CHAPTER 7 ♥

469 15 0
                                    

CHAPTER 7

Jasmine's POV!!

Namangha ako sa exterior design ng bahay nila. 'Yung mga furnitures halatang mamahalin. Sala pa lang nila bahay na ata namin.

Hindi ko kayang isa isahin ang detalye ng bahay nila.

Panay naman ang tingin sa akin ng MGA katulong. Yes, marami silang katulong. Naka-uniform pa ng kulay pink! Shet lang!

Yaman talaga ng unggoy na 'to.

"Umupo ka diyan." Turo niya sa sofa'ng puti tsaka ako tinalikuran. Hindi ko alam kung saan siya dumeretso dahil..

"Jasmine!!" Tawag sa akin ni Ate Kazel habang bumababa sa engrande nilang hagdan. Halos matalisod pa siya dahil sa pagmamadali.

Ngumisi na lang ako.

Ang ganda talaga ni Ate. Nakasuot lang siya ng simpleng t-shirt at short. Nakakatomboy. Maganda rin naman si ate Jeslynne. Suki sa mga pageant.

Eh ako? Wala pa atang nagsasabi na maganda ako. Never pa akong sinabihan ni Lola na maganda.

"How are you?" Tanong sa akin ni Ate pagkalapit.

"Okay lang po.." sagot ko naman.

"Oh.. biglaan ang pagpunta mo dito. Nakakagulat! Hindi kasi nagdadala ng bisita si Kazer, ngayon lang. Anyway, tara sa kusina. May hinanda akong lasagna."

"Ayos na po ako dito... nakakahiya."
Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko dito. Nakakahiya naman kung makikikain ako.

"Ay 'wag ka nang mahiya! Para sa iyo 'yung hinanda ko!" Hinila niya ako papunta sa kusina. Nagpatianod na lang ako.

Parang close kami kaagad ni Ate Kazel. Siguro friendly siya kaya ganyan. Halata naman. Pananalita pa lang niya halatang maingay na.

Pinaupo niya ako sa counter ng kusina. Inayos ko naman ang pag upo ko.

"Kumain ka muna bago kita ayusan." Aniya habang sinusuyod ang ref.

Aayusan??

"P-po?"

"Aayusan kita mamaya kasi inutos ng magaling kong kapatid. Problemado siya, kagabi pa."

Anong problema niya bakit niya ako dinadamay?

"Ano po bang meron?" Tanong ko. Anong okasyon? Anong meron?? Wala talaga akong clue.

"Eh kasi, umuwi sila Mommy kagabi. Isasama nila si Kazer sa ibang bansa kapag ayaw niya talagang lumipat ng school. Syempre magmamatigas nanaman 'yon.."

Binuksan niya 'yung container na may lasagna. "Tsaka itutuloy na nila 'yung engagement nung nerereto sa kanya."

"Arrange marriage po ganon?"

Sabi ko na nga ba eh! Akala ko sa libro lang may ganon. Mayroon din pala sa reality. So cliche. Tsaka ang bata pa nila, ah? Siguro fiance lang ganon.

"Yep. Ganon nga. Nangako kasi ang pamilya nung babae na hahatian kami sa business nila kapag kinasal sila ni Kazer. Eh 'yung kapatid ko naman walang ibang inisip kundi 'yung pangarap niyang walang kwenta." Humalakhak si Ate.

May pangarap pala si Kazer? Hindi halata ah. Sa itsura niya kasi wala.

"Ano po ba ang pangarap niya?" Tanong ko.

"Maging sikat na vocalist sa isang banda. Pinagpalit niya ang karangyaan para lang doon sa pangarap niya. Nagrerebelde siya dahil ayaw nila Daddy sa gusto niya. Gusto ni Daddy na maging business man siya.. kaya ayun bumili sya ng apartment at doon tumira kasama ang barkada niya."

Never Fall Inlove With A Bad BoyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora