Humagalpak ng tawa si biatch. "Baka napansin niyang malnourished ka biatch? Look at you, napaka payat mo. Baka akala niya naghihirap ka na."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa ganda kong 'to?!"

"Pero biatch, hindi ba parang ang creepy? Hindi kaya stalker mo siya tapos ayan na, gumagawa na siya ng moves para mapalapit sa 'yo."

I rolled my eyes. "Duh! Alam kong maganda ako, biatch pero I think hindi naman siya stalker."

Tumango tango siya. "Anyway, magkikita kami ni Duke mamaya sa Hashtag bar. Sasama ka ba?"

"Duh, biatch! Hindi ako sasama sa inyo dahil mauuna na ako dun! Gusto ko na agad makita ang bebe boy ko e."

"So pinapunta mo lang ako dito para ikwento ang tungkol sa lalaking nakilala mo sa mcdo hen you'll leave me here?"

Ngumiti ako ng malapad. "Ganun na nga biatch!"

"Ay na 'ko, Freya Cybel!"

"Whatever. Oh pano, you should contact your boyfie and tell him na mag-isa kalang dito. I'm sure he'll fly fly para makapunta agad dito."

Tumayo na ako then I waved my goodbye to Cherrypink.

"Baliw ka talaga, biatch."

"I know. Bye!"

Lumabas na ako ng cafe. Akala yata ni biatch ginanun ko lang talaga siya but that Drake Hong just asked me that favor.

He asked me na yayain ko daw sa isang cafe si Cherrypink then he'll go right away na parang accidental lang. Duh! May gusto yata talaga ang Drake na 'yon kay biatch e.

Bahala nga sila. Basta ako, I need to go to my prince charming.

Sunakay na agad ako sa kotse ko saka nilisan ang cafe na 'yon. I sent a message to Drake and told him na iniwan ko na si biatch sa cafe.

Pasalamat siya mabait ako kaya pinagbigyan ko siya sa favor niya but... yes, syempre may kapalit. Baby picture lang naman ng bebe boy ko ang kapalit na ninakaw pa ni Drake sa photo album na tinago ni Tito Ken.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko. I wonder kung anong ginagawa ni Kenshin ngayon. Hay?gawain ko na yatang tumambay sa Hashtag Bar dahil kay Kenshin.

Wala na, na-fall na talaga ako e.

Nang makarating ako sa Hashtag Bar ay bumaba agad ako ng kotse ko pero natanaw ko na si Kenshin. May kausap siyang sexy na babae sa labas ng Hashtag bar! Who the hell is that girl?

Lumapit ako sa kanila. Syempre, iyong mas sexy at mas magandang rampa! Kahit hindi ganoon kalaki ang boobs at pwet ko, pak na pak naman ako sa kagandahan.

"Hi, Kenshin!" Bati ko. Ngumiti pa ako ng pagkalapad lapad.

Tumingin ako sa babaeng kausap niya at muntik na akong masuka.

"Tito Ken?!"

"Uy, Frey. Huwag kang maingay!" Suway ni Kenshin.

Seriously? Si Tito Ken nakapang sexy dress at hindi ko akalaing ganito siya ka-sexy, my gosh! Ang kinis ng legs at ang laki ng pwet!

"Naku ikaw na naman, Frey. Palagi kang narito sa bar namin. Nanganganib na talaga ang sperm ko."

What the hell!?

"Ang bad mo talaga, Daddy Ken."

"Huwag mo akong tawaging daddy sahil wala akong anak na mapanganib." Sabi niya sa akin. "Sperm, kailangan ko na talagang i-contact ang #ProtectSpermSquad2K18."

Tumawa lang si Kenshin. "Pero Dad, magpalit ka kaya muna ng damit? Para kang babae talaga e."

Ngumiti si Tito Ken. "Ako naman talaga ay natutuwa na ganito ako ka-perpekto. Akalain mo ngang kahit lalaki ako, napakagwapo ko at kapag nagbihis babae naman ako at nag-wig, napakaganda ko. Ako na talaga ang pinagpala ng lahat. Walang kinikilingan!"

TWO FACEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora