CHAPTER 3 ♥

626 17 0
                                    

CHAPTER 3

Jasmine's POV!!

Gumising ako ng maaga tapos pumasok na sa school. Mamayang uwian dadalaw ako sa hospital para kamustahin si Kazer.

Sandali lang ako doon, baka bugahan nanaman ako ni Lola ng apoy. Mahirap na.

Ang ganda ng sikat ng araw. Nakakaganda ng mood.

Habang naglalakad ako sa corridor, naririnig ko 'yung mga usapan nila tungkol sa nangyari kahapon na gang war.

Natatakot na raw silang umuwing mag isa. Ganyan ganyan. Kung hindi pa nangyari 'yung kahapon hindi pa sila matatakot? The heck.

Nakita ko 'yung bestfriend kong si Nikki na tumatakbo patungo sa akin.

"Jas! Omg! Okay ka lang!? Shet! Kanina ko lang nalaman 'yung nangyari sa'yo kahapon!" Sabi niya sabay yugyog ng balikat ko. Hinihingal pa.

"I'm okay.. 'yung nagligtas sa akin ang hindi okay.." sabi ko naman.

"Natigok ba? Nasaksak di ba? Ano ba kasing nangyari?"

Kinwento ko sa kanya ang nangyari habang naglalakad kami papuntang classroom. Tinanong pa niya kung gwapo ba 'yung nagligtas sa akin. Grabe ang landi.

Saktong pagkaupo namin sa upuan dumating na 'yung teacher.

'Yung nangyari pa din ang usap usapan sa bawat subject. Pinapaalalahanan ang lahat na mag ingat. Lalo na ang mga babae. Tapos lahat ng fraternity dito sa school ay inaalam na nila. Naging famous pa ako kasi ako ang biktima.

Mag iingat na talaga ako para di na maulit.

Sabay kaming nag lunch ni Nikki sa cafeteria. Sa public school kami nag aaral kaya asahan na ang mga fraternity at mga gang gang na 'yan. Asahan na din ang maduming facilities.

Tulad netong inupuan naming bakanteng lamesa. May natapong sopas. Di man lang malinis. No choice, eh. Walang ma-upuan. Kesa naman sa karenderya kami kumain diyan sa labas. Ayoko nga. Mas madumi.

Inantay namin 'yung taga linis ng lamesa bago kami bumili ng budget meal.

"Anong naman ang pangalan nung super man mo?" Natatawang tanong ni Nikki.

"Super man ka diyan! Kazer ang pangalan niya..uh.. Morales?"

Nabilaukan siya sa kinakain niya.

"Kazer? Kazer Andrei Morales? 'Yung kabilang section?"

"Oo?"

Siya nga siguro. Dito siya nag aaral eh.

"Siya 'yon. Ang gwapo niya di ba? Kaso masungit ang itsura. Madalang 'yon na pumasok, eh." Ani Nikki.

Tumaas ang kilay ko. "Paano mo alam?" Stalker talaga 'tong gagang 'to. Basta gwapo, memorize niya ang information.

"Ah eh.. classmate ko siya nung elementary. Tsaka nakikita ko siya ngayon.. malamang."

"Okay.." nag umpisa na akong kumain.

"'Tsaka mayaman 'yon. Ewan ko nga kung bakit dito siya nag aaral. Meron silang MGA kompanya. Di lang halata na rich kid siya."

"Kahapon ko lang siya nakita."

Kaya pala ganon kaganda ang ate niya tsaka mayroon siyang itsura. I mean gwapo siya. Para siyang anime na naging tao.

Bakit nga ba dito siya nag aaral? hmm.. I'm curious.. but nevermind. Siguro naghahanap lang siya ng gulo or experience ganon.

"Kung gusto mo, Nikki, samahan mo akong dalawin siya sa hospital mamaya." Sabi ko kay Nikki pagkatapos naming kumain.

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon