chapter 30

6.4K 169 12
                                    

30

Lianne pov


Wala kaming ginawa dito kundi umupo hanggang sa ginabi na kami dito.

At siya wala, busy sa laptop niya. At ako naboboring na sitwasyon namin dito. May tv naman kaya tumayo ako at tinungo ang nilalagyan ng mga tape.

"Curious lang Vincent, kaninong bahay itong tinuluyan natin? I mean itong rest house"?  Habang naghahanap ako ng pwede kung mapanuod boring na kasi tsaka hindi naman siya pumayag na uuwi ako sa unit ko. May nakita ako.

Maganda ito, bounty hunters... agad ko nilagay sa dvd player. Nion ko pagkatapos agad ako pumunta sa upuan para magiging maayus ang pinanunuod ko.

Palihim ko siyang tiningnan, bakit ba ako nagtatanung sa kanya kung hindi man lang niya sagutin o wala nga siyang balak sagutin ang tanung ko. Haist makapanuod na nga lang.

Sinandal niya ang likod niya sa sofa at ang laptop niya nilagay niya sa paa niya.


Habang nanunuod ako ng movie napaisip ako. Totoo ba yung sinabi niya sakin? O baka dahil sa gutom ko yun kaya narinig ko yun. Pero yung paghalik niya sakin? Panaginip ko lang ba yun? Namalikta lang ata ako nun dahil sa pagmamahal ko sa kanya... kahit papano kahit ganito lang ang sitwasyon namin masaya na ako. Kuntento na ako.

Kaya lang minsan nasasaktan na ako sa lihim dahil ang puso ko umaasa na mahalin niya ako at ako naman ito nagpakatanga. Mahirap magmahal sa taong hindi ka mahal. At masakit dahil nasasaktan ka lang sa lihim. Kahit alam kung mali ito ginagawa ko parin.. hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na mahalin siya.

Paano ba magmahal na hindi ka nasasaktan?

"Saan ang isip mo? Nanunuod ka ba sa movie mo? Ba't ang layo ng tingin mo"?  Paglingun ko nakatingin pala siya sakin. Saka binalik na rin niya ang tingin sa laptop.

Ngumiti ako habang nakatingin sa movie.

"Napaisip lang ako kung Paano ba magmahal na hindi nasasaktan?" Sagut ko sa kanya.

Pinagtawanan ba naman ako?.

"Bakit nasasaktan ka na pala"? Tanung niya.

"Hmmn, siguro, hindi, iwan." Sagut ko.

"Bakit naman?" Tanung niya ulit.

"Dahil ang taong minahal ko - - - may mahal na iba" sagut ko sa kanya.

"Kung ganun dapat kang maging masaya para sa kanya. "  napangiti ako ng alanganin sa sagut niya.

"Siguro nga" yun lang nasagut ko. Ganun pala yun dapat ako magiging masaya para sa kanya.. okay kahit masakit tanggapin ko.

"May mga bagay lang talaga na sadyang hindi para satin. Kahit gaano natin sila kamahal. Siguro nakatakda sila sa ibang tao. Hindi para sa atin" napalingun ako sa kanya.

Napatango tango ako sa sinabi niya. Tumayo ako at lumabas sa bahay. Naglakad lakad sa tabing dagat medyo mabigat kasi pakiramdam ko. Akala ko makukuha na niya ibig sabihin ko. Ang punto ko sa sinabi ko. Napaupo ako sa tabing dagat. Ganun nalang ba yun? Paano kung pati sarili ko ibibigay ko sa kanya hindi niya parin akong kaya mahalin?.

"Pasok na, gabi na" hindi ko na kailangan lingunin kung sino nagsalit dahil boses pa niya alam ko na.

"Mamaya na" umupo siya sa tabi ko.

"Hindi pwede delikado sayo rito. Kaya pumasok ka na"  naglakad siya papalayo sakin.

Ang bait niya iniwan niya ako dito. Dapat hindi na niya ako pinuntahan dito.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now