CHAPTER 29 ♥

299 14 0
                                    

This is my favorite chapter *.*- s

CHAPTER 29

JASMINE'S POV

Dinala ako ni Kazer sa parking lot ng school. Madilim pa. Wala akong idea kung saan kami pupunta.

"Umuwi na lang kaya tayo no?" Sabi ko.

"Ayoko. Ihahatid na lang kita mamaya."

Hindi na ako nagsalita. Bahala nga siya. Basta di ako lalampas ng alas otso ng gabi. Baka palayasin na ako sa bahay.

Binuksan niya ang pintuan ng isang kotseng itim. Nagkotse siya papunta rito?! So ibig sabihin umuwi siya sa mansion nila?

"Pasok." Aniya.

"Mag commute na lang tayo. Baka mabunggo pa."

"Hindi pwedeng mag commute. Tsaka malapit lang naman yon dito."

"Eh di lakarin na lang natin. Mas safe!"

Kasi baka mabunggo kami sa kalsada. Mahirap na.

"Wala ka talagang tiwala sa akin. Pasok ka na sa loob. Utos ko, sundin mo."

Ayan na naman siya! inirapan ko na lang tsaka ako umupo sa front seat. Di na nga ako makikipag talo. Pagdating ng panahon ako rin ang mag uutos sa kanya.

Ang bango dito sa kotse niya. Amoy lemon. Ang lamig pa.

Umupo na siya sa driver's seat. Mukha siyang prinsepe sa suot niyang tuxedo na itim. Plus, yung buhok pa niyang kulay blonde at piercings sa tenga. Wow. Never pa akong pumuri ng lalaki na ganito.

Lumunok ako para mawala ang iniisip.

Di pala ako nakapag paalam kay Nikki. Baka hanapin ako nun. Pero mukha naman na nag eenjoy siya kasama si Angelo kaya di na niya ako mapapansin. Sasabihin ko na lang sa kanya na tinangay ako ni Kazer.

Hininto ni Kazer ang kotse sa drive thru ng mcdo.

"Baka gutumin ka." Aniya. Tapos nag order siya sa babae na nandoon. Burger, bff fries, mcflurry, spaghetti at kung anu-ano pa na pwedeng kainin. Mahilig talaga siya sa fastfood.

Nilagay niya ang mga inorder sa hita ko. Saan ba kasi kami pupunta? Parang malayo naman?

"Sumayaw ka ba kanina?" He asked between silence.

"Yeah. Pero first dance.. hindi."

"Good."

"Well, muntik na akong isayaw ni Denver kaso nag iba ang music." Buti na lang. Kaya wala pa rin akong first dance.

"Nag iba kasi pinapalitan ko ng kanta. Kanina pa ako nandoon hindi mo lang alam."

"What? Wala ka kaya. Tsaka paano mo pinapalitan ang music? Binabantayan mo ba ako?!"

He smirked. "Madami akong kaibigan, Jasmine. Oo binabantayan nga kita kanina. Masama?"

Sheeett! Tapos hanap na ako nang hanap sa kanya eh nandoon na pala siya.

"Bakit di mo ako nilapitan?!"

"Gusto kong malaman kung..."

"Kung?"

Nag pout siya tsaka ngumiti. Ang gwapo niya talaga. Mygad.

"Namimiss mo ko."

Oo namiss kita. Idiot! Idiotic! Kahit almost one day tayong di nagkita namiss kitang bwisit ka! Uggh! Ano ba to?!

"So nagpapamiss ka? Pwes di kita namiss. Kahapon mo pa ako iniinis. Di tayo nakapag celebrate sa pagkapanalo ng banda."

Nakibi't balikat siya.

Never Fall Inlove With A Bad BoyWhere stories live. Discover now