ISMTMB - BK 2 - 7

4.5K 132 7
                                    

Ilang araw na nakalipas since sa balita nalaman namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang araw na nakalipas since sa balita nalaman namin. At ilang araw din lumipas na hindi ako masyado kinakausap ni Marky.

"Marky? Gusto mo magmall tayo?"

Inangat niya ang tingin sakin. "With tito Dexter. Di ba soon magiging family na tayo with Tito Dexter right?"

Binalik niya ang tingin sa tablet niya. "No.mom thanks dito nalang ako sa bahay?" 

Abat sumusubra na itong anak ko pinagbigyan lang siya sa semi pagluluksa niya at ngayun ganito naman?. 

"Nag away ba kayo ni tito Dexter mo? Bakit parang ayaw mo sa kanya?"

Inangat niya ulit ang tingin sakin. "Bad siya."  Kumunot yung noo ko sa sinabi ni Marky sabay bumuga ako ng hangin.

"But why? Mabait si Dexter mo, inalagaan tayo. Ikaw" 

Binalik niya ulit ang tingin sa tablet niya. "Mabait si Tito boy. Hindi kagaya niya bad."

Nagpanting yung tenga ko sa narinig pero dahil bata hindi ko nalang papatulan. "Okay. Tayo nalang dalawa pupunta sa mall may bilhin din ako" sabay tayo ko. Tumayo na rin siya at pumasok sa kwarto niya.

Basta bata kahit anu nalang pinag isip niya pero sa sinabi niya. Napaisip ako imposible eh. Bumaba na rin ako at nakita ko siya nakaupo sa sofa ready na. Tumayo naman siya kaagad at nauna ng sumakay sa kotse.

"Alam mo Marie hindi ko maiintindihan si Marky minsan. Pagdating kay Dexter. Bakit ayaw niya kay Dexter mabait naman ito?" 

Sabi ko sa yaya ni Marky minsan kasi siya ang kasama ni Marky madalas. Sumakay na kaming tatlo sa kotse at pinagdrive ko sila. Tinungo namin ang mall pagkarating namin sa mall pinababa ko sila at pinark ko muna ang kotse ko sa parking lot. Ng matapos ko na napark pinuntahan ko na ang sila. Nakita ko sila sa labas nakatayo kaya nilapitan ko na sila.

"Let's go" 

Humawak si Marky sa kamay ko at pumasok na kami sa loob ng mall. "Saan ang gusto mo first natin puntahan?" Tanung ko sa kanya habang papasakay kami sa escalator.

"Kahit saan lang mom"

Pagkarating nami sa second floor naglakad lakad lang kami.

Napalingun ako ng may tumawag sakin. "Ate Lianne? Tama nga ikaw nga kamusta kana ate?"

May isang babae medyo payat, matangkad na lumapit samin. Kumunot yung noo ko familiar siya sakin. "Ate Lianne, it's me Shaira' kamusta kana?"

Napatingin siya sa kay Marky. "Oh yeah. Yeah naremember ko na. Okay lang. Ikaw kamusta kana? Mas lalo ka yatang gumanda ngayun ah?"  Nakangiti kung sabi sa kanya.

"Okay lang naman ate. Pero sino siya anak mo?" 

Kinabahan ako bigla baka may sinabi sa kanila si Vincent tungkol sa anak namin. Tiningala ni Marky si Shaira. "Marky baby, siya si tita Shaira mo"   pakilala ko sa dalawa.

"Hi Marky. Pogi pogi mo naman at ang cute mo"  nanggigil na sabi ni Shaira kay Marky.

"Hello po tita Shaira" nakangiti niyang bati kay Shaira.

"Thank you po"  saka nagbow si Marky.

"Hindi naman Ate."  Sagut niya sa tanung ko kanina.

"Oo nga pala bakit ka nandito? At sino kasama mo?"

"Si Mama, may binili lang kami dito. Sige ate alis na ako."  Paalam niya samin.

"Bye Marky"  kaway niya kay Marky.

"Ah Shai wait?"  Huminto siya at lumingun sakin tiningnan ko si Marky nakahawak parin sa kamay ko. Gusto ko siya tanungin tungkol sa kuya niya. Baka naman kasi hindi totoo yun di ba?. Pero natatakot ako malaman ang totoo.

"A-anu kasi"  kinabahan talaga ako.

"Shaira andito ka pala," 

Napaatras ako bigla ng makilala ko sino lumapit kay Shaira.

"Mama"

Hinila ko paalis doon sa pwesto na kinatayuan namin si Marky at Marie. "Mommy are you okay?"

"Ate nanginginig ka? Okay ka lang?"

Tumango ako at ngumiti sa dalawa. Napahawak ako dibdib ko.

Ng paalis na kami para pumunta sa taas ng may nakabangga ako. "I'm sorry" yun lang ang sinabi ko hindi ko na tiningnan sino ang nabangga ko.

Dali dali ko hinila si Marky palabas sa pinagtaguan namin pero mali ata dahil nakita niya ako. Kami?.

"Lianne?"

Dahan dahan ako lumingun.

"Mama"  ngumiti ako ng alanganin.

"Lianne hija."  Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Mommy who is she?"

Seryosong nakatingin si Marky samin. "Siya na ba hija? Ang gwapo na bata"  

"Ako ang grandma mo hijo"  nakangiti niyang sabi. Dinala niya kami sa park dito sa mall. Naglalaro silang tatlo sa playground. 

"Hija, bakit hindi mo sinabi samin?"

Napabuntung hininga ako. "Si mommy mo ang nagsabi samin na nandito ka sa Pilipinas"   

Sabay lingun niya kay Marky. "Kuhang kuha niya talaga si Vincent"  saka ngumiti siya.

" Oo nga eh."  Tipid kung sagut sa kanya.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon