chapter 28

6.6K 173 8
                                    

28

Lianne pov

Medyo hindi pa masyado magaan yung pakiramdam ko. Pero kaya naman, bumangun ako saka lumabas sa kwarto. Bago ako nakalabas sa kwarto ko napalingun ako sa lamesita may isang baso puno ng tubig at gamot at basang towel. Napangiti ako. Inalaagaan ba niya ako kagabi? Bakit hindi ko alam?

Lumabas na ako sa kwarto sakto nakita ko si mommy nasa sala nagbasa ng magazine.

"Hi mom morning" parang tahimik ata ang paligid. 

"Mom, ikaw lang mag isa"? Dumiretso akong umupo sa bakanteng sofa.

"Hija, gising ka na pala. Si Clarence pumasok na, si  daddy mo nasa kwarto nagpahinga. Ang asawa mo umalis muna umuwi ng Pilipinas may aasikasuhin lang siya tungkol sa business natin"  sagut ni mommy.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? Inapoy ka kagabi ng lagnat mabuti andiyan yung asawa mo nag alaga sayo"  dagdag ni mommy.

So totoo nga inalagaan niya ako kagabi? Pero bakit hindi siya nagpaalam sakin ng umalis siya umuwi siya? Daya niya. Pagkatapos niya akong inalagaan? Iniwan din niya pala ako? Nakakainis siya.

"Hija, anu okay na ba kayo ng asawa mo"? Napa angat ako ng tingin kay mommy.

"Bakit mo naman natanung yan mom?" Tanung ko sa kanya.

"Dahil may gumuhit sayo ng isang ngiti. Uy kinilig daw yung baby girl ko!" Sabay sundot ni mommy sa gilid ko.

"Anung kilig pinagsabi mo mom? Hindi ah tsaka bakit naman ako kiligin"? Medyo nahilo pa ako sa pagkatayo ko ng diretso.

"Okay sabi mo eh. Halika ka na kumain ka na. Si Vincent nagluto niyan bago siya umalis kanina. Hindi ka niya inisturbo dahil mahimbing ka sa pagkatulog mo"  may nilagang beef nilagay si mommy sa harapan ko.

"Siya nagluto niyan hija. Napakaswerte mo sa asawa mo dahil inalaagaan ka niya"  inayus ni mommy yung buhok ko.

Tss, hindi naman yun swerte dahil wala na kami naghiwalay na kami.

"Mom, siguro panahon na para malaman niyo ang totoo, wala na kami ni Vincent matagal na. I mean naghiwalay na kami"  medyo nagulat si mommy sa sinabi ko pero nakabawi rin siya kaagad.

"Wag kayong magpadalos dalos sa decision niyong dalawa. Pag isipan niyo muna ng maigi yan dahil kung hindi baka sa huli na kayo magsisi."  Sumubo muna ako bago ko sinagut si mommy.

"Final na ang decision namin mom, naghihintay nalang ako ng tawag sa lawyer para ipasa sa korte ang papers namin besides mom madali lang ang process dahil sa civil lang kami kinasal"  ang sarap ng pagkaluto niya ha! Tsaka malinamnam. Sarap kainin.

Pero yun nga lang siguro hanggang dito lang kami. Sa tingin ko nalang siya mamahalin.

"Anu masarap ba"? Binigyan ko ng ngiti si mommy.

"Malay mo hija mahal ka niya pala"" sagut ni mom.

Napangiti ako. "Ako mahal niya? Imposible mom dahil iba ang mahal niya hindi ako" sagut ko kay mommy. Bakit ba ang hilig nila mag insist sakin na mahal ako ni Vincent. Hindi naman ah.

"Ah mom oo nga pala, may lead na ba  sino bumaril kay daddy"?

"Oo meron na, pero wala siya dito. Inutusan lang niya ang gumawa nun kay daddy mo." Sagut ni mom.

"Ah mom how about kay Vincent, bakit siya ang nagmanage sa company natin? Bakit malaki ang pagkakatiwala ni daddy sa kanya"? Tinitigan ko si mommy.

"Dahil alam namin mapagkatiwalaan siya hija. Alam mo ba nung siya na ang nag asikaso sa company natin? Mas lalo itong nakilala at madami ng investor" kunot noo ko tiningnan si mommy ng sumubo pa sana ako pagtingin ko wala ng laman ang bowl binigay ni mommy sakin?

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now