ISMTMB BK 2 -15

4.6K 132 14
                                    

Lianne

Kakaalis lang nila Marky pero ito ako ngayun namimiss ko na yung anak ko. Wala pang isang oras. Bakit kasi kaylangan pa siya sa isama doon. Niligpit ko nalang lahat ng gamit nagkalat pati yung pinggan na pinagkainan nila.

Pagkatapos ko nagligpit nagtimpla muna ako ng kape. Inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayus kagabi. Napatingin ako sa pinto sa kwarto ni Vincent. Galit ba siya para maglasing siya ng ganun? 

Hindi narin niya ako kinakausap. Iniwasan na ba niya ako?. Pagkatapos ko uminom ng kape nagsimula na akong naghugas ng mga pinggan nila.   Namimiss ko na si Marky kamusta na kaya siya?.

"Thinking you're boyfriend?"

Napalingun ako sa kaniya. Sino pa ba dahil kami lang naman dalawa ang naiwan dito. Ngumiti lang ako at binalik ang tingin ko sa ginawa ko. Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi niya.

"Gusto mo ng kape? Ipagtimpla kita wait"  nagbanlaw muna ako ng kamay ko.

"No. Thanks." Sabay talikod niya sakin dito sa kusina.

"By the way para hindi masira ang kamay mo may dishdrainer diyan. Ilagay mo nalang pinggan diyan. And alam mo naman siguro yan paano?" 

Saka lumabas na may sa pinto. Napatingin ako sa sinabi niya. Wag nalang siguro dahil malapit naman ako matapos sa paghuhugas. Napahinto ako at bumuga ng hangin nilingun ko ulit ang pinto. Hindi naman siya ganito dati.. na may pagka bipolar  na ugali?. Mali ba nasabi ko kagabi?.

Tinapos ko na ang paghuhugas ng pinggan pagkatapos pinuntahan ko si Vincent sa sala nanunuod ng tv. Umupo ako sa kabilang sofa nakatingin sa tv. Nilingun ko siya ang mata lang niya nasa tv.

"Hintayin mo nalang ang tawag sa lawyer para sa hearing ng annulment natin. Don't worry madali lang yan dahil civil lang tayo."  Natahimik ako sa sinabi niya.

"I'm sorry Vincent. Pero alam mo naman ginawa ko lang-*"

"Ginawa mo lang ito para kay Marky at sa sarili mo. Dahil makasarili ka. Okay"  yun lang ang sinabi niya saka pinatay ang tv at tumayo.

Nilingun niya ako. "Ang  sorry Lianne para lang sa tao nadapa na hindi sinadya. Anung magagawa mo sa SORRY kung ang sarili mo lang iniisip mo.? May magagawa pa ba ako? Ni hindi mo lang ako bibigyan ng second chance para patunayan ko sayo na mahal kita!?"

Sabay alis niya at lumabas ng bahay. Napabuntung hininga nalang ako. Dahil natatakot ako Vincent na baka maulit lang ang nangyayari dati at ayoko ko mangyayari yun ulit.

Mali ba talaga ang ginawa kung desisyon para samin ni Marky?. Makasarili na ba yun kung ang pinili ko ang tama?.  Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Chia.

"Beshy kamusta ka na diyan?"  Bungad niya sa kabilang linya.

Bumuga muna ako ng hangin.

"Beshy may problema ba?"  Tanung niya sa kabilang linya.

"Pinirmahan ko na ang annulment papers namin"  biglaan kung sabi sa kanya.

"Edi wow! Masaya ka na? Di ba yan ang gusto mo?"  - Chia

"Sa ginawa kung desisyon Chia makasarili na ba yun? Ginawa ko lang naman yun para samin ni Marky at mabubuo ang pamilya namin.?"

"Gaga, bakit pinirmahan mo na ang annulment pinagawa ng asawa mo? Ganun ka ba ka atat, kaexcited para makipaghiwalay sa kanya? Lianne naman.!  Tao yan hindi yan pagkain kung ayaw mo na. Ayaw mo na talaga kainin. Ama siya ni Marky. Ayaw mo ba magiging nasaya ang bata na magiging buo ang pamilya niya?"  

"Alam ko naman mabibigay ko yun magiging masaya kami, ako, si marky at Dexter" 

"Anung sabi mo Lianne? Si Dexter? Oh-my-Ghad. Nag isip ka ba talaga? O ang utak mo nasa Jupiter para ganun kalayo ang pag iisip mo?"

"Ang ginawa mong desisyon makasarili Lianne beshy. Bakit? Dahil sarili mo lang iniisip mo. Hindi mo iniisip na pati si Marky masasaktan  hindi ngayun pero darating ang araw"  

"Ngayun alam na ni Marky si Vincent ang ama niya. Wag mo ng pairalin ang pride mo para sa bata at sa kaligayahan niya".

Natahimik ako sa mga sinasabi ni Chia dahil alam ko may punto siya.

"Pero mahal ko si Dexter Chia"  - me

"Ang tanung ikaw mahal ka ba niya?" 

"Oo naman mahal niya ako at ramdam ko yun"

"Ang masasabi ko lang Lianne isipin mo si Marky. Bago pa sila nagkakilala ng anak niya" 

"Oh siya aalis na ako byiiiee basta isipin mo lahat ng sinasabi ko okay"  saka end na niya ang tawag.

Napatingin ako sa gate, napaangat ako ng tingin sa wallclock hapun na pala pasado alas dos na pero wala pa si Vincent. Gusto ko siya kausapin. Pakiramdam ko rin kasi malaki ang kawalan ko pag palagi kaming ganito.

Napatingin ulit ako sa gate bumukas ito at pumasok si Vincent. Sinara niya pagkatapos siya at nilagpasan lang ako. Tinungo niya ang kwarto niya. Sinundan ko siya.

Nakikita ko siyang naghuhubad ng shirt niya. Napadako ang tingin niya sakin dito sa may pinto. Tiningnan niya lang ako pagkatapos pumasok sa banyo. Hindi ako lumabas sa kwarto hinintay ko siya at tama nga after minutes lumabas siya nakatuwalya lang.

"Vi-Vincent i'm sorry kung nasaktan kita"  napayuko ako sa sinabi ko sa kanya. Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya ngayun nakabihis na at nagpupunas ng buhok niyang basa.

Nilingun niya lang ako ng blanko ang tingin. Agad din naman niya binawi ang tingin sakin. "Vincent sorry. Alam ko kulang ang sorry pero alam ko balang araw mahanap mo rin ang tunay mong minahal."  

Nilingun niya ako ng nagsalubong ang dalawang kilay niya. Saka humakbang siya palapit sakin. Nilagay niya sa ibabaw ng kama ang tuwalya na hawak niya kanina.

Paatras ako ng paatras dahil sa ginawa niyang pagtitig sakin sa mata ko. Pagsandal ko pader na pala sa likod ko. Anung gagawin ko ngayun.?

"Sa tingin mo ba ganun lang yun kadali?"

Hinarang niya sa magkabilang gilid ang dalawang kamay niya nakatukod. "A-anung gagawin mo?"  Pagtatanung ko sa kanya. Napaangat yung isang labi niya.

"Pwede ba Lianne, tigilan mo ng ganito. Pinipigil ko lang ang sarili ko"  nagkasalubong yung isang kilay ko sa sinabi niya. 

"Di ba yung boyfriend mo yung pinili mo?"   Napakagat labi nalang ako. 

"Saan ka ba pumunta? Buong araw wala ka dito sa bahay.. iniwan mo lang ako mag isa dito"   umatras siya at tumalikod sakin. Humarap ulit siya sakin.

"Anung gusto mong gawin ko? Tumunganga nalang dito?" 

Sinundan ko siya papunta sa labas. "Kumain kain ka na?"  Humarap siya sakin.

Umiling ako sa sagut ko. "Okay. Umupo ka diyan"  tinungo niya ang kusina. Sinundan ko siya sa kusina. Kumuha siya ng frying pan. Nilagay sa shalene pagkatapos nilagyan niya ng mantika.

"Bakit hindi ka pa kumain? Alam mo ba anung oras na? Baka akala nila -*" 

Nilapitan ko siya at niyakap sa likod niya. Tinanggal niya ang kamay ko. "Diyan ka lang baka mapaso ka pa. Magluto lang ko" 

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now