chapter 37

6.4K 150 4
                                    

Chapter 37

Nagising ako dahil sa nararamdaman ko tumunog yung tiyan ko nagugutom na ako. Pagtingin ko sa gilid wala na si Vincent. Saan kaya siya pumunta? Anung oras ba siya nagising?.

Napatingin ako sa may pinto bumukas kasabay pagpasok ni Vincent may dalang isang tray at ang laman pagkain?. Lumapit siya sakin.

"Morning hon, hindi na kita ginising alam ko napapagud ka kagabi"  saka ngumiti ng nakakaloko at nilagay niya sa kama ang dala niyang tray.

"Ako na ang nagluto. Hope magustuhan mo" dagdag niyang nakangiti.

"Loko ka talaga, anung oras na pala?"  Kumuha ako ng isang slice ng apple.

"Hmmn 11:00 pm este 11:00 am pala"  sabay tayo niya at pumunta sa closet niya. Bumangun ako para kumain sa hinanda niya ng maalala ko. Muntik na yun ah mabuti nahila ko kaagad ang kumot ko.

"It's okay hon, nakita ko na yan lahat kagabi"   bigla akong napalingun sa kanya. Nakatalikod naman siya ah. Tiningnan ko yung sarili ko.?.

Sinimulan ko ng kumain nagugutom na talaga ako.

"Anu hon okay lang ba ang lasa?"  Ninanamnam ko pa kung okay ang lasa. Masarap naman ang pagkaluto niya.

"Hmmn okay lang naman ang lasa" sagut ko sa kanya. Umupo siya sa harapan ko habang nakatingin sakin kumain.

"Pagkatapos mo kumain magbihis ka"  utos niya.

Ininom ko muna ang juice pagkatapos sinagut ko siya.

"Saan tayo pupunta?" Tanung ko sa kanya.

"Hmmn, maglakad lakad sa kalye, manunuod ng sine, kung saan ang gusto mo" saka tumayo na siya.

"Okay sabi mo" sabay tayo ko at tinungo ang banyo. Tiningnan ko yung buong katawan ko sa malaking salamin dito sa banyo ng kwarto niya whole body at full mirror siya sa loob lang ng banyo. Kaya kung may makikita kayo ng ganito sa mga hotel or etc kahit sa ibang bahay wag na kayong magtaka.

Pagkatapos sa nangyayari kahapun yun na nga. Alam niyo na ang ibig sabihin ko. Masaya ako dahil binigay ko sa kanya ang matagal ko ng iniingatan at hindi ako nagsisi.

"Hon?"

Oo nga pala maliligo pa ako. "Yeah? Minutes lang hon" sagut ko sa kanya agad ko nion ang shower at nag umpisa na akong naligo. Syempre ang katawan ko muna inuna sabunan ng may nakita ako. Anak ng? Bakit  niya nilagyan ng ganito ang ibabaw ng? Napahinto ako nilagyan niya ng apat? Walang hiya na mokong na yun.

Haist! Tinapos ko na ang pagligo ko pagkatapos lumabas na ako sa banyo.

Pagkalabas ko nakita ko siya nakaupo sa gilid ng kama nagbabasa ng libro. "Hintayin kita sa labas" saka tumayo na siya at iniwan ako dito sa kwarto.

Ng may nakita akong damit sa ibabaw ng kama nakaayus. Kinuha ko yun at yun ang ginamit ko pagbihis. Pagkatapos naglagay lang ako ng lip gloss at lumabas na siya.

"Let's go" nauna na siya lumabas sa pinto sumunod ako. Pagkatapos sinara niya ang pinto at tinungo namin ang elevator. Nakapagtaka lang kanina maganda yung mood niya sakin ngayun hindi naman nagsasalita.

Habang nasa loob kami ng elevator palihim ko siyang tiningnan. "Something wrong?"  Tanung ko.

Lumingun siya sakin at ngumiti. "Yes hon i'm okay" sagut niya. 

Pagkarating namin sa ground floor sa parking lot lumabas na kami sa elevator. Tahimik parin siya.

Nagsisi ba siya sa nangyayari samin kagabi?.

Binuksan niya yung pinto at pinasakay niya ako, pumasok narin ako at sumunod naman siya.

"Vincent, galit ka?" Tanung ko sa kanya habang pinaandar ang makina sa kotse.

"Hindi naman hon," sagut niya.

Saka tumahimik na siya. "Hon, uuwi na sila boss"  kumunot yung noo ko.

"Boss? Bakit boss? Di ba dapat daddy na itawag mo kay dad?" 

"Oo naman hon," parang napilitan lang siya sa sagut niya.

"Vincent, pwede ihinto mo ang kotse?" Kumunot yung noo niya nakatingin sakin.

"Di ba okay lang tayo? Pero bakit bigla ka nanlamig sakin? Nagsisi ka ba?"   Hinilamos niya sa mukha niya ang kamay niya.

Huminto kami sa tabi.

Hinarap niya ako. "Hindi ako nagsisi at masaya ako okay. Kaya kung anung iniisip mo. Hindi yan totoo" saka ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

At pinagpatuloy na namin ang byahe.

"What dito tayo kakain?"  Eww!! Dito kami kakain? Huminto kami sa isang carinderya malaki naman siya at madaming tao kaya lang ewww!!.

"Yes, bakit ayaw mo ba?" Nakangisi niyang tanung.

"Tara na di ba gutum ka na" dagdag. Nauna siya umakyat ng napansin ata niya hindi ako sumunod sa kanya.

"Akala ko ba gutum ka?"  Tiningnan ko muna ang paligid madaming tao pumapasok sa loob at kumakain.

Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila papasok sa loob. Pagkapasok namin medyo hindi na gaano kadami ang tao. "Don't worry masasarap ang pagkain nila dito"  sabai niya saka naghanap kami ng lamesa for two person lang.

Pinaupo ako ni Vincent. Kaya nakikita ko ang mga ginagawa nila. Kung paano nila hugasan at ilalagay sa hot water ang mga kutsara.

"Vincent kamusta kana?"  May isang matabang hindi gaano na babae lumapit samin katamtaman ang katabaan niya.

"Manang, kamusta na? Ako okay lang ikaw kamusta?" Sagut ni Vincent sa babae.

Siguro siya ang may nito. Ng mapatingin siya sakin. "Okay lang naman Vincent pero mukhang matagal ka hindi nakadalaw dito" sagut ng babae.

"Ah oo nga manang eh busy kasi sa trabaho" sagut ni Vincent sa kanya. Mukhang close pa sila.

"Girlfriend mo?" Napatingin sakin si Vincent sa tanung ng babae.

"Asawa ko ho manang, si Lianne" sagut ni Vincent na tumango naman ang babae.

May nakita ako sa unahan dalawang babae magkatabi ang isang may katangkaran kaunti ang isa naman okay lang. Mukhang ako ang pinag usapan nila dahil ang mata nila sakin nakatingin.

"Yun parin ba order mo?" Tumango si Vincent. Agad naman umalis ang babae. At maya maya may naghatid na ng pagkain at ulam.

Nakayuko akong tiningnan ang pagkain sinusori ko kung masarap ba o hindi? Baka may iba pa nakalagay. Ng may nahagip ang tenga ko.

"Tingnan mo, ang hina mo kasi tuloy naunahan ka" 

"Hindi naman siguro yan asawa ni Vincent" dagdag ng isang babae.

"Iwan. Aba malay natin yan dahil maragal yan hindi nagpapakita dito"

Inangat ko ang tingin kay Vincent busy sa pagkain niya. Napaisip ako sino kaya sa kanila ang may gusto kay Vincent? Tsk,  akala mo maganda hindi naman.

Nagsimula na akong sumubo ng isang ulam inorder ni Vincent okay naman ang lasa niya.

Pagkatapos namin kumain at nagbayad umalis na kami don. Mabuti naisipan ni Vincent umalis doon mukhang hindi na ako kanina makahinga.

Habang nasa byahe kami. "Saan gusto mong pumunta?" Kibit balikat ko sa tanung niya.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now