chapter - 38

6.2K 148 12
                                    

Chapter 38

Lianne pov

Anu ba kasi ang problema niya. Nakabalik na kami hindi niya ako kinikibo talaga bang galit siya sakin? Galit ba siya sa nangyayari samin?.

Tumayo ako dito sa sofa para puntahan siya kusina. Nagluluto ng makakain namin. Nakita ko nakatalikod siya habang nakasuot ng apron. Color green.

Tumabi ako sa kanya. "Vincent galit ka ba sakin? Bakit hindi moko kinikibo kanina?" Patuloy lang siya sa pagslice sa mga gulay na iluluto niya.

"Vincent galit ka ba sakin? Dahil sa nangyayari satin nung isang gabi?" Hindi niya parin ako kinikibo kahit tingnan man lang wala.

"Natural lang naman yun. Lalo na kung sa mag asawa ang nangyayaring ganun" dagdag ko kinalingun niya at kumunot ang noo niya sa narinig sa mga sinasabi ko.

"Dapat nga hindi yun nangyayari satin. Sorry lalaki lang ako" sumeryoso yung hitsura niya sa pagkasabi.

Napaatras ako. "Aahh o-okay" yun lang ang nasagut ko meaning hindi niya gusto ang nangyayari samin. Natahimik ako sa sinabi niya.

"Ku-kung ganun hi-hindi mo pa-pala ako mahal" nauutal kung sabi sa kanya na hindi ko magawa tingnan dahil ramdam ko nangingilid na ang mga luha ko at handa ng pumatak kahit anung minuto.

"Hindi naman sa ganun" sagut niya. Habang nililigpit niya ang mga hugasan nagamit niya.

"Kung hindi sa ganun anu? Hindi naman ako tanga Vincent na hindi yun mapansin ko na pagkatapos sa nangyayari satin. Bigla ka nalang nag iba" sagut ko sa kanya na hindi makatingin.

"Dahil narealize ko na boss kita. At bodyguard mo lang ako" kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Hindi naman yan big deal Vincent eh, pero ang akala ko na totoo yung mga pinakita mo sakin. Nagkamali pala ako. Okay lang masaya ako na nakilala kita" saka iniwan ko siya sa kusina. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko ng bigla niya hinawakan ang braso ko.

"Saan ka pupunta?" Nilingun ko siya.

"Anung paki mo kung saan ako pupunta. Di ba bodyguard lang kita bakit ka nagtatanung?" Taas kilay kung tanung sa kanya. Pagkatapos sa sinabi niya ganun ganun nalang na magtanung siya.

"Bitiwan mo ang kamay ko" ng naalala ko yung nakita ko sa leeg niya unang beses kaya.

"Sorry kung hindi ko mapantayan ang pagmamahal ng girlfriend mo sayo" sabay tanggal ko sa kamay niya. At dumiretso ako sa kwarto ko. Panahon na siguro na kalimutan ko siya dahil kahit anung gawin ko mukhang hindi yata niya ako kayang mahalin. Mas mahal pa niya yung unang girlfriend niya.

Nagbihis ako ng fitted dress na plain sleeveless hanggang legs ko pagkatapos sinuot ko ang heels ko na six inches. Kinuha ko ang bag ko na sling bag. Naglagay lang ako ng kaunting concealer para mawala ang eyebag ko tingnan. At lumabas na ako sa kwarto ko. Nakita ko ang likod niya nasa kusina siya hindi pa tapos nagluto. Lumabas ako ng mabilis sa unit ko at binuksan ko ang elevator para makapasok ako. Ng makapasok ako pinindot ko ang ground floor.

Pagkarating ko sa ground floor binuksan ko ang kotse ko at sumakay na. Pinaharorot ko ito at pumunta ako sa isang club na palagi ko pinupuntahan dati.

"Lianne?" Si Chia inabangan pala niya ako dito sa labas. Pagkalabas ko sa kotse nilapitan ko siya nakatayo sa may gilid ng daan at ngayun rinig na rinig ko ang music galing sa loob.

"Hey kanina ka pa naghintay sorry kung nalate ako. Well alam niyo na matraffic" sabi ko sa kanya pagkatapos ko siya hinalikan sa pisngi.

"Let's go" pumasok na kami sa loob nauna siya kaya sumunod na ako. Pagpasok mo palang subrang ingay na. Tawanan dito tawanan doon, sayaw dito sayaw doon, at nakikita ko na madami na nagsasayaw sa gitna. Dito maamoy mo ang mga yusi na ginagamit ng mga custumer at ang may ari nito walang iba kundi ang pinsan ko si Charllote. Subrang napakahilig niya sa ganito. And syempre partner niya ang kapatid niya na mahilig din ng ganito.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now