CHAPTER 13 ♥

488 13 0
                                    

CHAPTER 13

JASMINE'S POV

Monday nanaman. Ang araw na pinaka-hate ng mga students.

Sana hindi ko makita si Kazer Andrei ngayong araw para hindi ako mabadtrip!

Actually, wala kaming pasok ngayon. Pumasok lang ako kasi may mga announcement tungkol doon sa camping namin.

Habang naglalakad ako sa corridor biglang may sumabay akin. Napatingin ako.

"Tokwa." Sabi niya sa akin.

Halos mapamura ako nang makitang si Kazer Andrei iyon.

Hindi ko siya tinignan. Binilisan ko lang ang paglakad ko.

Leche ang aga aga! Kakasabi ko lang na sana hindi ko siya dapat makita ngayong araw!

Ano ba talagang meron sa akin bakit niya ako pinag iinteresan?

"Sasama ka sa akin mamaya." Aniya at hinayaan lang akong lumayo.

Ewan ko sa kanya!

Sa pagmamadali ko, may nabunggo akong babae. Nahulog ang file case niya at mga libro sa sahig.

"Sorry!" Sabi ko. Umupo ako para samahan siyang mag pulot.

"O-ok lang." Sabi niya.

"Sorry talaga. Hindi ko sinasadya." Sabi ko pa.

Inabot ko sa kanya ang libro niya.

Mukha siyang nerd. Naka-braid ang buhok niyang kulot, meron siyang salamin at braces sa ngipin. Over sized pa ang uniform. You know, the usual nerd look.

Grade concious ako pero di ko hahayaan na maging ganyan ang itsura ko.

"Ayan kasi. Tsk." Sabi ni Kazer na nasa tabi.

Tumayo ako at inirapan ko siya.

"Salamat." Sabi ni Nerd.

Oo tatawagin ko na siyang nerd kasi mukha naman talaga.

"Andrei.. Ah.. ito.. may ibibigay ako sa iyo."

Nagulat ako dahil bigla niyang hinarap si Kazer at inabutan niya ito ng isang papel na nakatupi. Love letter I guess.

Tinignan lang iyon ng walangyang si Kazer. Hindi niya tinanggap.

"I don't need that." sabi niya tapos umalis na siya.

Kumunot ang noo ko dahil sa kanya. Wala talaga siyang modo! Hindi man lang niya inisip 'yung mararamdaman netong si Nerd kapag nareject! Sana tinanggap niya na lang! Nakakahigh blood! Napahiya tuloy itong tao.

"Hay nako. Ang bastos talaga nung Kazer na 'yon kahit kailan. Haist."

Hindi makaimik si Nerd. Nakatayo lang siya. Syempre kung ako ang nareject masasaktan ako.

"Uhm.. kung gusto mo ako na ang magbibigay sa kanya niyan. Kung gusto mo lang naman." alok ko sa kanya. Ang bait ko talaga.

"Ah hindi na. Ayos na." Ngumiti pa siya.

"Ok.. pero sayang naman yang letter."

"Hindi niya kailangan eh."

Tumango na lang ako.

"By the way, I'm Jasmine." Pakilala ko.

"Kaye." Tipid niyang sagot.

"Sige pasok na ako." Nagpaalam na ako sa kanya.

Never Fall Inlove With A Bad BoyWhere stories live. Discover now