chapter 3

11.3K 228 2
                                    

3

Vincent pov

Napailing iling nalang ako sa kanya. Kaylan pa siya natutu mag inom? Haist!  Hininto ko na ang kotse.

"Miss Lianne"?  Ginising ko siya pero hindi talaga na nagising kaya no choice ako. Nauna ako lumabas sa kotse at inikot ko siya para mapagbuksan. Tinanggal ko ang seatbelt niya. Ilan kaya ang nainom niya babae pa naman. Hindi ba siya nag isip? Binuhat ko siya papasok sa bahay.

"Boss anung nangyayari diyan"? Hindi ko nalang pinansin ang tanung ng kasamahan ko. Hanggang sa makarating ako sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto agad ko siya pinasok at nilagay sa kama. Sinara ko ang pinto ng kwarto at tinanggal ang suot niyang heels, ang bag at phone niya nilagay ko sa mesa.  Nilagyan ko siya ng kumot at tumayo na ako para humiga sa sofa medyo inaantok narin ako. 












Lianne pov

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Madami ata akong nainom kagabi. Bumangun ako sabay gusot ko sa mata ko punta muna ako ng banyo. Paano ba ako nakauwi at sino naghatid sa akin? Napatingin ako sa salamin nasa harapan ko ito parin suot ko kagabi ng lumabas ako sa bar.  Naligo narin ako dahil may pasok ako kahit maaga. Pagkatapos ko naligo at lumabas na ako sa banyo ng may napansin ako sa sofa. Agad ko ito nilapitan.

Nanlaki ang mata ko. Bakit dito siya natutulog.? "Langya ka bakit dito ka natutulog sa kwarto ko ha?" Pinaghampas ko siya sa una ko. "Lumabas ka dito"! Sigaw ko sa kanya. Hindi ko parin siya tinigilan sa paghampas ng unan. Walang sino man nakapasok sa kwarto ko tas ngayun dito siya natutulog?

Hinarang niya ang kamay niya saka bumangun siya. "Anu ba Lianne nakikita mo naman natutulog ang tao? Hindi ka ba makahinta-*" bigla siya tumigil sa pagsasalita ngumiti ng nakakaloko. Nakatitig siya sa akin gosh anu ba nasa isip niya. My ghad sorry hindi ko sinadiya yun. Ayoko lang may tao dito sa kwarto ko.

Ng maalala ko oo nga pala galing akong banyo. "Anung nakakatawa ha?" Sabay harang ko sa harapan ko nakalimutan ko kasi eh. Bakit ba Lianne? Tingnan mo.

Tumayo siya. "Magbihis kana" sabay labas niya sa kwarto ko.

"Wait, sino ba naghatid sa akin pauwi"? Sinara niya ang pinto ni hindi niya ako sinagut. Aggghhh napakawalang modo na tao. Grr. Nagbihis nalang ako. Pagkatapos ko nagbihis lumabas na ako sa kwarto ko. Bumaba na ako nakita ko ang mga katulong namin busy sa paglilinis. Ng mapatingin ako sa garden nakabihis na pala siya at may kausap sa phone niya. Dahil maaga pa at gusto ko marinig kung sino kausap niya nagtago ako likod sa malalaking puno ng kahoy dito rinig ko na. Nako hindi ako chismosa ha, at ngayun ko lang ito ginawa.

"Ah sige magpaalam lang ako sa boss ko Nay kung payagan ako" Nay? Baka nanay niya kausap niya. Tumayo narin ako at dumiretso sa dinning para sa breakfast mabuti nawala na din sakit ng ulo ko. "Morning Miss Lianne"  tumango lang ako kay Danica saka umupo na. Sanay narin naman akong kumain mag isa. Dahil ako lang mag isa dito sa bahay. Malaki nga bahay namin pero wala akong kausap.

"Morning Vince" hindi ko na nilingun sino binati ni Danica. Vincent pala name niya. Nice Name, pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Tapos siya dumaan lang sa tabi ko. Pagkatapos ko kumain lumabas na ako sa bahay at nakita ko siya banda sa gate nakasandal sa kotse. Nilapitan ko siya "let's go" pinagbuksan niya ako ng pintuan. Syempre no, haler anak kaya ako ng boss niya. Pumasok narin ako at sinara niya ang pinto sumunod naman siya pumasok at pinaandar ang makina at pinalabas na sa gate ang kotse. Habang nasa daan walang kaming imikan. Ayoko din naman siya kausapin nakikita ko nga sa hitsura niya parang galit siya palagi o strict lang siya imagine ha napakaseryoso niya tingnan.

After a minute dahil malapit lang ang school dumating na kami. Pagkahinto niya sa kotse.umikot siya para pagbuksan ako ng pinto lumabas na rin ako. "Wag mo na ako ihatid sa room hindi ako bata para ihatid sa room. Umuwi ka na" sabay talikod ko sa kanya. Harsh ba ako sa kanya? Well duh bahala siya. Bakit naman kasi pumayag siya sa kagustuhan ni daddy. Actually ngayun ko lang siya nakita o baka nakita ko lang siya dati hindi ko napansin.

Nilagay ko sa tenga ko ang earphone ko habang papunta ako sa room. "Lianne wait"? May tumawag ba sa akin. Wala naman suguro.

Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Pagtingin ko si Katelyn pala. "Oh bakit ka hiningal"? Sumabay na din siya sa akin.

"Lianne naman tinawag kita, hindi moko narinig dahil diyan sa mp3 mo. Kaya para mahabul kita tumakbo ako. Tingnan mo sira na ang make up ko"  sagut niya. Habang inayus ang buhok niya.

"Bakit mo naman ako hinabul"? Tanung ko sa kanya.

"Hoy gaga, bakit kasi hindi ka pumasok kahapun"? Huminto kami sa gitna ng hallway.

"May pinagawa lang  si dad sa akin bakit ba anung meron"? Naglakad ulit kami.

Huminto ulit kami sa paglakad. "Girl beshy gosh hinanap ka kahapun ni Lester yung crush mo"  parang namilog ang mata ko sa sinabi ni Katelyn. Yes si Lester ang long time crush ko and now finally napansin niya ako.

"Ha?bakit naman daw"? Tanung ko ulit sa kanya. Paglingun ko wala siya sa tabi ko yun pala huminto sa paglakad. "Hoy Katelyn halika na dito" hinila ko ang kamay niya.

"Beshy tingnan mo sino ang makasalubong natin ang prince Charming mo" sabay sundot sa gilid ko.

"Hi Lianne morning"  binati niya ako? Omg! Ang gwapo talaga niya saka ang cute niya.

"Morning din Les" balik bati ko sa kanya.

"Hatid ko na kayo sa room nyo kung okay lang"?   ito naman si Katelyn bigla tumabi sa akin.

"Sige" saka ningitian ko siya. "Bess chance mo na yan" bulong ni Katelyn pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hi Lester" bati ng mga ibang classmate namin pagdating sa room.

Kumaway lang siya. "Thank you sa paghatid" pasalamat ko sa kanya.

Bigla akong nagulat sandali ng hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi mo naman kaylangan magthank you sa akin Yan," tinanggal ko ang kamay ko nakakahiya.

"Sige na papasok na ako" paalam ko ulit sa kanya. Pagkapasok ko at umupo na ako. "Lianne nanligaw na ba sayo si Lester?" Biglang tanung ng isang classmate ko. "Hindi naman" sagut ko sa kanila.

"Nako Lianne pagmanligaw si Lester sagutin mo yan. Maswerte ka niyan" napangiti ako sa sinabi nila sa akin. Pagkatapos sa klase. Lumabas kami ni Katelyn para pumunta kami sa canteen ng huminto si Katelyn sa paglakad. "Hoy anung nangyayari sayo bakit ka ganyan makatingin"? Hindi ko alam sino tiningnan niya.

"Omg beshy ang gwapo niya, bagong lipat ba siya dito"? Kunot noo ko tiningnan si Katelyn.

"Sino ba?"  Hinanap ko ang sinabi ni Katelyn wala naman akong nakita. "Tara na nga baka gutom lang yan" sagut ko.

"Hindi mo nakita Lianne. Yun oh yung naglakad lakad"  nanlaki ang mata ko. Bakit andito pa siya pinaalis ko na siya kanina pa ah? 

"Hi Lianne, canteen kayo tara sabay na kayo sa amin" biglang lumitaw si Lester sa likod namin at inakbayan niya ako ng diretso.

Nagsabay na kami kina Lester papuntang canteen.

T

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now