chapter 13 - Flashback

7.1K 176 3
                                    

13

Vincent pov  flashback

"Pre anung problema kanina kapa hindi mapakali palagi ka nakatingin sa cellphone mo"?  Tanung ni Denzel sakin.

"Pre dapat ngayun andito na si Lianne pero anung oras na"? Sagut ko sa kanya.

"Hindi ba tumawag si Lianne sayo hijo"? Lumapit na din samin si yaya.

Umiling ako. "Nako bata ka, hintayin mo lang uuwi din yun. Tsaka hindi kapa sanay sa kanya"? Bumalik din sa kusina si yaya.

"Pre, tama si yaya wag kana mag alala kay miss Lianne uuwi din yun baka may pinuntahan lang" dagdag ni Denzel.

Pero bakit ganito? Kanina pa ako hindi mapakali eh. Yung number niya hindi na matawagan out of coverage. Naalala ko si Katelyn baka magkasama sila. Sila kasi madalas magkasama kaya kinuha ko kaagad ang phone ko at diniAl ang number ni Katelyn.

"Yes hello"? Sagut sa kabilang linya.

"Kate ako to' sagut ko sa kanya.

"Ah- bakit ka napatawag ng ganitong oras"? Tanung niya.

"Anu kasi tanungin ko sana sayo kung magkasama kayo ni Lianne hindi pa kasi siya umuwi"? 

"Ganun ba"? Parang kinabahan ako sa susunod niyang sagut.

"May alam ka ba"? Tanung ko ulit.

"Akala ko alam niyo na" nagulat ako sa sagut ni Katelyn.

"Anung ibig mong sabihin"? Tanung ko ulit.

"Actually, hindi na pumasok si Lianne sa school, mga 2 days na at nagpaalam siya sakin. Pero hindi ko alam saan siya pupunta. Basta ang sabi niya intindihin ko ang gawin niyang decision" mas lalo akong kinabahan.

"Kasama ba niya yung boyfriend niya"? Tanung ko ulit.

"Hindi. Hindi din alam ni Lester ang decision ni Lianne nalalaman nalang niya na wala na si Lianne hindi na pumasok" umalis siya hindi nagpapaalam?

"Ganun ba. Sige Katelyn salamat" ..

"Don't worry kay Lianne Pre. Walang mangyayari sa kanya." Dagdag ni Denzel.

"Gusto mo ireport natin sa mga police"? Napatingin ako kay Denzel. Busy siya sa paglalaro ng phone niya.

"Hindi mo na sa ngayun hintayin lang natin kung may tatawag at hihingi ng ransom" dagdag niya.

Umupo ako sa tabi niya. "Kung walang tatawag ng 24 hours meaning okay lang si Lianne" dagdag niya.

Yumuko ako "hindi ko kasi alam Pre kung anung sasabihin ko kay boss tungkol sa anak niya"  baka magagalit siya. O anu paman.

"Relax lang Pre. Kung walang tatawag sa telephone or sa cellphone mo. Baka nga umalis si Lianne" iwan hindi ko alam kung anung totoo.

"Hindi kaya umalis si Lianne dahil nasasaktan siya, dahil sa pagmamahal niya sayo? Tama Pre baka nga mahal ka ni Lianne kaya siya umalis dahil di ba ikakasal kana. Nagparaya siya sa pagmamahal niya sayo"  umiling ako.

"Imposible Pre, pwede ba mainlove ang boss sa isang simpleng tao na bodyguard lang kagaya sakin.? Imposible Pre" sagut ko kay Denzel.

Ngumisi si Denzel, "walang imposible Pre pag puso na ang nag utos. Isa pa hindi mo malalaman yun dahil umikot ka lang sa girlfriend mo" napangiti ako.

"Pre, imposible dahil alam mo naman napakamaldita ni Lianne. At alam natin yan" sagut ko sa kanya.

"Wala ka ngang alam"  kunot noo ko tiningnan si Denzel.

"Diyan ka mali Pre, oo maldita si miss Lianne pero sa likod ng ugali niya madami siyang tao natulungan. Hindi mo kasi alam yan. Dahil kung mag off ka sa girlfriend mo lang nakaikot ang paningin mo"  wala ba talaga akong alam?



Limang araw na nakalipas since nawala o umalis si Lianne wala parin tumatawag samin na kunin siya. Saan kaya siya ngayun? Napatingin ako sa phone bigla nagring.

Si boss ang tumawag. "Hello?" Sagut ko sa kanya.

"Magkita tayo Vincent" sabi niya.

Kinuha ko kaagad ang coat ko at pinuntahan si Boss, daddy ni Lianne.

Pagkarating ko isang restaurant andun na si boss.

"Hijo,! Halika maupo ka" umupo ako sa harap niya. Nilagyan niya ng wine ang baso ko.

"Kaylan ka lang dumating boss? Para nasundo kita sa airport"  sabi ko sa kanya.

"Wag mo na alalahanin yan hijo." Ininom niya ang wine nasa baso. At nagpalabas ng isang buntong hininga.

"Boss sorry po kung hindi ko nabantayan ang anak niyo! Hindi ko po kasi alam na mangyayari ito payawarin niyo ako.! Okay lang kung paalisin niyo ko sa trabaho naiintindihan ko"  seryoso akong humingi ng tawad sa kanya.

"Anu ka ba, ayusin mo nga pag upo mo" tiningnan ko siya.

"Musta ang preparation niyo sa kasal? Kung hindi ako nagkamali malapit na yun. Nextweek" paano niya nalaman?

"Oh sorry hindi ko alam na ikakasal kana pala. Kung hindi dahil sa kagustuhan ko malamang hindi nagkaproblema" bigla niyang sabi.

May kinuha siya na brown envelope. "Pirmahan mo nalang ito," tiningnan ko si boss.

"Kung gusto mo magtrabaho sa office ko. Nasa sayo lang kung hawakan mo pa yun o hindi. Oo nga pala. Ang gift ko sa inyo ng magiging asawa mo. Pwede niyo gamitin ang isang resthouse ko sa barcelona o italy dependi  sayo saan gusto niyo maghoneymoon. May chopper susundo sa inyo"  sabi niya.

"Boss pwede magtanung. Saan pala si Lianne,? Bakit hindi kayo nag alala sa kanya?" Bigla kung tanung sa kanya.

Ngumiti siya at tinap ang balikat ko. "Wag mo na isipin. Yan ang mahalaga ang kasal mo" sagut niya.



I'm Secretly Married To My BODYGUARD CompletedWhere stories live. Discover now