..-..

Nagising ako ng maramdam ko ang haplos saking mukha. Iminulat ko at nakita ko si David na nasa tabi ko at hinahaplos ang mukha ko.

"You're awake." Sabi nito at hinalikan ako saking noo. Napatingin ako sa puting kisame.

"David asan tayo?" Sabi ko.

"Nasa hospital tayo mahal ko." Sabi niya sakin.

"Ha? Bakit anong nangyare? Si Talia? David si Talia ang anak natin nasan?"

"Shhh." Pagpapatahimik niya sakin at itinuro ang direksyon kung nasan ang anak ko. Kasama siya dito sa silid. Nasa stroller si Talia ang mahimbing na natutulog. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa pag aakalang may nangyareng masama saking anak.

Sinikap kong tumayo upang makaupo ng manghina ang dalawang kamay ko na siyang ikinabagsak ko muli sa higaan.

"Natalie don't push yourself." Sabi sakin ni David na may pag aalala sa mga mata.

"David sabihin mo nga sakin ano ang nangyayare? Hindi ako tanga David. Alam ko may mga pagbabago sa katawan ko." Sabi nito. Magsasalita na sana siya ng may kumatok at iniluwa nito ang isang nurse.

"Good evening Mr Lionhart i che-check ko lang po si Ms. Natalie." Sabi nito. Napatigil naman ako at umayos ng higa sa kama. Tahimik lamang kami ni David habang abala ang nurse sa pag che-check sakin. Nang matapos na ito'y nagpakawala ako ng malakas na pag hinga.

"Nagugutom na ako." Sabi ko nalang dahil sa pagkalam ng sikmura ko.

"Nagpabili na ako ng makakain." Sabi ni David.

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Kailangan ko ng dugo." Sabi ko.

"Hindi mo kailangan." Madiing sabi sakin ng asawa ko.

"Ano bang problema mo?" Iritang sabi mo sakanya.

"Wala." Walang emosiyong sabi nito.

"Kung wala bigyan mo ako ng dugo!" Inis na sabi ko.

"Fuck Natalie! You're not listening!" Napatigil ako sa pagsigaw niya sakin. Napatulala lang ako sakanya dahil sa labis na pagkagulat.

Tumayo ito at pinagsususuntok ang puting pader hanggang sa ito'y mag crack.

Balisa siya. Nagdudugo na ang kanang kamay nito at napahilamos sa mukha. Alam ko, hindi ako tanga para hindi malaman. May malaking problema si David.

"Ahhhhhhhh!" Gigil at iritang sigaw nito na siyang kinaiyak ni Talia dahil nagising ito. Kaagad naman niyang pinuntahan ang anak namin at kinarga para patahanin. Napatingin na lamang ako sa baba. Dahil sa matinding depresiyon ay nawala ang gutom ko.

"Shhh my little angel stop crying. I love you, you know that right?" Kausap niya sa Talia. Ang sanggol naming anak. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Ano bang nangyayare kay David? Sakin? Samin? Anong problema nanaman ba ito?

Nang makatulog na si Talia ay ibinalik na ni David ito sa stroller. Nakayakap lang ako saking unan at nakatalikod kay David. Mas pinili ko na lamang na manahimik dahil baka mag away lang kame.

"Wag mo akong hawakan." Pikit matang sabi ko ng maramdaman ang kamay niya na nasa balikat ko. Nadinig ko ang pag hinga nito ng malalim.

"I'm sorry." Paghingi niya ng tawad sakin. Nilingon ko ito na may pagtataka saking mga mata.

"Ano ba kasi David? Sabihin mo naman kung anong problema?"

"Natalie." Banggit lamang niya sa pangalan ko.

"Ano? Sabihin mo." Pag aalala ko.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Pagkatapos ay nakapikit ito habang yakap ang kamay ko sakanyang pisnge.

"Wala. Walang problema." Nakangiting sabi niya sakin tsaka ako hinalikan sa noo.

Alam ko. Alam kong may mali dahil pakiramdam ko'y isa na akong mortal.

...

Lumabas din kami kinaumagahan sa hospital.

Sa mansion ay sinalubong kami ni Madam at binuhat ang anak kong si Talia.

"Ako na munang bahala sa bata." Masayang sabi nito. Napangiti naman ako rito.

Hinintay kong makapasok sa loob si David na abala sa kung anong ginagawa niya sa labas. Sinikap kong sumilip sa pinto at naabutan ko siyang nakasimangot at nakasandal sa kanyang kotse habang nakikipag talo sa kabilang linya.

"David sinong kausap mo?"

"I'll call you later." Sabi niya sa kausap at pinatay na ang tawag.

"It's nothing." Malamig na sabi nito sakin. Hindi ko bigla maintindihan ang takbo ng isipan niya.

Dahil nagising nalang ako na malamig na ang pakikitungo sakin ni David.



Itutuloy..

The Shade Of A CurseМесто, где живут истории. Откройте их для себя