dito sa loob? Nakita ko bumaba ang sara ng gate kaya lumabas agad ako patakbo palabas para hindi ako malock sa loob.

Binuksan niya ang pinto pagbukas ng pinto laking gulat ko ng makita ang loob nito ang ganda. Talaga arrangement lahat nakalagay. Pumasok na ako saka sinara niya ang pinto nilock.  Tinanggal niya ang coat niya saka pumunta sa kusina kaya sinundan ko siya. Hindi parin nagbabago ang hitsura niya kanina at ngayun. Kumuha siya sa drawer ng isang baso at kumuha sa ref ng malamug na tubig saka nilagay sa baso.

Inikot ko ang paningin ko sa kusina. Maganda siya kung gaano kaarrange ang gamit sa sala ganun rin dito sa kusina. Yung ilaw ang lang nagbibigay ng liwanag. Tsaka napakalinis ng kusina. Bahay niya ito? Sino kasama niya dito?

Pagkatapos sa kusina umakyat na siya sa taas dala ang coat niya. Galit ba siya sakin? Hindi niya ako kinakausap. Huminto siya.

"Yung magiging kwarto mo nasa left side. Magpalit ka na din ng damit" bigla niyang sabi saka pumasok sa kwarto. Pumasok narin ako sa sinabi niyang kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama. Napaisip ako bakit ang cold niya sakin?

Kung galit siya sakin dahil sa pag iwan ko sa kanya.? Naiintindihan ko naman yun. Lumabas ako sa kwarto at pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Nakalock ang pinto. Kumatok muna ako.

"Vincent pwede pumasok"? Bumukas ang pinto  senyas lang ginawa niya para papasukin ako. Saka sinara niya. Inikot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto niya. Grey, and black ang color sa kwarto niya. Panglalaki ang style nito.

Tiningnan niya ako ng napakaseryoso. Tumungo siya pupunta sa banyo. "Wait" tawag ko sa kanya kaya huminto siya nilagay niya sa balikat niya ang towel na kinuha nito.

"Anu gusto ko lang kasi magpasalamat sa ginawa mo sakin kanina sa pagligtas sa mga gusto kumidnapped sakin" hingi ko ng pasalamat sa kanya.

Hinarap niya ako. "Wala ka ng ibang sabihin"? Nakatingin siya diretso sa mata ko. Yumuko ako dahil hindi ko alam kung saan ako mag umpisa kahit para sa kanya ang ginawa ko. Pag angat ko ng tingin nasa harapan ko na siya nakatitig sakin walang salita lumabas sa bibig niya.

Napaatras ako sa ginawa niya. Dahan dahan kasi siyang humakbang papunta sakin habang nakatitig sa mata ko. Anu ba dapat kung gawin? Napahinto ako sa pag aatras ng pader na nasa likod ko. "So-sorry" yun lang nasabi ko sa kanya ng mukha niya nasa harapan ko na.

"Sorry for what"?   Para saan ba ang pagsosorry ko sa kanya.

Nanlaki ang mata ko ginawa niya. Bigla niya nalang akong hinalikan sa labi. "Alam mo ba kung gaano ako katagal sa paghihintay na dumating ang araw na magkikita tayo"? Hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka sinandal sa pader.

"Anung gagawin mo"? Tanung ko sa kanya. Instead tanungin niya ako, bigla niya ulit akong hinalikan sa labi hindi lang isang halik. Tumigil siya sa paghalik sa labi ko. Saka tiningnan niya ako sa mata. "Vi-Vincent may boyfriend na ako. Hindi ito pwede ang ginawa mo sakin. Pag ulitin mo sisigaw ako"  banta ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ako ng pinigil niya ang bibig ko gamit ang hintuturo niya kaya. Kunot noo ko siya tiningnan. "Bakit"? Tanung ko sa kanya parang may pinakinggan siya sa labas. Pinatay niya ang wall lights sa kwarto niya. Hinila niya ako papunta sa closet niya. At binuksan niya. "Kahit anung wag kang gagalaw diyan okay, ito gamitin mo to. Kung may makakita sayo tawagin mo lang ako okay" pinasok niya ako sa walk in closet niya at sinara niya ito. Kinabahan ako sa posibleng mangyayari kay Vincent sana walang mangyayaring masama sa kanya. Sino kaya yung pumasok dito sa bahay niya?



























Luke pov

"Anu? Bakit niyo yun ginawa ha? Di ba sabi ko sa inyo wag niyong galawain si Lianne isa pa hindi siya kasali.? Anung problema niyo? Sino ba boss niyo ha? Lumayas kayo dito kung ayaw niyo mapatay ko kayo!!. Sinipa ko ang isang upuan dahilan para nasira.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora