CHAPTER 31 ♥

255 10 0
                                    

CHAPTER 31

JASMINE'S POV

"S-sige po. Pasok po kayo." nahihiya kong sabi sa mama ni Kazer.

Buti na lang talaga wala dito si Lola! Kundi patay na talaga ako kapag naabutan niya itong mama ni Kazer! Pero parang mamamatay din ako ngayon dahil sa kaba!

Pumasok nga kami sa loob. Pinaupo ko ang mama ni Kazer sa sofa namin. Nilagay ko pa yung mga kalat kong magazine sa silong ng center table.

"Ano pong gusto niyo? Ah, water, juice, soft drinks.. coffee?" Myghad nakakakaba talaga.

"I'm fine with water. Di ako magtatagal." Aniya sabay tanggal ng sunglasses niya tsaka nilagay sa Dior bag.

"Ok po.."

Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng tubig. Nagkaroon din ako ng time para huminga at ayusin ang sarili. Ok calm Jasmine..

Nilapag ko na ang tubig sa center table tapos umupo ako sa kabilang sofa malapit sa kanya. Tuwid lang ang pag upo niya at di man lang sumadal sa sofa.

Nakakahiya itong bahay namin. Pero de bale na nga. Wala akong pake. Magkaiba talaga kami ng estado sa buhay ni Kazer.

"Narinig ko na nanalo kayo sa battle of the bands sa school niyo?" Tanong niya para makapag umpisa na sa kung anong pakay niya sa akin.

"Opo." Sagot ko.

"At kinuha kayo ng isang talent agency? I am right?" tumango ako. Tumikhim naman siya.

"Kasama ka sa band na binuo ng anak ko. Alam ko. Nalaman ko na top notcher ka sa eskwelahan ninyo at niligtas ka ng anak ko. Ikaw din ang babaeng pinagkakaabalahan niya ngayon. Ikaw din ang pinaka unang babaeng dinala niya sa bahay so I'm sure he has a thing for you."

Tumitig lang ako sa kanya. Nag iisip na ng mga sasabihin mamaya. Pero medyo kinabahan ako doon sa huling sentence na sinabi niya.

"Gusto mo ba talaga ang anak ko?" Tanong niya na parang kulog. Na dapat sagutin ko agad.

"Suportado ko po ang anak niyo sa gusto niyang gawin. Dahil doon po siya masaya-"

"So you like him? I don't need your explanations about his happiness or what just answer my question."

Frackkkk!

"Yes I like him po." Sabi ko. At yang like na yan ay lumalalim na.

"Kung ganon, umalis ka sa banda niyo. Kung gusto mo siya mas pipiliin mo ang mabuti sa kanya. He was born to inherit the business of our family. Yang pagbabandang yan ay walang patutunguhan. Lulubog lang siya sa bandang huli. Pati ikaw."

Kung gusto ko siya pipigilan ko siya. Now they're using my feelings against his dream.

"Pero doon po siya masaya."

"No. Mas sasaya siya pagdating ng panahon. Mas magiging successful. Ayaw mo ba yon sa kanya?"

"Ba't di niyo po hayaan ang anak niyo na magdesisyon? Kasi ako, sinusoportahan ko lang siya sa gusto niya. Wala na pong iba. Hindi ko po siya hawak."

"I you really support him, then leave that stupid band. Kasi kapag ginawa mo yon hindi na tutuloy ang anak ko. How old are you again? 14? 15? 16? Masyado pa kayong bata. Iwan mo ang banda at pati na rin ang anak ko."

My jaw almost drop. Hindi na yata ako makakapag salita. Para itong isang thesis na dapat kong i-defense.

"Bata pa nga po kami at marami pang mangyayari. Bata po kami kaya kailangan naming sumaya bago tumanda. Sa ngayon, dito po kami masaya. Masaya ako kapag nakikita ko ang anak niyo na masaya kaya sinusoportahan ko siya. Hindi po ba kayo masaya doon? Masaya siya sa gusto niya. Kung pinipilit niyo siya sa ayaw niya, di siya magiging successful. At wala po sa akin ang desisyon. Nasa inyo at sa anak niyo."

Never Fall Inlove With A Bad BoyWhere stories live. Discover now