chapter 16

7.6K 163 3
                                    

16

Lianne pov

"Musta na kayo dito? Kamusta ang Sale"? Pagkarating ko dito sa Pilipinas dumiretso ako dito sa mall.

"Okay naman Miss Lianne wala namang problema. Meron naman kaunti pero nasosolve naman lang naman ng madali" tumango lang ako sa sagut ng  manager.

"How about sa mga stock's"? Tanung ko sa manager.

"I heard nagkaproblema kayo from Korea sa mga stock's"? Palihim ko tiningnan ang manager. Hindi siya agad nakasagut.

"Hindi kasi ibibigay sa client ang gusto natin Miss"  umupo ako sa sofa.

"Anung name sa client? Ako narin ang mag asikaso nun" sagut ko sa kanya. Binigay niya sakin ang pangalan ng client. Pagkatapos sa office dumaan muna ako sa isang departmentstore. Kung dati may bodyguard ako ngayun wala na.  Napa angat ako ng tingin dahil may nakabangga ako. Pagtingin ko.

"Sorry Miss" familiar siya sakin? Oh shocks hindi pwede to' baka makita niya ako at tanungin. Hindi pa ako handa para harapin siya. After kasi sa ginawa ko kinalimutan ko na siya para hindi na ako nasasaktan. Humingi siya ng sorry sakin? Napahinto siya sa unahan at dahan dahan siya lumingun. Mabuti malapit ako sa mga damit kaya nakapagtago agad ako.

Ng wala na siya lumabas na ako sa pinagtaguan ko. Haist bakit ba ako nagtago? Natatakot ba ako makita siya? Baka kamukha lang niya yun.

Pinagpatuloy ko na paglibut sa mall.





















Vincent pov

Namalik mata lang ba ako sa nakabangga ko? O siya yun? Imposible, nandito siya sa Pilipinas. Paglingun ko ulit wala namang tao sa kinatayuan niya. Bilis niya mawala. Napaisip ako habang namimili ng mga damit. Musta na kaya siya ngayun? Kinalimutan na niya talaga ako, naiintindihan ko naman siya. Kung nandito siya sa Pilipinas ngayun sana magkausap kami para mapaliwanag niya sakin ang pag alis niya ng biglaan at pagpanggap niyang patay.

"Sir sino ang gumamit? Asawa niyo po ba? Ito oh bagay sa kanya" napatingin ako sa sale's  lady nakangiti nakatingin sakin. Pag ikot ko ng paningin nasa isang botique pala ako ng mga damit sa babae.

Dumapo ang tingin ko sa damit dala niya nakahanger. "Ah Sir, ito sir bagay po ito sa asawa niyo"  napangiti ako. Bagay nga sa kanya dahil maputi siya.

"Okay Miss kunin ko yan tsaka pwede pakihanap na pwede ipartner diyan sa damit yung heels at bag" sagut ko sa kanya.

"Okay sir no problem" agad kumaripas ng lakad ang sale's lady.





































Lianne pov

Anung suotin ko? Wala akong damit tss. Napatingin ako sa pinto bigla kasi may nagdoorbell, sino naman kaya yun? Wala naman akong hinintay na bisita? Tiningnan ko muna ang camera sa gilid kung sino. Pagtingin ko si Katelyn? Agad ko binuksan ang pinto. Nakita ko si Katelyn nakatayo sa harapan ko nakangisi.

"Beshy hindi mo ba ako papasukin ha? Anu titigan mo nalang ako?" Kahit kailan talaga itong si Katelyn.

Pagkatapos niya nagsalita pumasok na siya ng diretso sa loob kaya sinara ko nalang ang pinto at nilock.

"Hoy bakit hindi mo sinabi sakin na nandito ka na pala sa Pilipinas.daya mo" umupo siya pasalampak sa sofa at nagcross arm ng kamay niya sa harapan.

"Busy ka kasi, ayoko madisturbo ka" umupo na din ako sa gilid niya.

"Bakit ka nandito?" Tumayo siya pumunta sa kusina.

Pagbalik may dala ng isang basong tubig. "Hmm namimiss kita. Mabuti sinabi sakin ni Clarence na nandito ka sa Pilipinas."   Kaya hindi ko na siya inisturbo.

"Ah nag usap pala kayo ni Clarence na wala akong kaalam ganun? Maganda yan ipagpatuloy niyo yan" sagut ko sa kanya.

"Wag ka ng magselos. Haler bata pa si Clarence tsaka parang ate na niya ako" sagut niya.

"Hahaha joke lang. Mabuti andito ka, anu kasi gusto ko sana magpatulong sayo kung anung suotin ko mamaya sa Party. Wala kasi akong makita na bagay eh." Mas may alam kasi si Katelyn sa Fashion kaysa sakin.

"Xure no problem girl. Saan ang mga damit sinukat mo na ba?" Agad kami tumungo sa kwarto ko at binuksan niya ang closet ko. 

Pumili siya ng mga damit ko susuotin mamaya.

"Girl bakit ka pala umalis ng walang paalam samin? Alam mo ba yung bodyguard mo walang araw gabi na hindi ka niya hinanap. Napaisip na nga ako kung may relasyon kayong dalawa" napahinto ako sa ginawa ko.

"Meron ba talaga kayong relasyon Lianne"? Nilingun ko si Katelyn.

"Katelyn, correction Sabrina na ang itawag mo sakin"  yeah dahil simula ng umalis ako dito sa Pilipinas. Pinalitan ko na din ang pangalan ko. Screen name.

Nilagay niya sa beywang niya ang dalawang kamay sa hinarap ako. "Hoy gaga, kailan ka pa naging Sabrina? Or Lianne Sabrina di ba yan ang second name mo?" Tinaasan pa ako ng isang kilay niya. Kaya  tinapunan ko siya ng unan.

"Tse, tumahimik ka nga" pinagpatuloy ko na pagpili sa damit ko ng tumunog ang doorbell dito sa unit ko.

Nagkatinginan kami ni Katelyn.

"Ikaw ha, hindi mo sinabi sakin may hinintay kang ibang bisita" sabay sundot niya sa tagaliran ko. Umiling ako.

"Wala naman akong hinintay Katelyn isa pa sila mommy nasa u.s" sagut ko sa kanya. Tumayo narin ako para tingnan sino yung nagdoorbell. Pagtingin ko sa camera sa gilid laking gulat ko.

Anung ginawa niya dito? Kaya pinagbuksan ko siya ng pinto. Nasa harap siya nakatayo nakangisi.

"Hi Beb nasurprise ka ba? Miss you"? Sabay yakap niya sakin. 

Kumalas siya sa pagkayakap sakin saka pumasok sa loob. "Ikaw lang dito mag isa beb?" Inikot niya ang paningin niya sa paligid.

"A-anung ginawa mo dito? Ka-kaylan ka lang dumating"? Tanung ko sa kanya. Paano niya nalalaman na nandito ako at ito yung unit ko? Nilingun niya ako pagkatapos niya sinuri ang buong paligid na nakangisi.

"Bakit beb ayaw mo ba nandito?" Nilapit niya ang mukha niya sakin ng dahan dahan.

"Kasi namimiss kita. Alam mo naman kung gaano kita kamahal" pinisil niya ang ilong ko.

"Lianne alis muna ako" si Katelyn nasa harap ng kwarto ko dala dala ang bag niya.

Tiningnan ni Luke si Katelyn ng head to foot. "Ah Luke si Katelyn bestfriend ko. Kate si Luke boyfriend ko" pakilala ko sa dalawa.

"Ow ikaw pala ang bestfriend niya. Hi Katelyn nice meeting you" binigay ni Luke ang kamay niya kay Katelyn.

"Likewise, alis muna ako bess. Siya nga pala ready na yun nakahanger na goodluck" saka umalis na si Katelyn.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon