ISMTMB - BK - 2 - 9

4.6K 138 14
                                    

Lianne

"Alam mo Lianne hindi na kita naiintindihan" sabay talikod niya sakin kaya sinundan ko siya sa kusina.

"At anung hindi mo naiintindihan sakin Chia?"  Sabay taas ko ng isang kilay ko habang siya nagluto ng toasted bread.

Hinarap niya ako. "Yang mga pinaglalaro niyo. Yung totoo hide and seek ba yan?"

Hinila ko ang isang upuan at umupo. "Nope. Teka lang bakit mo nasabi na naglalaro kami ng taguan?" 

"Yung una ikaw nagpanggap na may amnesia. Ngayun si Vincent patay na..."  kumuha siya ng mug at naglagay ng kape.

"Yung sakin totoo naman yun hindi yun amnesia." 

"At kay Vincent anung tawag do'n?"  Tumalikod siya at kinuha ang niluto na bread.

"Iwan malay ko ba. Kaya nga pupunta kami doon sa kanila"  kumuha ako ng isa at kumain.

"Pero naniniwala ka ba Lianne na patay na yung tao? What if hindi pala? Lumayo lang sayo?"

Umupo na rin siya at uminom ng kape. "Anung gagawin mo?"

"Anu ba ang gagawin ko edi wala? Alangan naman magwala?"

"Pero Lianne namimiss mo siya di ba?"  Napatigil ako sa pag inom ng kape. Ngumiti lang ako.

"Oo nga pala nakita ni Marky si Dexter na may kasama na ibang babae"  pag iba ko sa usapan.

"Talaga! Anung sabi ni Marky? Alam mo isa pa yang boyfriend mo na mahangin kung tingnan mo kala mo sino"  paikot ikot ng mata niya na sabi.

"Ganyan naman yan si Dexter"

"Sus pinagtanggol mo pa. Umalis ka na aalis pa kayo papunta sa bahay ng asawa mo medyo malayo pa yun" 

"Chia pinagtabuyan mo na ba ako?"

"Hindi girl. Tanghali na pagkatapos magbyahe na kayo sige na"

"Sa bagay na need ko ng umalis bye"  kinuha ko ang bag ko sa sofa pagkatapos lumabas na pero bago pa ako nakalabas napalingun ako sa pagtawag ni Chia sakin.

"Lianne kung sakali magkita kayo ni Vincent try mong kausapin siya para narin sa anak niyo. Maawa ka kay Marky" 

Tumango ako at ngumiti pagkatapos lumabas na ako sa unit niya. Pero makakaya ko ba?.

Pagkarating ko sa basement dumiretso ako sa kotse ko nakapark. Pagkarating ko sa bahay handa na si Marky.

"Mommy alis na ba tayo?"  Salubong niya sakin. Napasandal ako sa gilid ng pinto. Ang gwapo kasi niya sa suot na color black na tshirt na spiderman ang print. Ang shoes niya na color white.

"Mommy let's go na"  hila hila niya sa kamay ko.

"Okay wait. Kunin ko lang gamit ko sa taas"  sabi ko sa kanya sabay akyat ko ng dali dali. Isang maliit lang na bag ang dala ko sandali lang kami doon.

Pagkababa ko nakasuot na siya sa backpack niya. "Marie kayo lang muna bahala dito sandali lang kami doon siguro three days lang kami"   bilin ko sa kanila.

"Okay ma'am ingat po kayo sa byahe niyo"

Tinulungan nila kami nilagay sa kotse ang dala namin. Agad naman pumasok si Marky. "Ate Marie byebye"

"Marky seatbelt ka na" utos ko sa kanya sa likod. "Okay mom" sagut niya.

Napapikit ako at bumuntung hininga bago ko nilabas ang kotse sa gate. Ito yung unang pagkakataon ko pumunta sa kanila na dala ko si Marky.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now