CHAPTER 38 ♥

314 7 0
                                    

Chapter 38

Jasmine's POV

Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Kazer. Naiwan pa ang mga damit ko sa apartment niya. Kukunin ko na lang mamaya kapag natawagan ko si ate. Sasama ako kung nasaan man siya.

Kasama ko si Nikki ngayon. Hinihintay namin na i-announce ang mga top. Ipapaskil yon mamaya sa guidance office.

Wala namang pinapagawa sa amin ang mga teacher kasi sembreak na nextweek. Nagsasabi lang sila ng mga assignments, projects at kung anu-ano pang kapuchuhan. Marami tuloy akong gagawin sa sembreak! Ugh.

"Ilibre mo ako kapag ikaw ulit ang top 1 ha!" Ani Nikki. Nandito lang kami sa classroom. Nakatunganga.

"Si Kazer ang manlilibre." Ngumiti ako sa kanya.

"Kasi kuripot ka kaya yang boylet mo ang sasalo. Tsk. Pero ok lang. rich naman yon kaya masarap ang ililibre niya." Aniya.

"Joke lang. Ayokong siyang gawing wallet kaya wag makapal ang sikmura, Nikki."

Sinabi nga ni Kazer na ililibre niya ako pero ayoko nga.

"Pakipot ka lang."

I rolled my eyes at her. Magkaiba ang pakipot sa hindi makapal ang mukha.

"Nakatira ako sa apartment niya ngayon." Sabi ko.

Nanlaki ang mata ni Nikki at napanganga. OA lang.

"Wehhh?? Nagtanan na kayo??" Halos umirit siya nung sinasabi yan.

"Shhhh! Di ah! Pinalayas kasi ako
ni lola sa bahay kahapon. Doon ako tumutuloy sa apartment ni Kazer kasi siya ang napuntahan ko kagabi. Pero aalis din ako mamaya kapag nakausap ko na si ate." Pag eexplain ko.

"Bakit ka naman pinalayas? Ba't di mo ko tinawagan?"

"Bakit papatuluyin mo ba ako sa inyo? Nakakahiya sa mama mo."

Nakakahiya. Ano na lang ang sasabihin ng mama ni Nikki diba? Tsaka ayokong maging problema pa nila.

"Bakit ka nga pinalayas? Grabe lang?"

"Eh kasi si ate, buntis. Naabutan ko lang na pinapalayas siya sa bahay kasama yung boyfriend niya. Galit na galit si lola kaya pati ako pinalayas. Gustong gusto ko na rin na lumayas kaya umalis na ako. Pero problema ko ngayon kasi di ko ma-contact si ate."

"Buntis?! Tita ka na kung ganon. Pero nandiyan naman si Kazer mo kaya walang problema. Kahit doon ka na tumira sa kanya." Ngumisi siya ng nakakaloko.

"Ang kapal kasi ng mukha ko 'no. Tss."

"Ano ang plano mo?"

"Tatawagan ko si ate at susundan. Tutal sembreak naman. May pera 'yon. Ako wala. Hindi ako mabubuhay kapag wala akong kasama."

"Ang hirap nga niyan. Pero kapag di mo pa matawagan ang ate mo pwedeng pwede ka naman sa bahay. Wala naman madalas yung ate ko. Bestfriend naman kita kaya ok lang."

"Thanks, Nikki. Di ko talaga alam ang gagawin ko ngayon. Madami akong problema at iniisip."

Ayoko na. Si Kazer at Nikki lang ngayon ang nakakatulong sa akin. Parang mababaliw na ako sa nangyayari sa buhay ko.

"Gaya ng? Sabihin mo sa akin baka mabawasan. Kailangan ko bang maglabas ng tissue?" Umamba si Nikki na kukuha ng tissue sa bag.

"Tange. Nung nakaraang gabi pa ako umiiyak kaya pagod na ako." Sabi ko naman.

"Dali kwento na."

"Engagement party na nila Kazer sa susunod na linggo. Ayaw ako ng mama niya para sa anak niya. Sinasabihan akong gold digger. Pinapaalis din ako sa buhay ni Kazer. Si ate nabuntis. Si lola nagsusugal at pinapalayas nga kami. Ayaw pa akong payagan sa band. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Nikki."

Never Fall Inlove With A Bad BoyWhere stories live. Discover now