chapter 33

6.2K 150 6
                                    

33

Lianne pov

"Hi Vincent" sabay  kaway niya kay Vincent. At ito namang mokong na kasama ko kumaway din. Sino kaya yun.

"Mukhang sikat ka dito sa lugar niyo"? Papunta kami ngayun sa palengke nila malapit lang naman.

Naglakad lang kami para daw mabawas bawasan daw ang cholesterol ko. Haha anung cholesterol wala kaya akong cholesterol no.

"Ganun talaga pag gwapo madaming kakilala"  sabay ngisi niya.

"Wow feeling mo naman" sagut ko sa kanya. Grabe hindi ko yata makayanan subrang malakas ng hangin dito!. 

Pumasok kami sa isang building hindi naman ganun kalaki pero separate ang mga binbenta nila dito.

Hinawakan niya ang kamay ko habang papasok kami. Napakagat ako sa labi ko ng lihim.

Huminto kami isa sa mga tindahan ng damit.

"Vincent andito ka na pala, anu may bibilhin ka"? Tanung ng isang babae siguro pagmamay ari niya ito. Madaming nakalagay na mga nakadisplay na damit.

"Ah oo nga sana manang, hon pili ka na"  napatingin sakin ang babae.

"Girlfriend mo"? Tanung ng babae habang pumipili ng damit para kunin namin.

"Ah oo manang asawa ko"  napalingun ako sa kanya at napangiti. Hindi ko inasahan yun parang hindi na tuloy matanggal tanggal ang ngiti ko.

Nagsimula na akong pumili ng mga damit. Mga mura lang hindi kasing mahal ng binibili ko pero maganda naman siya.

"Talaga, infairness ang ganda niya" napahinto ako sa pagpili.

After mga 1 hour ata or 40 minutes natapos na kami kaya umalis na kami sa tindahan.

"Oh wait, di ba yan lang ang suot mo?" Ngumiti lang ako sa sagut ko.

"Okay bibili tayo, ikaw lang pumili dahil ikaw nakaalam sa size niyan" hinawakan naman niya ang kamay ko at siya ang nagdala sa pinamili namin.

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

Kaya nga siguro minahal ko siya?.

Huminto ulit kami sa isang stall sa tindahan sa loob parin ng palengke. Gulat ko ng nakita ko ang mga display. Napatingin tuloy ako sa harapan ko. Medyo awkward at nahihiya ako pero bahala na.

Tuloy sa nararamdaman ko ngayun parang gusto ko na siyang yakapin.

Hindi ko inasahan gawin niya ito sakin. Bibilhan ng mga damit na masusuot ko habang dito pa kami.

Kaya mas lalo ko ata siyang minahal.

Nakapamili na kami kaya umuwi na rin kami ng diretso syempre bumili na rin ng ulam baka wala pang ulam sa bahay.

Pagkarating namin agad ako naligo dahil sa subrang lagkit ko na.

"Wait dito ako maliligo"? Tanung ko sa kanya sa kwarto niya.

"Saan pa ba? Kung gusto mo sa labas may tubig din doon pero madami makakita sayo don" sagut niya.

"Paano ba yan hindi pa nalabahan ang mga damit binili natin" reklamo ko. Tumayo siya at lumapit sakin.

"Bakit ang dami mong reklamo? Di ba pag urgent walang kaartehan?" Nakapout lang ako ng labi nakasandal sa pinto sa sagut niya.

"Bago ko makalimutan may sasabihin ako sayo" ngumiti ako at naghihintay sa sabihin niya.

"Alam mo ang sitwasyon natin di ba"? Tumango ako nakakunot ng noo.

Kinuha niya ang phone niya.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now