chapter 31

6.3K 162 4
                                    


31

Lianne pov

Pagkatapos ng confession niya sakin parang ang gaan ng pakiramdam ko at ang ngiti ko kahit anung pigil ko hindi nawawala. Para na nga akong baliw dito.

Sa ngayun andito pa kami sa rest house iwan ko ba wala atang balak matulog ang taong ito. At ako ito nasa ibabaw niya iwan ko ba sa kanya habang ang dalawang kamay niya nasa likod ng ulo niya ginawang unan.

"Anung ginagawa natin dito? Umuwi na tayo. Ihatid mo na ako sa unit ko" reklamo ko sa kanya habang pinaglaruan ko ang dulo ng damit niya.

Kung akala niyo may nangyayari  samin nagkamali kayo. Hanggang lang naman ang ginawa niya sakin. Masaya na din ako dahil ngayun alam ko na, na mahal niya ako.

"Nagmadali ka ata, may naghihintay ba sayo?"  Tanung niya.

"Wala naman, kaya lang nabobored na ako dito eh" sagut ko sa kanya.

"Ngayun lang man tayo andito okay, tsaka may tv naman diyan kaya tiis tiis ka sa mga movie na pinanunuod mo" . Sagut niya.

"Sshhhh" magsalita pa sana ako ng pinaalis niya ako sa ibabaw niya. At umupo. Pinatahimik niya kasi ako.

"Bakit may tao ba?" Tanung ko sa kanya.

Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya at binasa ang text. Kanino kaya yun galing parang private eh. Pagkatapos niyang magreply agad niya binalik ang phone sa bulsa niya.

Nagkibit balikat lang siya. Kinuha niya ang baril nasa bag niya pagtingin ko madami pala siyang dala na mga extra bala. Gyera na ba talaga ang pinasukan ko? Kunot ko siya tiningnan habang inaayus niya ang baril niya.

"Kailangan ba talaga yan? Tsaka need ba natin magtago? Wala tayong kasalanan?" Tinigil niya pag ayus sa baril niya. 

"Natatakot ka ba?" Tanung niya sakin.

"Medyo, parang nahuhulog kasi tayo na may kasalanan sa kanila" sagut ko sa kanya.

"Don't worry hon, isa sa mga araw na ito mahuhulog din sila"  sagut niya.

"Kamusta na kayo ni Luke? Nagkausap na ba kayo"? Umiling ako.

"Bakit naman? Kailangan ka niya ngayun?" Kunot noo ko siya tiningnan. Anung kinalaman niya kay Luke?

"Bakit nasabi mo kailangan niya ako ngayun?" Tanung ko sa kanya.

"Naraid ang grupo nila Luke. " anung grupo? Wala naman siya nabanggit sakin.

"Teka lang bakit niraid ang grupo nila? Explain mo nga"? Napaupo ako ng maayus.

"Merong grupo kinasangkutan si Luke, ang grupo nila. Sila yung dahilan kyng bakit nawawala ang ibang babae at kinikidnap. Pagkatapos gahasain ipapatay. O mismo ang leader nila pumapatay. Kaya ang mga tauhan nito walang mga pamilya dahil pag nalaman ng boss nila na may girlfriend ito. Siya ang dapat mauna nito" natatakot ako sa nalalaman ko ngayun. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Yan ang dahilan ni Luke kung nakipaghiwalay siya sayo"  bigla akong nalungkot at naawa kay Luke. Kahit sangkut siya sa ganun na grupo. Mabait parin siya sakin.

"Alam ba ng pamilya niya?" Tumango siya.

"Mabuti tanggap ng pamilya niya" dagdag ko.

"Wala naman silang magawa dahil anak din nila si Luke"  nakakalungkoy lang isipin.

"Bakit hindi niya sinabi sakin para matulungan ko siya" sagut ko sa kanya.

"Dahil iniiwasan ka niyang madadamay pa. At kung madadamay ka delikado sa buhay mo"  sagut niya.

"Kaya ba niligtas moko nung gabi na yun"? Tanung ko.

"Konsensiya ko din kung hindi kita naligtas" saka pinisil niya ang ilong ko.

Humiga siya sa lap ko. "Hon, mahal mo ba si Luke"? Tanung niya.

Sinusuklay ko sa kamay ko ang buhok niya. Medyo naninibago ako at nakiliti sa pagkahiga niya sa lap ko hindi kasi ako sanay.

"Hmmn, hindi naman mahirap si Luke mahalin. Pero syempre nasaktan din ako sa pakikipaghiwalay niya sakin"  sagut ko sa kanya.

"Ako ba hindi mo naisip na masasaktan din kung naghiwalay tayo"? Andiyan naman yung mga tanung niya na humuhugot.

"Bakit nagseselos ka kay Luke"? Tanung ko sa kanya.

"Wala naman tao hindi nagseselos pagmahal mo. Pero kung mahal mo siya at ang pipiliin mo handa ako magparaya" sagut niya.

"Bakit ka ngumiti?" Tanung niya.

"Wala lang" sagut ko sa kanya.

"Hindi kasi paano ka naman nasasaktan kung may mahal kang iba"  naalala ko tuloy yung unang pagkakita ko sa leeg niya may kiss mark.

"Nagseselos ka ba kay Analy?" Tanung niya.

"Halata ba"? Bumangun siya at tumabi sakin umupo dito sa sofa.

"Oo naman no. Halatang halata lalo na pagnamumula ka na sa galit at hindi mo mapalabas ang sarap mo kaya asarin hon"  nakangising sagut niya.

"Sa totoo lang hindi natuloy ang kasal namin, dahil buntis siya." Nilingun ko siya.

"Buntis? So may anak kayo ganun!?" Ngumisi ulit siya.

"Anung nakakatawa?" Naiinis na ako sa kanya.

"Relax okay,. Hindi ko anak ang dinadala niya. Nasa simbahan kami that time at siya mismo pumigil sa kasal namin. Pati nga ako hindi ako makapaniwala. First ang akala ko joke lang sinabi niya na hindi niya ako mahal. Kasi halos umabut kami ng 7 years? High school pa lang kami until nakapagtapos kami at nakapagtrabaho. Mahal ko siya kasi siya ang unang first love ko. But the end sa iba pala siya napupunta."  Masaya ako na naawa kay Vincent. Mas masakit pala sakin ang nagawa ng ex niya.

"Anung sabi ng pamilya mo"?  Nakatingin lang siya sa tv.

"First hindi natanggap ng pamilya namin. Pero pinaintindi ko sa kanila. And narealize ko ikaw ang mahal ko. Hinanap kita tinanung ko si Chia umalis ka raw. Sa isip ko mas mabuti na yung ganun para mamimiss mo rin ako di ba"?  Ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Aminin mo hon namimiss mo ako no"? Sabay sundot niya gilid ko.

"Hindi ah, tsaka tigilan mo ang pagsundot sundot sa gilid ko" reklamo sa kanya.

"Umiiyak ka nga raw sa kamimiss sakin" sagut niya. At hinalikan niya ulit ang pisngi ko.

"YAAAHHH!! Hindi kaya. Sino ba kasi nagsabi niyan para maputulan ko ng dila. Hindi naman yan totoo"  umurong ako kaunti palayo sa kanya.

"Pero namimiss mo ako"? Ang kulit niya grabe.

Kaya hinarap ko siya. "Hindi nga eh, " anung akala mo sakin aamin ako? Hindi no!,?.... 

"Pero namimiss mo nga ako? Hinarap ko ulit siya.

"Oo, ah mali hindi. Tama hindi kita namimiss okay"  sagut ko.

"Ouch! Ang sakit naman nun. Natamaan ata ng pana ni kupido ang puso ko kaya pumapait na. Kasi sabi mo hindi mo ako mahal" hawak hawak niya ang sibdib niya.

"Pero aminin mo hon namimiss moko no"? Dagdag niya.

"Hindi nga," sagut ko sa kanya. Hawak hawak ulit niya ang dibdib niya.

"Paano ba yan namimiss ka niya ikaw hindi mo namimiss ang puso ko. " sabi niya ng napatingin ako sa mata niya. May luha? Hindi ko alam kung anung dapat react ko.

Matatawa ba ako o hindi. Instead nagagalit ako sa pinaggawa niyang drama hinalikan ko nalang siya sa labi.

I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now