CHAPTER 18 ♥

336 12 0
                                    

CHAPTER 18

Jasmine's POV

Agad kong sinuot ang tshirt at lumabas. Namumula ata ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Makita ka ba naman ng lalaki na nagbibihis ano kaya ang mararamdaman mo??

"Uso kumatok!!" Bulyaw ko kay Kazer pagkalabas.

"Malay ko ba?" Matawa tawa niyang sabi.

Napa-facepalm na lang ako. Nakita niya ang bra ko. Ang katawan ko. Shet.

Sinamaan ko siya ng tingin. Inis na inis talaga ako. Gusto ko siyang bigwasan. Ngumingisi pa ang loko.

"Wala akong nakita. Nakapikit ako kanina. 'Wag kang mag alala." Paliwanag niya tsaka siya pumasok sa room.

"Liar!!" gosh mababaliw na ata ako.

Bumaba na lang ako. Kakalimutan ko na lang 'yon. Kunyari walang nangyari. Kunyari hindi niya ako nakita. Hindi ko dapat gawing bigdeal 'yon.

Sinabayan ko na lang sila Nikki sa pagkain ng lunch. Hindi pa naman ako masyadong gutom kaya kaonti lang ang kinain ko.

Hindi ko matignan ng maayos si Kazer nung dumating siya. Gusto ko siyang sakalin. Well, alam ko naman na hindi niya naman sinasadya 'yon. Kasalanan ko kasi di ko nilock ang pinto.

Nagtakbuhan ang mga kaklase ko sa dagat pagkatapos ng lunch. Pinayagan kasi sila ng adviser na sumakay sa mga bangka. 20 pesos ang bayad sa isang tao tapos ililibot sa dagat.

"Tara, Jassy! Gusto ko! Gusto ko!" Excited na sabi ni Nikki habang hinihila ako.

"Ang init kaya. Masusunog balat ko. Tsaka baka tumaob ang bangka o magkaroon ng whirpool. Mahirap na." sabi ko naman. Tirik na tirik ang araw. Mas gusto ko na lang na manatili sa rest house.

"Arte neto! Hindi naman masyadong mainit! Nandoon na sila Angelo oh! Halika naaaa.." hinihila niya ako.

Nandoon na nga sila Angelo. Kasama niya sila Kazer. Ukupado na nila ang isang bangka. Game na game sila, huh?

"Fine!" Umirap ako at sumunod na lang.

Sumakay kami sa bangka at nagsuot ng life jacket. Napuno naman agad ang bangka. May mga kasama kaming hindi kilala.

"First time kong sumakay sa bangka!" Ani Nikki. Hindi ito ang first time ko. Nakasakay ako sa bangka noong may outing kami ng mga kamag anak ko.

Tanaw na tanaw ko ang bangka nila Kazer. Malapit lang sila sa amin. Nagtatawanan sila dahil yung dalawa nilang kasama ay nasa harap at nagpapanggap na Jack and Rose sa titanic. Halos tumaob ang bangka nila.

Nakita ko rin si Kaye. Nasa harap siya ni Kazer. Tumingin na lang ako sa dagat at napa-"tss.." ewan ko ba?

So seryoso talaga na doon na siya kay Kaye? Eh di sila na 'no! Wala akong pake.

"Jassy picture tayo." Alok ni Nikki nung huminto ang bangka sa malalim na parte.

Inilapit niya ang pisngi niya sa pisngi ko. Wala akong ganang ngumiti sa camera.

"Smile ka naman!" Umirap siya. "Isa pa."

Ngumiti ako. Required ba talaga sa picture ang ngumiti? Hindi naman.

Nag smile na lang ako ng konti.

"Ang ganda... ko talaga!"

Whatever, Nikki.

"Pwede kayong bumaba pero sandali lang." Sabi ng lalaking nasa makina ng bangka.

"Wala bang ahas dito manong? Yung walo-walo? O jelly fish?" Tanong ko. Baka kapag bumaba ang mga kasama ko ay tuklawin sila.

Never Fall Inlove With A Bad BoyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant