CHAPTER 4 ♥

566 21 5
                                    

CHAPTER 4

Jasmine's POV!!

Tatlong araw na ang lumipas simula nung dumalaw kami. Wala na akong balita kay Kazer. Di ko din naman nakikita 'yung mga kabarkada niya kaya di ko siya natatanong.

Busy ako ngayon sa school. Malapit na kasi ang second periodic exam kaya todo compile kami sa mga activities na ipapasa.

Meron din akong tinatapos na research paper sa Science. Napuyat pa ang beauty ko kagabi kasi ngayon na ang huling pasahan.

'Di ako pwedeng mawala sa top 1 kasi isusumbat sa akin 'yon ni Lola. Baka sabihin niya nanaman.. "buti pa ang ate mo ganito, buti pa ang ate mo ganyan, buti pa siya ganito, ganyan blah..blah.." I want to prove something. I want her to be proud of me. Para naman may magawa akong TAMA.

Iiyak ako kapag bumaba ako.

Hindi ko na mapunasan ang pawis ko dahil sa ginagawa. Peste talaga. Pati ipit sa buhok ko di na maayos.

"Hoy easy ka lang, Jas. Competitive ka talaga masyado." Napansin ni Nikki na di na ako mapakali sa ginagawa ko.

"Hindi 'no! Masipag lang talaga ako." Sagot ko naman.

"Sigurado akong ikaw ang top 1. Walang makakatalo sa'yo. Pero, namumutla ka. Ayos ka lang?" Tanong niya.

"Oo naman. Haggard lang ako."

Ang totoo niyan, nagugutom ako. Hindi ako nag breakfast. Late na kasi akong gumising kanina. Syempre puyat ako sa research paper kaya wala ng time.

Tumigil muna ako at nag punas ng pawis. Bibili muna ako ng pagkain sa canteen. Tumayo ako..

Woah woah.. parang napunta ako sa galaxy. Natigil ang mundo ko saglit pero di ko pinahalata. Anemic ba ako or something?

Binalewala ko na lang 'yon. Bumili ako ng milkis tsaka biscuit. Di dapat ako magutom. Tsaka may volleyball pa kami mamaya sa P.E class.

Kinain ko muna 'yon bago ako bumalik sa room. Bigla namang sumakit ang puson ko. Oh god.. due date ko ba ngayon? Sana hindi pa.

Nakalimutan ko na kung kailan ako huling nadatnan..

Nahinto ako sa paglalakad dahil sinalubong ako ng kakilala ko. Si Tyler. President ng Math Club.

"Jasmine, may meeting lahat ng president ng mga club ngayon. Sunod ka na hah." Aniya tapos umalis na.

What the shit. Bakit nagsabay sabay pa ang mga gawain? I'm not feeling well.

Bumalik sa sa room at tinago ang gamit. Nag excuse din ako kay Ma'am.

So nag meeting nga kami. Tungkol sa mga activities na gaganapin ang sinabi sa amin. Tsaka kung paano mapupuksa ang fraternity dito sa school. May mga project din kami na gagawin.

Next week, pupunta kami sa Laguna para sa Camping. Tsaka next month may school fair na magaganap. Excited na ako.

Nung natapos na ang meeting agad akong lumabas kasi feeling ko hinahati na ang baywang ko dahil sa sakit. Tumitindig din ang balahibo ko tuwing gumagalaw. Shete ang malas ko naman. Umuwi na lang kaya ako?

Hindi naman ako tinatawag ng kalikasan pero bakit ang sakit ng tiyan ko?

Ang sakit talaga!

Umupo muna ako sa isang bench para pigilan ang sakit. Pinagpapawisan na din ako ng malamig. Nabitawan ko na 'yung hawak kong panyo.

Tumayo ako. Everything went black again.. nanghina ako kaya sumalampak na ako sa damo. Para akong tanga. Sakit din ng ulo ko. Nahimatay na ba ako?

Naramdaman kong umangat ako. May bumuhat sa akin!

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon