CHAPTER 5 ♥

552 16 4
                                    

CHAPTER 5

Jasmine's POV!!

Nanlaki ang mata ko at napasigaw ng.. "WHAT?!"

Seryoso? Nabingi ata ako sa sinabi niya? Anong girlfriend?

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.

"Girlfriend? What the heck?! Ayoko. Ayoko nga. Gusto ko pang mabuhay." Hahabulin ako ni Lola ng pamalo sa pwet. "Di ako pwede diyan sa sinisingil mo.." umiling iling ako.

May parte sa akin na umaayaw may parte na din na nagsasabi na sige go. Kaso di pwede. Study first nga di ba.

Ito 'yung mga nababasa ko sa wattpad eh. Yung kailangan ng pretend girlfriend.. yung may rule rule pa na bawal mainlove tapos maiinlove yung girl doon sa boy na paasa tapos magseselosan tapos boom sila na ang magkakatuluyan. Cliche masyado. Ayokong ma-engage dito.

(a/n: wala akong pinapatamaan na story ah. Kung may na-offend man ako.. wahh sorry)

"Isang linggo lang, Jasmine Santos. Magiging tutor kita tapos papalayasin mo si Eunice sa buhay ko. Tapos! Bayad ka na sa utang mo." Wow alam niya ang apelyido ko.

"Eh.. hindi nga pwede. Papagalitan ako ni Lola kapag nag boyfriend ako."

"I don't care. May utang ka kaya mag bayad ka."

"Wala na bang iba? Pwede naman akong maging tutor mo kahit hindi tayo.."

"Gusto ko tayo para mawala si Eunice."

Masyadong cheap ang idea niya. Sana humila na lang siya ng pokpok diyan sa kanto para gamitin.

"Tutor pwede pa. Pero kapag girlfriend.. ibang usapan na 'yan."

Gwapo ka nga pero di kita kilala. Ligawan mo muna ako oy! Breezy ka masyado.

"Basta tayo na. Hindi fake. Hindi pretend. Totoo.." sabi niya tapos umalis na. Bastusan lang. Hindi pa mga kami tapos na nagusap eh.

Natulala na lang ako. Hindi kami. Hindi ganon. Hindi dapat. Umiling iling na lang ako.

"Uyy!! Kazer Andrei pa more!" Pang-aasar ng bestfriend ko. Kakarating niya lang. Nakita niya atang kausap ko si Kazer kanina.

"Psh.."

"Anong sabi niya? Share mo naman!"

Umirap ako. "Wala!"

"Wala daw. Meron yan! Meron!"

"Wala nga sabi e."

Hindi niya ako tinigilan kaya sinabi ko na sa kanya. Napaka chismosa niya talaga kahit kailan! Aalamin niya talaga lahat ng information!

"Kinikilig ekeh..So ano? Pumayag ka naman?" Kumikinang ang mata niya.

"Hindi." Nawala ang mga twinkle sa kanyang mata. Nahaluan ng dissapointment.

"Bakit hindi?! Kazer Andrei na 'yon teh! Pakipot ka pa! Kung ako sa iyo sinagot ko na agad! Walang paliguy ligoy!"

"Sige ikaw na lang. Ikaw na lang ang gagawin niyang tutor at alalay. Gusto mo?"

Sigurado akong gagawin niya akong alalay. Girlfriend daw sus.

"Hm.. ayos lang."

"Kaso hindi talaga pwede kasi may girlfriend na siya."

"Ikaw di ba?"

"Ofcourse not. Gagawin niya nga akong girlfriend niya para paalisin daw sa buhay niya 'yung isa niyang girlfriend. How cheap."

"Awh.. okay. Go lang. Keri mo 'yan. Minsan ka lang biyayaan ng ganon kagwapong lalaki. Boyfriend goalszx kaya siya."

"Eh kahit na. Magagalit pa din si Lola."

Never Fall Inlove With A Bad BoyWhere stories live. Discover now