CHAPTER 2 ♥

639 19 0
                                    

CHAPTER 2

Jasmine's POV!!

Umupo ako sa upuan sa may corridor ng hospital.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Nanginginig pa rin ako ngayon. Hindi nag fu-function ng maayos ang utak ko. Feeling ko ako ang may sala tapos ako ang makukulong.

Bwisit. Kingina talaga. Dapat ngayon nasa bahay na ako at prenteng naka-upo sa sofa.

May kasama akong tatlong lalaki dito sa corridor ng hospital. Nakasandal silang tatlo sa pader at tulala. Naka-uniform din sila. Doon din sila nag aaral sa school na pinapasukan ko.

"Kapag may nangyaring masama kay Kazer siguradong makukulong 'yung grupo ni Joni. Ang duduga talaga nilang makipag laban." Sabi nung isa sabay mura.

So Kazer pala ang pangalan ni boy blonde? Kazer... okay.

"Parang wala tayong kwenta. Rumesbak na nga tayo nasaksak pa siya. Bwisit." Sabi naman nung lalaking chinito.

Sila 'yung sumugod kanina na nakisawsaw din sa suntukan. Madami sila pero tatlo lang yung sumama dito sa hospital.

"Sorry kasalanan ko." Sabi ko. Tumingin silang tatlo sa akin.

"Huh?"

"Eh kasi.. tinulungan niya ako.. kaya ayun." Pinaglaruan ko ang daliri ko.

"Wow! Tinulungan ka ni Master?" Di makapaniwalang sabi nung isa. Tulong ba 'yon? Siguro nga.

"Kung hindi niya ako tinulungan siguro na-rape na ako.. kasalanan ko kasi 'di ako nag iingat."

"Ang may kasalanan dito miss ay 'yung grupo ni Joni." Sabi nung isa. Tumango na lang ako at lumunok.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama doon kay Kazer. Parang binuwis niya ang buhay niya para lang maligtas ako doon sa mga addict. May utang na loob ako sa kanya.

Nanahimik kaming apat. Inaantay namin 'yung doctor na lumabas at ibalita sa amin kung ano ang kalagayan ni Kazer.

Halos mapamura ako nung maalala ko sila Lola.

Tumingin ako sa orasan. 7:45 na.

Aligaga kong kinuha ang cellphone sa aking bag. Shet! ang daming missed calls. Patay na talaga ako!

Tinawagan ko si Lola para sabihin sa kanya ang sitwasyon ko ngayon. Sinagot naman niya.

"La..." panimula ko.

"Jasmine! Ano nakipagtanan ka na ha? Asan ka?! Lintek kang bata ka!"

Naiimagine ko ang mukha niyang galit na galit. Umuusok pa ang ilong at tenga. Masyadong strict si Lola. Nakakatakot.

"Nasa hospital po ako."

"Ano???? Anong ginagawa mo diyan?! Nabalian ka ba ng buto? Nadisgrasya?! Alam mo bang pinapahanap na kita sa mga pulis ngayon?!"

Kumalabog ng husto ang puso ko nung sinabi ni Lola na hinahanap ako ng pulis. I'm not a criminal right?

Naririnig ko ang boses ni ate sa background.

"Kalma po. Uuwi na po ako mamaya. Ayos lang po ako promise. May inaayos lang."

"Umuwi ka na ngayon din! Anong ginagawa mo diyan?"

"Sasabihin ko po sa inyo mamaya."

"Basta ha umuwi ka na. Mamatay ako ng maaga dahil sa iyong bata ka!"

"Oo na po. Uuwi na ako. Sige bye."

Pinutol ko na ang tawag.

May lumabas na doktor doon sa room kung saan nila pinasok si Kazer kaya napatayo ako.

Never Fall Inlove With A Bad BoyWhere stories live. Discover now