ISMTMB - BK 2 - 14

4.5K 131 20
                                    

Vincent 

"Dude tama na yan lasing ka na" 

Tinungga ko lang ng dire diretso ang bote sa beer. Kaylangan ko ito ngayun para sa sakit nararamdaman ko. Kung masakit iniwan ako dati ni Lianne mas masakit ngayun dahil mawawala na talaga siya sakin. At hindi ko na siya makikita kahit kailan.

"Dude, tama na yan"

Binalingan ko ng tingin si Jimmy. "Hindi pa ako lasing Jimmy ok*ay*" 

"Masakit Pre eh, subrang sakit. Akala ko mabubuo na ulit ang pamilya ko h**k ko" 

"Pre tanungin mo kasi siya kung anung kasalanan mo sa kanya bakit iniwan ka niya?" 

Tinungga ko ulit ang bote sa beer.

"Tapos ko na siya tinanung at yun nga. Hindi naman niya ako sinagut"

"Kunin mo nalang kaya si Marky" 

Napaangat yung isang labi ko. "Hindi parin pwede Pre e,"

"Eh di gawin mo yung hiling ng anak mo. Siguro sa pamamagitan ng ganun kung mabubuntis mo siya sa second time e di hindi na yun aalis"  














-----

Lianne

Malalim na ang gabi pero hanggang ngayun hindi pa umuwi si Vincent. Saan kaya yun nagpunta?.

Pagkatapos sa sinabi ko kanina sa kanya umalis siya na walang pasabi. Mali ba yung desisyon ko?. Ginawa ko lang naman yun para sa amin para hindi na kami nahihirapan sa sitwasyon namin ngayun. 

Si Marky nakatulog na ng maayus. Napaangat ako ng tingin sa wall clock pasado alas dos na ng madaling araw. 

Napatingin ako sa pinto bumukas ito. At pumasok si Vincent. Napatayo ako at nilapitan siya.

"Anung nangyayari sayo Vincent? Amoy alak ka. Halika nga dito"

Tinulungan ko siya paupo sa sofa.

"Lianne anung meron sa lalaki mo na wala sakin? Bakit hindi moko kayang mahalin?" 

Napatingin ako sa mata niya. Lasing na siya masyado. Napakagat labi ako sa tanung niya. "Dito ka lang kukuha lang ako ng towel"

Aalis na sana ako papasok sa banyo para kumuha ng towel at tubig ng bigla niya hinawakan ang pulso ko.

"Bitiwan mo ang kamay ko Vincent,"  reklamo ko sa kanya. Pilit ko tinatanggal ang kamay niya ng bigla niya akong hinila papalapit sa kanya dahilan para mapaupo ako sa lap niya. 

Niyakap niya ako ng mahigpit at siniksik niya sa braso ko ang mukha niya.

"Di ba mahal mo naman ako dati? Ganun ba yun kabilis para nawala ang feelings mo sakin Lianne? Para palitan sa puso mo?"

Natahimik ako sa tanung niya. Napatingin ako kay Marky mahimbing natutulog. "Vincent lasing ka lang"   mas lalo niya hinigpitan ang pagkayakap sakin.

"Hindi mo ba ako pwede mahalin? Hanggang ngayun?" 

Hinaplos ko ang buhok niya sa likod dahilan para tumingala sakin. "Lasing ka lang"  saka ngumiti ako sa kanya ng pilit.

Tinanggal ko ang pagkayakap niya sa bewang ko kaso ang higpit.

"Yan mga sinasabi mo Vincent dahil sa lasing ka lang. Matulog ka na at baka magising si Marky"   sabay tayo ko ng hinila niya ulit ako dahilan para mapaupo ako sa lap niya ulit.

"Vincent anu ba lasing ka"  tinanggal ko ang kamay niya.

"Sshh dito ka lang muna. Hindi naman yan magigising kung walang ingay" 

Sabi niya saka sinubsub ulit ang mukha niya sa braso ko. Napabuntung hininga nalang ako.

Hinalikan niya ang braso ko. Pinatayo niya ako at pagkatapos tumayo na rin siya.

"Magbanyo lang ako"  sabi niya. Dali dali siya pumasok sa banyo at sinara niya na ang pinto.

'I'm sorry  Vincent, gustuhin ko man pero hindi pwede may taong nasasaktan pag gawin ko ito. Sorry'    sabi ko sa isip ko.

Nakaupo lang ako sa kama katabi ni Marky. Maya maya bumukas narin ang pinto sa banyo. Lumabas siya nakatowel lang. Napadako ang tingin niya sakin.  "Matulog ka na"  

Sabi niya saka tinalikuran ako at kumuha ng damit sa kabinet niya pagkatapos sinuot niya. Nakashort lang siya at tshirt na puti manipis. Nagpupunas siya sa buhok niya. Ng matapos ang ginawa niya sinabit niya sa likod ng pinto ang towel niya. Saka tinungo ang pinto.

"Matulog ka na"  sabi niya ulit.

"Teka saan ka pupunta? Saan ka matutulog? Kasya naman tayo dito sa kama"  hindi niya ako nilingun at pinikit niya ang mata niya.

Hindi niya ako sinagut saka sinara niya ang pinto at lumabas na. Napahiga nalang ako at bumuntung hininga. Masama ba talaga yung desisyon na ginawa ko?. Nilingun ko si Marky mahimbing parin ang tulog. Tumihaya narin ako nakatingin lang sa kisame.

Balang araw Vincent maiintindihan mo rin ito. At ni Marky.













-------

"Mahal sigurado ka ba sa desisyon mo na aalis tayo ngayun? Baka mas lalo hindi nagkakaintindihan ang dalawa?" 

Nilapitan ng papa ni Vincent ang mama niya.

"Wala ka bang tiwala sa anak mo? Hindi mo ba nakikita na pareho sila may nararamdaman pa isa't isa. Pinipigilan lang ng dalawa ang mga damdamin nila. Mahal. Kaya ginawa natin to' para din sa dalawa" 

Tumango naman ang asawa niya. "Sabagay mahal iniisip ko rin ang kapakanan ng apo natin. Magiging kawawa kung lumaki siya na hiwalay ang mga magulang nila" 

Napatingin sila sa pinto ng may kumatok at bumukas ito. Si Shaira. "Ma, excited na ako. Anu hindi pa ba tayo aalis?"










-------- 


Lianne 

Umaga nalang pero hindi parin ako inaantok. Si Vincent hindi na din bumalik sa kwarto. Bumangun ako at lumabas sa kwarto. Napatingin ako sa may sofa. Dito pala siya natutulog. Nilapitan ko siya at ginising.

"Vincent lipat ka na sa kwarto. Gising na si Marky" 

Minulat niya ang mata niya at nagsalubong ang kilay niya nakatingin sakin. Walang sabi tumayo siya at tinungo ang kwarto. Galit ata siya sakin. 

Napabuntung hininga nalang ako. Nakatingin sa likod niya.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon